Chapter 4

33.4K 458 21
                                    

Huminga muna sya ng malalim bago pumasok ng kwarto. Alam nyang tulog ito pero kinakabahan pa rin sya.

Ang magandang mukha ni Denden ang bumati sa kanya pagbukas nya ng pinto.

Ni-lock nya ang pinto at lumapit sa kama nito.Lumuhod sya para tingnan ito habang mahimbing na natutulog. Mukhang napuyat nga yata ang isang ito. Pero kahit ganoon ay maganda pa rin ito.

Malalim ito lagi matulog kaya kahit naiidlip lang ay mahirap pa rin itong gisingin. Alam nya iyon kaya madalas nya itong titigan habang natutulog nang hindi nag-aalalang mahuli sya nito.

She reached for her hand and planted light kisses on her palm.

I love you Dennise.

Hinawi nya ang ilang hibla ng buhok na tumabing sa mukha nito.

I love you so much.

She kissed her cheek ever so lightly.

She was about to sit on the floor to continue staring when her phone beeped.

Fr: Ate Jia

-Been 20 minutes since you went up there. Stop staring and wake her up already. Hindi yan kumain ng breakfast kanina.

Panira talaga ito ng moment.

Ibinalik nya ang kamay nito sa dating pwesto saka tumayo.

Tinapik-tapik nya ito.

“Den. Hey Den. Gising na.”

Gumalaw ito nang bahagya. Niyugyog na nya ang balikat nito nang mahina.

“Hey Den. Lunch na. C’mon.”

Sa wakas ay nagmulat na ito mata. Para pa itong nagulat nang siya ang makita.

Ngumiti sya. “Hey Sleeping Beauty.”

Ngumiti din ito pero halatang naiilang. “Hey.”

“Ate Jia asked me to wake you up. Tara na sa baba.”

“Uh. Right. Yeah. Let’s go.” Hinintay nyang tumayo ito saka sya naglakad palabas. Hindi ito sumabay sa kanya pababa. Nanatili itong nakasunod sa kanya hanggang kusina.

“Oh. The weird besties. Antagal nyo ah. Muntik na kayong maubusan ng pagkain ni Marge at Ella”, sabi ni Michelle.

“Huwag mo akong idinadamay ate Mich. Baka si Ella lang.”, sabi ni Marge.

“I. Did not kill. Enibadi.”, sabi naman ni Ella.

Tawanan silang lahat.

“Sus nagtuturuan pa kayo, e pare-parehas lang naman kayong tatlo.”

“Quiet. Nasa harapan kayo ng pagkain ang iingay nyo.”, si Jia ang nagsalita. “Sit down and eat Lazaro, Valdez. Ikaw Valdez ang maghuhugas ng pinagkainan mamaya dahil alam mo na kung bakit.” Tumingin muna ito sa kanya saka kumain uli. Talagang alam nya kung bakit. Inaasar lang sya nito dahil kay Denden.

“Sure Cap’ain. Tara Den.” Kinuha nya ang braso nito at hinila papunta sa dalawang bakanteng upuan sa tabi ni Jia.

Umupo sya sa tabi ni Jia habang ito naman ay sa tabi nya.

Nilagyan ng pagkain ang plato ni Den saka sya naglagay ng para sa kanya. Pasimple syang siniko ni Jia. Nang tingnan naman nya ito ay patuloy lang ito sa pagkain na parang walang ginawa. Inaasar na naman sya nito.

That Kiss (feat. AlyDen)Where stories live. Discover now