Chapter 38

25.7K 387 33
                                    

“So, kumusta ang manliligaw at ang panliligaw?”, tanong ni Genil sa kay Alyssa.

Nagpunta sila ni Andie sa coffee shop nito.

“The suitor is, as usual, awesome while the courting thingy, good.”

Kumunot ang noo nito. “Good lang?”

“Yep. Ayaw kasi ni Dennise magpaligaw.”, sabat ni Andie.

Pinukol nya ng masamang tingin si Andie. Nagkibit-balikat lang naman ito.

“Ayaw nya magpaligaw? Ayaw na nya sa’yo?”

“No!”, pabigla nyang sagot. “I mean, not that.”

“Ayaw ni Dennise magpaligaw kay Alfie dahil hindi na nya daw kailangang manligaw.”, si Andie ang sumagot kay Genil.

Siniko nya ito sa tagiliran.

“Ang daldal mo talaga.”, inis na sabi nya dito.

“Hahahahaha! Yun naman pala Alyssa e. Hindi mo na pala kailangang manligaw e bakit manliligaw ka pa? Si Dennise na mismo ang may gustong magkabalikan kayo.”, sabi naman ni Genil.

Sumimangot sya. “Gusto ko e. Pakialam nyo ba.”

“Marunong ka bang manligaw?”

Napakamot sya ng ulo sa tanong ni Genil.

“Tsk tsk tsk. Wag mo nang ligawan si Dennise para maging happily ever after na agad kayo.”

“Ala. Ayoko.” Napailing na lang si Andie at Genil sa kanya.

Sandali silang natahimik.

“Gen, paano mo niligawan si Rozen dati?”, pagdaka’y tanong nya kay Genil.

Sandaling nag-isip ito. Sya naman ay nakatutok lang ang tingin dito habang hinihintay itong sumagot.

“Hindi ako ang nanligaw, Alyssa e. Si Rozen my labs ang parang nanligaw sa akin.”, mayamaya’y sagot nito.

Napasimangot sya.

“Ang yabang mo naman.”, sabi naman ni Andie pagkatapos ay bumaling ito sa kanya. “Parehas ata kayong dalawa ni Genil, Aly. Parang gusto rin ni Dennise na ikaw ang ligawan imbes na ikaw ang manligaw sa kanya.”

“Tumigil ka nga!”, asik nya dito. Madalang pa sa pagkapanalo ng LA Lakers ang mga pagkakataong matino nyang nakakausap ang mga kaibigan nyang ito.

“Hindi sa nagyayabang ako, Alyssa. Pero kasi noon, hindi ko talaga magawang pormahan si Rozen dahil natatakot akong layuan nya ako kapag nalaman nyang may gusto ako sa kanya. Akala ko kasi kasama sya ni PNoy sa tuwid na daan. Na hindi sya pumapatol sa mga katulad kong maganda na maganda din ang gusto. Pero eventually, nahulog rin sya sa charm ko at sya na mismo ang gumawa ng paraan para masilo ako.”, paliwanag ni Genil.

Hindi raw nagyayabang pero nagyayabang naman.

Inirapan nya na lang si Genil.

“Hindi ako marunong manligaw, mga kaibigan. Nag-research ako sa internet kung paano manligaw pero hindi ko alam kung mapapakilig ko si Den gamit ang mga yon.”, amin nya sa mga ito. “Parang ang baduy naman nung mga nabasa ko.”

Napailing si Genil. Si Andie naman ay parang natatawa.

“Alam mo, Alyssa. Ganon talaga ang nagmamahal, nagiging corny at baduy.”, sabi ni Genil sa kanya.

That Kiss (feat. AlyDen)Where stories live. Discover now