Chapter 6

34.6K 468 8
                                    

5am pa lang ay gising na si Denden. Medyo masakit kasi ang ulo nya dahil sa overthinking galore nya  kagabi kaya bumangon sya para kumuha ng maiinom. Tiningnan nya si Alyssa kung natutulog pa ito pero mukhang mas maaga pa itong nagising sa kanya.

Himala. Kapag ganoon kasing weekends ay madalas itong nagpapatanghali ng gising.

Bumaba na sya para kumuha ng tubig pero nagulat sya nang makita nyang nag-uusap sina Jia at Alyssa sa may sala. Tumigil ang mga ito nang makita sya. Kinabahan sya bigla, baka sabihin ni Jia ang napag-usapan nila kahapon. Pero hindi naman siguro. Sana nga hindi.

“Ang aga mo nagising.” ,bati sa kanya ni Alyssa.

“A-ah, oo. Medyo masakit kasi ang ulo ko kaya bumaba na ako para sana kumuha ng tubig.”

“I knew it. Past-12 ka na kasi natulog, e hindi ka naman sanay magpuyat.”

Tumayo ito. “Maupo ka muna dyan. Good thing maaga kaming nagluto ni ate Jia. Ipagpe-prepare kita ng breakfast. Uminom ka ng gamot.”

“Ly, don’t bother. Iiinom ko lang to ng tubig, mawawala din to.”

“Shut up and sit.”

 Umalis na ito. Wala syang nagawa kung hindi umupo.

Nginitian nya si Jia. “Good morning ate Ji.”

“Morning Lazaro. Ano, nakapag-isip ka bang mabuti kagabi?”, tanong ni Jia.

“Yeah.”, sagot nya.

“That’s nice.”

Maya-maya, dumating na din si Alyssa bitbit ang isang tray na may lamang pagkain at tubig.

“Let’s go.”

“Where are we going? Sa kitchen na lang ako kakain.”

“No. Sa room ka na kumain para makapagpahinga ka na pagkatapos. Baka abutan ka pa ng mga magugulo, lalong lumala yang sakit ng ulo mo. C’mon.” Nauna na itong maglakad.

Bumuntong-hininga sya saka tumayo. Sumunod sya dito paakyat.

“You’re so slow. Buksan mo yung pinto.”

“Yeah. Yeah. Eto na.” Binuksan nya ang pinto pero ito ang una nyang pinapasok.

Nilapag nito ang tray sa bedside table nya saka inayos ang higaan nya.

“Come here.” Lumapit sya at tumingin dito.

“Don’t tell me pahihigain mo muna ako bago pakainin.”, sabi nya dito.

Tiningnan sya nito. “No, I’m gonna tell you to sit there and eat while I get your medicine. Nalimutan ko kasi.”

Tumalikod na ito at nagsimulang maglakad pero bigla uling pumihit papaharap sa kanya. “Dapat pagbalik ko ubos mo na yan. Hintayin mo ako dito.”

Napabuga sya ng hangin nang makaalis si Alyssa. Naiilang sya sa mga ginagawa nito. Hindi sa hindi sya sanay dahil ganoon din naman ito sa kanya mula nang maging malapit silang magkaibigan. Pero iba na kasi ngayon. Back then, walang ‘butterflies in the stomach’, walang ‘kilig’ feeling. Hindi sya kumportable.

Tanggap na nya na mahal nya ng si Alyssa nang higit pa sa kaibigan. Ang hindi nya matanggap ay kung bakit nararamdaman nya iyon.

Lord, bakit kasi ganito? Bakit hindi na lang sa lalaki? Bakit hindi na lang kay Myco para mas madali. Ang labo naman Lord e.Sobrang labo.

That Kiss (feat. AlyDen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon