Chapter 31

26.2K 336 20
                                    

Napako sa kinatatayuan nya si Denden nang makita nya ang ginagawang milagro ni Alyssa at ng babaeng kasama nito sa kasal nina Jia.

She noticed that Jia tried to block her from seeing them pero huli na ang lahat. Nakita na nya ang mga ito.

T-they're kissing?! And not just kissing. They were french kissing!

Sumulyap sa kanya si Alyssa. Nagtama ang mga paningin nila pero wala syang mabasang emosyon sa mukha nito.

“Ate Jia, bakit hindi kayo kumakatok? Muntik na kayong makakita ng kung ano. Haha.”, sabi ni Alyssa.

Parang wala lang dito ang nangyari. Pero sya gustong-gusto na nyang umalis sa lugar na iyon. Gustong-gusto na nyang magtatakbo pero nahihiya sya. Magmumukha lang syang tanga kapag ginawa nya yon. Pinilit nyang wag ipakita kay Alyssa ang sakit na nararamdaman nya. She tried to keep a straight face.

“Bakit kasi hindi kayo nagla-lock ng pinto?”, narinig nyang sabi ni Jia.

“Sorry, Jia. Ito kasing Aly e.”, sabi naman ng babaeng kasama ni Alyssa.

Medyo nagulat sya, kilala pala ito ni Jia.

Malandi kang babae ka!

Ano ka ba, Den. TIgilan mo nga yan! Girlfriend sya ni Alyssa! Ito na naman ang forever atribida side ng utak nya.

“Tara na, Alyssa.”, yaya ni Jia.

Tumayo si Alyssa.

“Are you sure, you don’t want to come? Ipakikilala kita sa friends ko.”, sabi ni Alyssa sa babae.

“Damn sure.  Genil will kill me kapag hindi ko sinamahan si Rozen.”

“Okay. Next time na lang siguro.”

“Yeah. But Aly, you have a friend here na hindi ko pa kilala.”

Nakatingin ang babae sa kanya habang nakangiti. Mukha namang mabait ito pero parang may ibig sabihin ang ngiti nito.

Sinulyapan sya ni Jia.

“Uh, yes. Oo nga.”, sabi dito ni Alyssa.

“Uh, Andie, this is Dennise.”, pagpapakilala sa kanya ni Alyssa.

“Dennise, this is Andie.”, tukoy naman nito sa babae.

Pinilit nyang ngumiti sa babae.

Inabot nito ang kanyang kamay nito sa kanya. Alanganin nyang tinanggap iyon at nakipagkamay.

“Okay, we’ll go ahead. Hintayin mo na lang si Genil dito. Pinasundo kita.”, paalam ni Alyssa kay Andie. Hinalikan pa nito sa pisngi ang babae. Iniiwas nya ang tingin sa mga ito.

- - - - - - - - -

“Kotse mo gagamitin natin Ly, ha. Nag-commute lang kami ni Den papunta dito.”, sabi ni Jia sa kanya nang makasakay sila ng elevator.

Pasimple nyang sinilip si Denden na katabi ni Jia. Nakayuko ito kaya tiningnan nya ng masama si Jia. Gustong- gusto na nya itong kutusin dahil sinama pa nito si Den sa unit nya pero hindi nya magawa dahil kasama pa nila si Den.

Ngumisi lang naman sa kanya si Jia kaya lalo lang syang nainis.

Nagpatiuna na syang maglakad papunta sa kotse nya nang makababa sila sa parking lot ng condominium na tinutuluyan nya. Nababadtrip pa rin sya dahil nakita ni Denden na naghahalikan sila ni Andie.

That Kiss (feat. AlyDen)Where stories live. Discover now