Chapter 2

34.5K 475 9
                                    

“Bakit hindi ka sumama sa kanila?”, tanong nya kay Alyssa. Pauwi na sila sa dorm.

“Tinatamad ako.”

"Talaga lang ha."

"Bakit? Ayaw mo ba akong kasama? Sige. Susunod ako sa kanila. Bye.",biglang sabi ni Alyssa.

"What?!" Hinila nya ang braso nito nang akmang tatalikod na ito. "I did not mean it that way. Dito ka na lang."

May topak talaga tong kaibigan nya.

- - - - - - - - - - -

Naisipan niyang magbasa ng libro. Friday naman kasi at walang pasok kinabukasan kaya okay lang kahit hindi muna sya mag-aral. Nagpaalam si Alyssa na lalabas muna ito saglit.

Maya-maya ay narinig niya ang ugong ng sasakyan nito sa baba. Saan kaya galing yon at nagkotse pa?

Inintay nya itong pumasok sa kwarto pero mukhang hindi pa doon ang direcho nito. Mga 15 minutes din nyang inabangan ito sa pinto. Sa wakas ay pumasok na ito pero nagulat sya sa bitbit nito.

May dala itong sampung beer at yelo. Anong naisipan nito at nagbabalak yata itong mag-inom. Mahina pa naman ang resistensya nito sa alak. Actually parehas sila.

“What in the world are you gonna do, Ly?”,kunot-noong tanong nya sa kaibigan nya.

“What? Left your brain somewhere? Iinom. Ano pa ba. At hindi lang ako. TAYO.”, balewalang sagot nito.

“I mean, bakit? May problema ka ba?”

“Yan ang problema sa mga tao. Kailangan laging may problema kapag umiinom. Naisipan ko lang. Wala naman sila e. Feeling ko matatagalan yung mga yun dahil hindi nila kasama si ate Jia.”

Sabagay yun din naman ang naiisip nya e. Kay Jia lang naman talaga sila takot.

“Pero bakit pati ako iinom?”,tanong nya.

“So hahayaan mo lang akong mag-inom at malasing? Kala ko ba magkaibigan tayo?”

Patay. Minsan lang nito banggitin ang  ‘magkaibigan tayo’ kaya wala na syang karapatang tumanggi.

“Fine. Fine. Buti na lang sabado bukas.”

Ngumiti ito. Ngiting-tagumpay. Bumaba sya ng kama at naupo sa sahig. Pagkatapos nitong i-lock ang pinto nila ay umupo na rin ito at binuksan ang dalawang bote. Ibinigay nito sa kanya ang isa.

“Cheers!” Sabay nilang tinungga ang kani-kanilang inumin. Pagkatapos ay nagtawanan sila. Sabay kasi silang natapos.

Nagbukas uli ito ng dalawang bote.

“Hanggang tatlo lang tayo Ly ha. Parehas tayong mahina sa alak.”, paalala nya dito.

“Oo na. Oo na.” Ibinigay na nito sa kanya ang isang bote.

Pagkatapos tunggain ang pangalawang bote ay nakaramdam na sya agad ng pagkahilo. Sinasabi na nga ba’t mahina talaga sya e. Tumingin sya dito. Mas mukhang lasing na ito sa kanya gayong pangalawang bote pa lang nito.

Pagkatapos ng pangatlong bote nila ay mas tumindi pa ang pagkahilo nya. Inawat na nya si Alyssa na tumigil na pero mukhang nalasing na nga ito at ayaw magpaawat.

Patay! Ang yabang kasi ng isang ito.

Naubos nila ang sampung bote. Fortunately, medyo nasa huwisyo pa rin sya. Pero itong kainuman nya ay kumpirado nang lasheng. Madaldal na ito at kung ano-ano na ang ikinukwento.

“Hahahaha! Diba nakakatawa yon. Biruin mo nagpunta shi Jovee sa gym e wala naman ako don. Hahahahaha!”

“Hahahahaha! Ikaw kashi lagi mo na lang pinagtitripan yung tao. Tama na. Tulog na tayo babes. Feeling ko lasheng na tayo e. Hahahaha!”

“Ano ka ba Den. Hindi pa ako lasheng baka ikaw lang. 11pm pa lang o. Lika muna dito.”

Nakatayo na sya nang hilahin  ni Alyssa ang braso nya dahilan para malaglag sya dito.

“Aray naman Ly. Shabi ko na lashe---”

Natigil ang pagrereklamo nya nang makitang sobrang lapit ng mga mukha nila sa isa’t-isa. Bigla tuloy syang na-conscious sa tayo nila. Nakapaibabaw sya dito.

“Hahahaha! Natumba ka. Ikaw ang lasheng.”

Wala syang maisip na mga salita. Nakatitig lang sya dito. Maya-maya ay tumigil na din ito sa pagtawa nang mapansin ang pananahimik nya. Nagkatitigan tuloy sila.

“Ly.”

Hindi nya alam kung anong sumapi sa kanya nang mga oras na iyon.

Bigla na lang nyang hinalikan si Alyssa. Naramdaman nya ang pagkabigla nito. Ilalayo na sana nya ang mukha nya dito nang bigla sya nitong hinawakan sa likod ng ulo at tumugon sa halik nya.

Parehas silang hinihingal nang maghiwalay ang mga labi nila. Biglang nawala ng pagkalasing nya. Nang tingnan nya itong muli ay halata ang pagkagulat nito nang mapagtanto kung ano ang nangyari.

Umalis sya agad sa pagkakadagan dito.

Tumayo naman ito.

“Ly.”

“Ma-matulog na tayo. Bu-bukas ko na lang aayusin yang mga yan.”

“ Ly please.”

“Si-sige na matulog ka na din. Kalimutan na lang natin ang nangyari.”

Wala syang nagawa nang mahiga na ito. Tumagilid pa ito patalikod sa kanya. Ramdam nyang gulong-gulo ito ngayon.

“Mag-usap tayo bukas.”

Wala itong naging tugon kaya naman nahiga na rin sya.

1am na pero gising pa rin si Denden. Namalayan pa nyang dumating ang mga teammates nila. Buti na lang hindi na sila kinatok ng mga ito. Akala siguro ng mga ito ay tulog na sila.

Hindi pa rin mawala sa isip nya ang nangyari kanina. Ano ba kasing sumapi sa kanya at nagawa nya yon. Parang may kung anong nabuhay sa katawan nya nang halikan nya si Alyssa.

Shit! Shit! Shit! Ano ba kasing nangyari sayo Dennise! Gusto mo na ba s Alyssa? Bestfriends kayo diba! Bestfriends!

----------------------------------


Ano na kayang mangyayari sa friendship nila? Abangans.

That Kiss (feat. AlyDen)Where stories live. Discover now