Chapter 43

21.2K 323 23
                                    

“Three weeks tops, Al. Your wedding will be ready in three weeks.”

“Three weeks?! Bakit parang ang tagal naman, Ands. Hindi ba pwedeng two weeks lang?!”

Dinig nya ang pagbuntong-hininga ni Andie.

“Alberto, hindi genie ang wedding coordinator na nakuha ko. Hindi sya nagpi-finger snap lang and, poof, tapos na yung preparations. Maraming kailangan yung theme na gusto ni Dennise ha. Maghahanap pa kami ng perfect setting, props and all.”

Sya naman ngayon ang napabuntong-hininga. Tama naman kasi ito.

“Ang alalahanin mo ngayon, Aly, e kung paano ka magpo-propose kay Dennise.”, sabi pa ni Andie.

“Intimate dinner lang yung plano ko. Alam mo namang ayoko nung masyadong flashy. Gusto ko nga sana kami lang dalawa. Na-arrange ko na yun.”

“If that’s so, hintayin mo na lang kami. Saglit lang yung three weeks, Alyssa. Patience. Okay?”

“Ano pa nga bang magagawa ko. Basta make my wait worth it. Make it the best wedding you have ever attended.”

“Don’t worry. ‘Di ba sabi ko sa’yo ako na ang bahala. Anything for you, my ex-love. Haha. Oh, and of course, Dennise.”

“Haha. Sira ka. Pero thanks, FRIEND.”

“Ouch? Hahaha.”

She chuckled. “Babay na nga. Puro ka kalokohan. Kailangan ko pang sabihan ang papa ni Dennise at sila mga magulang ko. ‘Love you, Ands! Mwah.”

Hindi na nya hinayaan pang makapagsalita pa si Andie dahil baka humaba pa uli ang usapan nila. Tinapos na agad nya ang tawag nito.

Ang sunod naman nyang tinawagan ay ang ama nya.

“’Yo papa.”, bati nya dito.

“Alyssa. Buti naman naisipan mo akong kumustahin. Masyado ka yatang naging busy kay Dennise, nakalimutan mo na kami ng mama mo.”, kunwari’y nagtatampo nitong sabi sa kanya.

“Pa, kakatawag ko lang sa inyo ni mama nung isang araw kaya wag nyo akong paandaran ng acting skills nyo. At hindi ako masyadong busy kay Den, Pa. May bookstore din akong inaasikaso diba.”, natatawa naman nyang sabi dito.

“Kahit na. Kelan ba kayo uli uuwi dito ni Dennise? Nami-miss na kayo ng mama nyo.”

“Pa, I have something to tell you.”

Napansin siguro nito ang kaseryosohan sa boses nya kaya saglit na natahimik ito sa kabilang linya.

“What is it, anak?”

“I’m getting married.”

Natahimik na naman ang ama nya.

“P-pa?”

“A-anak? B-buntis ka ba? Sinong ama?”

Sya naman ngayon ang natigilan.

“Alam na ba ni Dennise?”, pagpapatuloy pa ng papa nya.

“P-po?”

“Anak, bakit mo sinaktan si Dennise? Napakabait ng batang iyon. Nalasing ka ba kaya may nangyari? Alam mong kahit parehas kayong babae, ni minsan ay hindi ako nakaramdam ng pagtutol sa inyong dalawa. Pero kung talagang nakapagdesisyon ka na ay sige. Susuportahan na lang kita. Kailan ko makikilala ang lalaking pakakasalan mo?”

That Kiss (feat. AlyDen)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant