Chapter 26

23.7K 271 26
                                    

“So, I’ll see you when I see you, Alyssa and the girlfriend. Sa ngayon, ito munang makulit na baby ko ang aasikasuhin ko.”, paalam ni Genil sa kanila.

“Sure. See you.”, magkapanabay na sabi nila ni Alyssa. Kumaway pa sila sa mga ito.

“Diba sabi ko sayo, she’s a nice woman.”, sabi ni Alyssa sa kanya nang makaalis ang mga ito.

Ngumiti sya. “Yeah.”

Matapos mag-sorry ni Genil sa kanya dahil sa nangyari kanina ay parang walang nangyaring nagkwento na ito nang nagkwento. At sa buong oras na nagkekwento ito ay tawa lang sya nang tawa. Nakakatuwa ito at madaling makagaanan ng loob. Kaya pala naging ka-close agad ito ni Alyssa kahit pangalawang beses pa lang ng mga ito magkita.

May nickname na din agad ito sa kanya. Sya na ngayon si ‘the girlfriend’ para dito.

Sinulyapan nya si Alyssa na natahimik Nilalaro-laro nito ang natirang pagkain nito.

“Den, nakita tayo ni Rayne kanina. Paano kapag nalaman ng papa mo?”, tanong nito sa kanya.

Ngayong nabanggit nito iyon ay napaisip sya. She acted on a whim kanina. Hindi nya naisip ang mga magiging implikasyon. Napabuntong-hininga sya.

“I-I don’t know. Siguro kakausapin ko na lang sya.”

“Patitigilin mo na ba sya sa panliligaw nya?”

Natigilan sya. Kaya ko ba? Kapag pinatigil ko sya, maghahanap ng dahilan si papa. Argh!

“I don’t know, Ly.”

Parang nalungkot si Alyssa.

“Ly, I’m sorry.”

“No, it’s okay.” Halatang pilit ang ngiti nito. “Nagtext si Ella, magsi-swimming daw sila. Hindi ako sasama, matutulog ako. Una na ako ha, intayin mo na lang sina Ella dito.”

“Ly.” Sinubukan nyang hawakan ang kamay ni Alyssa pero pasimple nitong iniiwas iyon.

Ngumiti ito sa kanya. “Una na ako sa hotel ha. Bye.”

Naiwan syang naluluha sa restaurant. Sa totoo lang hindi naman ganon kadali ang ‘pagdispatsa’ kay Rayne e. Sabi nga ni Genil, hindi magiging madali kung may mas malaking dahilan. At merong isang napakalaking dahilan. Ito ang itinakda ng papa nya para pakasalan nya. Kahit nagagalit sya sa papa nya ay hindi nya ito magagawang sawayin nang ganon-ganon na lang. Natatakot pa rin sya dito kahit papaano. Natatakot pa rin syang aminin dito na may relasyon sila ni Alyssa, sa kapwa nya babae. Nakita nya kung paanong nagalit ang papa nya sa pinsan nyang si Joseph nang malaman nitong bakla ito. Hindi nya kayang mangyari iyon sa kanya.

“Denden. Hoy, Denden. Nakatulog ka na ata dito.”

Napaangat sya ng tingin. Sina Ella ang nakita nyang nakatayo sa tabi nya.

“Bakit umiiyak ka?! Nasaan si Alyssa?!”, malakas na tanong nito.

Napahawak sya sa pisngi nya. Basa iyon. Napaiyak na pala sya.

“Wag ka ngang maingay. Lagot ka kay Genil kapag nawalan ng customer ang restaurant nya.”, pag-iiba nya ng topic.

“Wag mo kaming inililigaw, Denden. Nasaan si Alyssa? Sabi ni ate Jia, magkasama kayo.”, sabi ni Bea.

Ngumiti sya nang mapakla. Wa epek.

“Nasa hotel. Matutulog daw.”

That Kiss (feat. AlyDen)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora