Chapter 17

24.9K 331 10
                                    

“Kumusta ang naging dinner nyo ni Rayne last night, Dennise?”, tanong ng papa nya sa kanya. Nasa office sya nito ngayon at nilalaro-laro ang mga paper weights na nandoon.

“Okay lang po. Umuwi lang ako kaagad kasi sumakit yung ulo ko.”, sabi nya.

“What do you think of him?”

Napatingin sya sa papa nya dahil sa tanong nito.

“What do you mean?”

“Anong impression mo sa kanya?”

Kinakabahan na sya sa tinatakbo ng usapan nila. “He’s okay. He looks...nice.”

Kumunot ang noo nito. “That’s it?”

Sya naman ang napakunot ng noo. “Yeah. What else do you want to hear? Kahapon ko lang sya nakita at nakilala.”

Nag-isip ito sandali.

“Well, that’s true, iha. Good thing, I called him up to eat lunch with you. Get to know each other more.”, sabi nito sa kanya.

Natigilan sya.

“Why’re you doing this, pa? You made me ditch my friends to eat with the person I just met yesterday. What exactly are you planning?”, naiinis na sya sa papa nya.

“Gusto ko lang kayong magkakilala.”

“We already met, pa. What else do you want?”

“I mean, know each other better.”

“Why?”

“I want him....” Tumingin ang papa nya sa kanya. “....for you.”

Tuluyan na syang napatayo. I knew it!

“What? Are you trying to get me into an arranged marriage, pa? I’m just 21. I’m still in school.”

Nakamasid lang sa kanya ang papa nya.

“I know. I’m not rushing things.”, maya-maya ay sabi nito.

Napamulagat sya.

“So, gusto nyo nga akong ipakasal sa kanya?”

“Yes.”, walang kagatol-gatol na sabi ng papa nya. “After you graduate.”

“That won’t happen.”

“You’re already in your 4th year. You still have a year to prepare.”

“No.”

Tiningnan sya nang matiim ng kanyang ama. Takot sya dito noon pa man pero ngayon ay parang nawala ang takot nya dito.

“I wanted to break it to you after this semester because Rayne’s dad and I are still talking pero mukhang kailangan na naming madaliin ang pag-uusap.”, kalmado pa ring sabi nito.

“Pa, ayoko. Hindi ko sya mahal.”

“You still have a year. Magbabago pa ang isip mo. Love can be learned.”

Napailing sya. “Does he know your scheme?”

“Not yet.”

Napahilamos sya ng mukha. Naiiyak na sya. Sinasabi na nga bang may pinaplano ang papa nya sa biglaan nitong pagtawag sa kanya kagabi. Hindi ito basta-basta nakikipagkita sa kanya. Lalong hindi ito nagpapakilala ng lalaki sa kanya. Kahapon lang. Gagawin din nito sa kanya ang ginawa nito sa ate Dara nya.

That Kiss (feat. AlyDen)Where stories live. Discover now