Chapter 34

33.7K 426 84
                                    

Maagang nagising si Alyssa. Balak nya sanang ayain si Den na mag-breakfast. Alam nya kasing maaga magigising ito dahil pupunta ito ng site.

Lalala.”

Pakanta-kanta pa sya habang naliligo.

Matapos nyang maligo at makapagbihis ay sinipat nya ang sarili sa salamin.

Ganda mo talaga, Alyssa. Yummy. Haha.

Nang makita nyang okay na ang ayos nya ay nagpasya na syang puntahan si Dennise sa kabila.

Yosh! Siguro naman paalis na sya. Yayayain ko muna syang mag-breakfast.

Pero paglabas nya ng kanyang kwarto ay nawala agad ang ngiti nya. Nabwisit sya sa nakita nya.

Hayun si Myco at kausap na agad si Dennise.

Babalik na sana sya pero....

Ano? Papatalo ka na lang? Hindi ganon men.

Pumihit sya paharap at naglakad papunta sa mga ito.

Buong tamis syang ngumiti bago nagsalita.

“Good morning, Den!”

- - - - - - - - - -

“Good morning, Den!”

Napunta ang tingin ni Den kay Alyssa. Ngiting-ngiti ito kaya nahawa sya at nginitian nya din ito nang pagkatamis-tamis.

'Morning!”, ganting bati nya dito.

May bisita ka pala. Aayain sana kitang magbreakfast.”, sabi ni Alyssa sa kanya.

Napatingin sya kay Myco.

“Pwede bang sabihin mo na lang kung saan ang Mcdo dito? Ayoko kasing kumain sa restaurant.”, pagpapatuloy ni Alyssa.

“S-samahan na lang kita. Malapit lang naman dito yun. Pwedeng lakarin.”, sabi nya.

Si Myco naman ngayon ang napatingin sa kanya. Nagtatanong ang mga mata nito. Inaaya din kasi sya nito mag-breakfast bago pa man dumating si Alyssa. Pero hindi pa naman sya pumapayag.

“Pero baka magalit yang bisita mo kapag iniwan mo sya. Kayo yata ang magkasamang magbe-breakfast e. Okay lang ako. Sabi mo nga malapit lang. Sabihin mo na lang yung address. Magta-tricycle na lang ako.”

Sama na lang ako. Hindi pa rin kasi ako nagbe-breakfast. May itinanong lang naman si Mr. Antonio sa akin kaya sya nandito. Paalis na rin sya.” Bumaling sya kay Myco. “Hindi ba, Mr. Antonio?”

She looked at him intently.

Sabihin mong oo.

“Ye-yes, Ma'am. Mauuna na po ako sa site.”, sa wakas ay sabi nito. Laglag ang balikat na naglakad ito palayo sa kanila.

Ibinalik nya ang kanyang tingin kay Alyssa.

“Can you wait here for a while? May nakalimutan lang ako sa loob.”, pagpapaalam nya dito.

“Sure. Take your time.”

Mabilis syang pumasok sa kwarto nya at humarap sa full-length mirror na naroroon at tiningnan ang kanyang sarili.

That Kiss (feat. AlyDen)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu