Chapter 20

28.1K 322 17
                                    

“Ly, pahiram ako ng laptop mo ha.”, paalam ni Denden kay Alyssa. Manonood sya ng kahit anong movie na nasa laptop nito dahil wala syang magawa.

Tumingin lang ito sa kanya at hindi sumagot pagkatapos ay mabilis ding binawi ang tingin.

Kinuha naman nya agad ang laptop na nasa study table dahil alam nyang pumayag na si Alyssa. Minsan kasi ay talagang tamad magsalita ito. At alam na nya ang ibig sabihin ng mga tingin nito kahit hindi ito magsalita. Lalo na ng mga oras na iyon dahil abala ito sa paggawa ng design project ng grupo nito dahil halos isang buwan na lang at tapos na ang second sem.

Halos kasisimula pa lang ng panonood nya nang mapansin nyang nililigpit na ni Alyssa ang mga gamit nito at itinabi. Lumapit ito at tumabi sa kanya sa pagkakaupo sa kama.

“Tapos ka na agad? Ambilis naman.”

Gaya ng inaasahan ay hindi ito umimik. Ibang klase talaga to. Kinuha lang nito ang isa nyang kamay pagkatapos ay humiga. Nilaro-laro nito ang mga daliri nya. Ipinagpatuloy naman nya ang panonood.

Maya-maya ay naramdaman nyang hinahalik-halikan na nito ang kamay nya at braso. Napangiti sya. Naglalambing na naman. Yumuko sya para sana halikan si Alyssa sa noo pero kinabig sya nito sa batok at hinalikan sya sa mga labi. Mabilis din naman agad nitong tinapos ang halik pagkatapos ay ngumiti sa kanya ng tipid.

“Den.” Sabay silang napalingon sa may pinto nang marinig nila ang boses ni Michelle. Kumatok ito.

“Bakit, ate Mich?”, tanong nya.

“Uh, may bisita ka.”

Tumayo sya para buksan ang pinto pero hindi binibitawan ni Alyssa ang kamay nya. Nakatingin lang ito sa kanya. Pinanlakihan naman nya ito ng mata para sabihing kailangan nya muna buksan ang pinto. Sumimangot muna ito bago pakawalan ang kamay nya.

Binuksan nya ang pinto. “Sino?”

Sumulyap muna si Michelle kay Alyssa bago ito sumagot. “Si Rayne”, bulong nito sa kanya.

Awtomatikong napalingon sya kay Alyssa na nakadapa sa kama. Nakasubsob ito sa unan.

“Sabihin nyo wala ako dito. Dating gawi.”, bulong nya kay Mich.

Napakamot naman ito ng ulo. “Yun nga sana ang gagawin namin pero narinig nya pala ako nung sabihin ko kay Kim na andito ka sa taas nung tinanong ako ni Kim. Hindi kasi namin napansin na nasa may pinto pala sya.”

Napamura sya ng lihim. Ilang linggo na din itong pasulpot-sulpot sa dorm nila. Kung noong mga unang pagkakataon ay nalulusutan nya ito, sa pagkakataong iyon siguro ay hindi na.

Napabuntong-hininga sya. “Susunod ako.”

“Okay.” Tumalikod na ito at bumaba.

Sinara nya ang pinto at umupo sa tabi ni Alyssa.

“L-ly, bababa lang ako ha.”, sabi nya dito.  Hindi ito kumilos. Nakasubsob pa rin ito sa unan.

Tatayo na sana sya nang hilahin nito ang kamay nya. Pumihit paharap sa kanya si Alyssa.

“Sinong bisita mo?”, tanong nito.

“S-si Rayne.”, sabi nya.

Umismid ito. “Hindi pa rin pala sya nakakaramdam.”

Alam ni Alyssa ang pagbisi-bisita sa kanya ni Rayne. At alam din nito ang ginagawa nyang pag-iwas. Pero hindi nito alam na ang papa nya ang may dahilan kung bakit papunta-punta si Rayne sa dorm nila. Hindi pa rin nya sinasabi dito ang napag-usapan nila ng papa nya noon.

That Kiss (feat. AlyDen)Where stories live. Discover now