Chapter 12

31.8K 369 5
                                    

“Ly. Nood na tayo.”, bulong ni Denden kay Alyssa

Nagmulat ito ng mata sabay ngiti. Nakakainlove talaga ang ngiti ng lokong to.

“’Morning beautiful.” Hinalikan sya nito.

“Anong ‘morning’, 8 pa lang ng gabi.” Hinila nya ang kamay nito. “Tara na manood.”

“8 pa lang pala ng gabi.” Niyakap sya nito sa bewang at inihiga. Sumiksik ito sa kanya. “Tulog muna tayo.”

“Nakakainis ka naman Ly. Diba sabi mo manonood tayo ng movie. Tsaka hindi pa ako inaantok kasi natulog ako kanina.” Tinapik-tapik nya ito sa balikat. “Ly naman.”

Tumawa ito saka nag-pout. Hinalikan naman nya ito.

“Yosh! Tara na manood. Anong gusto mong panoorin baby?” Natawa sya dahil biglang bumangon ito at tumakbo para kunin ang laptop nito.

“Para kang sira. Haha.”

“Nakapag-recharge na ako e.” Kumindat pa ito sa kanya.

Umupo ito sa sahig at sumandal sa kama. “Lika na.”

Tumabi sya dito. “May Divergent ka ba dyan babe?”, tanong nya. Hindi kasi naabutang showing ito dahil busy sila sa school at training.

“I think so. Lemme check. Baka kasi napagdiskitahan na naman ni Derick to nung gumawa kami ng design project. Mahilig pa naman maghide yun ng files.”

Kinalkal muna ni Alyssa lahat ng files nito. 5 minutes na pero hindi pa rin nito nakikita ang hinahanap.

“Ly. Iba na lang ang panoorin natin. Kanina ka pa dyan e.” Kunot na kunot na ang noo nito.

“Here it is! I knew it! Siraulo talagang Derick yon.” Tumingin ito sa kanya habang iginagalaw-galaw ang kilay. “Galing ko ‘no.”

Tinulak nya nang mahina ang mukha nito. “Oo na.”

“Kiss mo ko.”

“Ikaw talaga.Mwah!” Tinitigan nya si Alyssa. “I love you Ly.”

Ngumiti ito. “I love you more.”

Ibinalik nito ang tingin sa laptop nito. “Manood na tayo bago ako makalimot.”

Napatawa na lang sya.

- - - - - - - - - -

“Den. Wait lang. Kunin ko lang yung binili kong pagkain. Nagugutom na ako e.”, sabi niAlyssa sa kanya. Nakasandal kasi sya dito.

“Bilisan mo.”

Kinuha nito ang cellphone para maging ilaw. Pinatay kasi nila ang ilaw sa kwarto para feel na feel ang movie.

Bumalik din naman kaagad ito bitbit ang mga pinamili kanina. Kumuha ito ng Piattos at sinubuan sya.

“Masarap?”, tanong nito sa kanya.

“Yeah. Makatanong ka naman, feeling mo niluto mo yan.”, sabi nya.

Tumawa lang ito.

“Nga pala, Ly. Bakit ang dami mong dalang pagkain kanina? Nilibre mo sina Ella?”

 “Hindi ah. Si ate Jia siguro ililibre ko, pero kung kasama yung mga iba, ibang usapan na.” Sinubuan uli sya nito. “Lalo na sina Ells. Haha.”

That Kiss (feat. AlyDen)Where stories live. Discover now