Chapter 21

25.7K 311 20
                                    

“May problema ba kayong dalawa ni Valdez, Lazaro?”, tanong ni Jia sa kanya.

Napaangat sya ng tingin dito.

“Wala naman, ate Ji.”

“Ilang linggo na kayong hindi masyadong nagkikibuan.”, sabi nito.

Ngumiti sya ng pilit. “Busy lang  kami masyado. Finals na kasi. Naging busy kami parehas sa school. Lalo na diba may design project sya. Hindi na kami masyadong nagkakasama at nagkikita.” Totoo naman iyon dahil madalas ay umaalis na agad ito pagkatapos ng training nila para gumawa ng project pagkatapos ay gabing-gabi na umuuwi. Sa umaga naman ay maaga itong umaalis. Hindi na din sila masyadong nagkakasabay pumasok.

Pero alam nilang pareho na hindi yon ang dahilan kung bakit hindi sila masyadong nag-uusap. Nagsimula silang maging ganon mula nang mag-dinner sila kasama si Rayne ilang linggo na ang nakararaan. Nami-miss na nya si Alyssa.

Tumango ito pero nagdududa pa rin ang tingin sa kanya. “Okay.”

Ipinagpatuloy nya ang ginagawang pag-aaral. May exam kasi sya bukas.

Maya-maya ay sabay silang napalingon ni Jia sa may pintuan ng dorm nang bumukas iyon.

Nagbawi naman sya ng tingin nang makita kung sino ang dumating.

Inilapag ni Jia sa mesa ang librong binabasa nito at tumayo. “Aalis muna ako. May bibilhin lang ako. Kayo na muna ang bahala dito sa dorm.”

Nag-panic sya. Wala nang ibang tao sa dorm maliban sa kanilang dalawa. Napatingin sya kay Jia. Hindi naman sya nito pinapansin. Naglakad na ito palabas.

“Pero ate Jia, paalis din ako agad. May nakalimutan lang ako.”

“Kung ganoon, hintayin mo ako. Wag mong iwanan si Lazaro mag-isa. Wala yang kasama.”

Bumuntong-hininga si Alyssa at umupo sa sofa. Lalo naman syang yumuko para hindi nito makita ang mukha nya. Hindi ito nagsasalita pero nararamdaman nyang nakatingin sa kanya si Alyssa. Ipinagpatuloy naman nya ang pag-aaral pero hindi sya masyadong maka-concentrate dahil pinakikiramdaman nya ito. Matagal na din silang hindi nagkakasama ni Alyssa nang silang dalawa lang. Nakaramdam tuloy sya ng awkwardness.

“You need help?” Medyo nagulat sya nang bigla itong magsalita. Napansin siguro nitong nahihirapan sya sa inaaral nya. Pero sya ang may dahilan kung bakit hindi ako maka-concentrate.

“N-no. Ayos lang ako.”, tanggi nya.

“Doesn’t seem like it.” Tumayo ito at lumipat sa tabi nya. “Let me see.” Kinuha nito ang notebook nya. “Integral Calculus? Diba tapos na tayo dito?”

“O-oo. Pero kailangan kasi namin sa Mech, nalimutan ko na kung paano mag-integrate, ni-rereview ko lang.”

“I’ll help you.” Kinuha nito ang ballpen mula sa kamay nya. “Pwede kang gumamit ng integration by parts dito o kaya naman trigonometric substitution...” Pinilit nyang intindihin ang mga sinasabi nito pero hindi nya magawa. Mas lalo syang nagugulo dahil magkatabi nila. Ramdam nya ang init ng katawan nito. Talagang na-miss nya si Alyssa.

“Den? Den?” Natigil ang kanyang pag-iisip nang marinig ang boses ni Alyssa. “Nainitindihan mo ba?”

“Ha? Ah, o-oo. Okay na.” Ano ba yung diniscuss mo?

That Kiss (feat. AlyDen)Where stories live. Discover now