Chapter 39

25.3K 362 14
                                    

“Good morning, Pa.”, bati ni Dennise sa papa nya.

“Good morning, iha.”

Humalik sya sa pisngi nito at umupo sa may kaliwang bahagi ng hapag-kainan.

“Mukhang maganda ang gising ng bunso ko a. Bakit ngiting-ngiti ka?”, puna sa kanya ng kanyang ama.

Lalong lumapad ang ngiti ni Dennise nang maalala ang pagkikita nila ni Alyssa nang nakaraang gabi.

“Nothing, Pa.”

“’Nothing’ na ba ang pangalan ni Alyssa? Nagpabago na pala sya ng pangalan.”

Napatigil sya sa akmang pagsubo at napatingin sya sa ama nya.

“Jessie told me, nagpunta sya dito kagabi.”

Kinabahan sya bigla. Baka nalaman din nitong nag-ala-Spiderman si Alyssa kagabi. “Ano pang sinabi ni kuya Jessie?”

“Well, yun lang. Bakit may dapat pa ba akong malaman?”

Nakahinga sya nang maluwag.

“W-wala naman po.”

“So si Alyssa nga ang dahilan nyang ngiti mo?”

Nagkibit-balikat na lang sya at ngumiti.

“Nagsabi na sya sayong liligawan ka nya?”

“Yes.”

Napangiti ang papa nya.

“May kasalanan ka sa akin, Pa.”

Napatigil sa pagsubo ng ama nya at nagtatanong ang matang tumingin sa kanya.

“Hindi mo sinabing nag-usap kayo ni Ly.”

“Ah. Hahahaha. Iha, hindi ko naman kasi kailangang sabihin sa’yo na nagpaalam sya sa akin tungkol sa inyong dalawa. That’s between us, you know. Private matter.”

“Even if it involves me?”

“Well, yeah. And besides, she wanted to keep it a secret so I didn’t tell you.”

Nang hindi na sya magsalita ay bumalik sa pagkain ang ama nya.

“May isa ka pang kasalanan,.”

“Ano na naman?”

“Tinakot mo si Ly. You were cleaning you’re gun when she went here. You don’t usually do that. Si Manong Elvis ang pinaglilinis mo ng baril mo.”

“Ah, that. Well, couldn’t help it. I wanted to see her reaction. Kung nakita mo lang sya, Dennise. She looked like she wanted to run away pero hindi na magawa dahil mas importante ang sasabihin nya. She’s brave, I must say. And funny. Haha.”

Napailing na lang sya. “Si papa talaga.”

Katatapos lang nilang kumain ng papa nya nang pumasok si Manang Celia sa dining room galing sa sala.

“Dennise! Nasa sala si Alyssa, ihahatid ka daw nya sa opisina mo. Ikaw talagang bata ka, ke-aga-aga inaalila mo na agad yang kaibigan mo. Hindi ba’t kararating lang nya galing Amerika? Dapat ikaw naman ang magsilbi sa kanya.”, sabi nito sa kanya.

Gusto nyang matawa kay Manang Celia.

“Manang, maghunus-dili kayo. Hayaan nyo’t pagsasabihan ko itong alaga nyo.”, sabi ng ama nya dito. Natatawa din ito sa sinabi ni Manang Celia. Hindi pa kasi nito alam ang tungkol sa kanilang dalawa ni Alyssa. “Iha, sige na. Baka mainip ang princess charming mo.”, baling nito sa kanya.

That Kiss (feat. AlyDen)Where stories live. Discover now