Chapter 1

9.2K 149 7
                                    

Chapter 1

NAKANGITI SI Sarine habang nakatingin sa monitor ng computer niya sa sariling cubicle niya. Tapos na ang pinapagawa sa kanyang report para sa ipapatayo nitong bagong pagawaan ng whiskey. Val Corporation is one of the most selling company when it comes to whiskey.

It's her assignment to analyse and write a detail report. That's her assignment that her boss given to her. At ngayong natapos na niya ang assignment niya sa loob ng isang buwan, hindi mapigil ang pagngiti niya ng malapad.

Nag-umpisa ulit siyang magtipa sa keyboard para maprint ang ginawa niya. Nang ayos na, mabilis siyang tumakbo sa printing machine upang hintayin na matapos ang pagpi-print sa report niya.

At nang matapos, kaagad niya iyong iniayos at masayang tinungo ang opisina ng CEO. Pareho lang naman ng palapag ang opisina ng CEO at ng designing department kaya mabilis niya lang narating ito.

Binati niya ang sekretarya ng boss niya bago kumatok sa opisina. Binuksan niya ang pinto at tuluyang pumasok sa loob at naglakad palapit sa table nito.

"Good afternoon, sir." Bati niya rito nang makalapit sa table nito. Nagtaas ito ng tingin at ngumiti nang makita siya. May edad na rin ang boss nila kaya lagi niyang naririnig na ipapahawak na nito ang kompanya sa nag-iisang anak. Hindi niya lang alam kung kailan iyon mangyayari. "Here's my assignment, sir. It's in details. Nagpunta muna ho ako sa lupang sinasabi niyo na papatayuan ng pagawaan ng whiskey, and I can say it is wide. It's perfect."

"Well, done Ms. Matsumoto." Masayang bati nito sa kanya at tumayo para makipag-shake hands. Ngumiti siya at inabot niya ang kamay nito at nakipag-shake hands at binitawan rin iyon kaagad. "You did a great a job. You analyse the place very well. And because of your hard work, I offer you a one month vacation leave."

Nanlaki ang mga mata niya sa narinig. "Talaga ho?"

"Of course. Lagi kang overtime magtrabaho, you never take a leave. Kaya napag-isip isip ko na dapat magpahinga ka rin muna. You always stress yourself out." Wika nito. Umupo ito sa swivel chair nito at may kinuha sa cabinet. Iniabot nito sa kanya ang isang puting sobre. "Here, take this."

Tinanggap niya iyon at tinignan ang laman. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang laman non. Pera iyon na kasing kapal ng isang papel. Inilapag niya ang sobre sa table at ibinalik iyon.

"Hindi ko ho matatanggap yan, sir." Wika niya at bahagyang yumuko. "Ayos na ho sakin ang one month vacation leave para makapagpahinga."

"Take it, Ms. Matsumoto." Anito at ibinalik sa kanya ang sobre. "Take it and go home. Get some rest. Treat yourself to mall or whatsoever. It's a gift from mine for your hard work. Take it. Kapag hindi mo iyan kinuha magtatampo ako."

"Okay, sir." Huminga muna siya ng malalim saka kinuha ang sobre. "Hindi ko ho gagastusin lahat ng ito. Ang sobra ho ibabalik ko sa inyo."

"No need." Anito. Magsasalita na sana siya nang biglang tumunog ang cellphone nito. "You may leave, Ms. Matsumoto."

Bahagya siyang yumuko at lumabas ng opisina saka dere-deretsong nagtungo sa department niya at naupo sa sariling cubicle.

Saan naman niya gagamitin ang ganitong kalaking pera? Hindi naman siya gastuserang tao e. Magpapahinga lang siya sa bahay niya sa loob ng isang buwan at yon na yon. Babalik agad siya sa trabaho.

One month vacation leave is enough, though.

"Sarine, anong nangyari sa report mo?" Tanong ni Phia. Isa sa mga matatalik niyang kaibigan. "Anong sabi ni sir?"

"Nag offer siya sakin ng one month vacation leave." Simpleng sagot niya at inayos ang mga gamit niya. "Uuwi ako ngayon kasi wala naman akong gagawin ngayon at iyon rin ang utos ni sir."

"Wow. Sana all may one month vacation leave." Anito saka bumuga ng hininga. "Kailangan ko rin non e. Ang unfair ni sir."

"Ayusin mo kasi trabaho mo." Pabirong wika niya rito. "Sige alis muna ako. Mamimili pa ako ng makakain natin mamaya. See you later."

Nasa iisang condominium kasi silang dalawa. Malayo kasi ang bahay nito mula rito sa Val Corporation. Ang bahay naman niya ay medyo malapit mula rito pero mas ginusto niyang magcondo na lang kasama ang kaibigan.

"Gusto ko ng adobo ha." Pahabol nito sa kanya. Ngumiti na lang siya at naglakad ulit.

Tumakbo siya sa elevator nang makitang papasara na iyon buti na lang at naiharang niya ang kamay niya kaya bumukas ulit ang pinto ng elevator saka siya sumakay.

Pinindot niya ang floor na maghahatid sa kanya sa lobby. Makalipas ng ilang segundo bumukas ang pinto kaya lumabas na siya. Kaagad siyang sumakay sa kotse niya at pinaandar iyon sa pinakamalapit na grocery store para mamili.

Nang makarating sa grocery store ipinark niya ang kotse niya saka pumasok sa loob at kumuha ng push cart. Nagpunta muna siya sa mga snacks na pwede nilang makain at sinunod niya ang mga hygiene na magagamit nila ni Phia. Bumili na rin siya ng prutas at ng karne na naroroon.

Nagpunta na siya sa counter at nagbayad nang matapos, lumabas na siya ng grocery store at umuwi na.

Thanks god walang traffic ngayon kaya hindi siya natagalan sa daan. Nang makarating sa condo nila kaagad siyang nagtungo sa kusina at inayos ang mga pinamili. Nasa kalagitnaan siya ng pag-aayos nang tumunog ang cellphone niya. It's her mom.

"Yes, mom?" Sagot niya sa tawag ng ina. Mayaman naman sila pero hindi niya ginagamit ang pera ng pamilya nila para sa araw-araw niyang pangangailangan. Ayaw niya kasi na balang araw ay may maisusumbat sa kanya ang pamilya niya kaya magsusumikap siyang kumita ng sariling pera. "Bakit po kayo napatawag?"

"Kailan ka uuwi rito, Sasa?" Tanong nito. Napairap siya nang tawagin siya nito sa nickname niya. Mga kaclose niya lang ang pinapayagan niya na tawagin siyang 'Sasa'. She and her mom weren't close even though that's her mother. "May family reunion tayo next month. Paghahandaan natin ang reunion na iyon dahil dito satin gaganapin ang venue. Next week uuwi rito ang mga Tita at Tito mo pati na rin mga pinsan mo. Even your Lola Lorin is coming."

"Mom, I can't go to that family reunion, okay?" Aniya sa pigil na inis. She need to make her patience long. "I'm busy."

"I heard from Phia, your boss gave you one month vacation." Wika nito. Napahawak naman siya sa sentido niya. 'I'll kill you, Phia.' "Dito ka na magbakasyon. Ipapasundo kita kay Clint."

"No thank you, I'm good." Aniya saka pinatay ang tawag. Hindi siya pupunta. Hindi dahil sa sa ayaw niya talaga. Dahil sa may tao siyang di niya nais makita. "Vacation pero sakit ng ulo ang hatid."

A/N: Hope you like it!

Passionate Night And DayKde žijí příběhy. Začni objevovat