Chapter 36

2.1K 63 2
                                    

Chapter 36

TINATAMAD NA bumangon si Sarine sa kama niya. Nagpapasalamat siya dahil hindi siya ginulo kahapon ni Nash nang matapos ang pag-uusap nila.

And she think that this is the right time for them to fix their relationship. Maybe her friends are right, maybe Nash has a good reason for the thing he did at his penthouse.

Like Phia said, everything happens for a reason. And what Nash did has a reason. Whatever that reason is, she's ready to hear it out. Kahit pa masaktan pa siya.

Nagtungo si Sarine sa banyo at naligo saka nagbihis at lumabas ng kwarto niya. Wala si Phia sa sala at may naririnig siyang ingay na nanggagaling sa kusina kaya naman dumeretso siya don.

Nang makarating sa kusina naabutan niya si Phia na nag-aayos ng pagkain nila. Tumikhim siya para kunin ang atensyon nito.

"Hey." Wika nito at ngumiti nang makita siya. "Kain na tayo."

"Ikaw nagluto?" Tanong niya habang umuupo sa silya. Tumango ito. "Akala ko tamad kang magluto."

"Hindi na ngayon." Anito at umupo sa kaharap niyang upuan. Kumuha ito ng pagkain at naglagay sa sariling plato ganoon rin siya. "Sasabay ka ba sakin?"

Sandali siyang napatingin rito at tumango. "Why?"

"May pupuntahan kasi ako bago pumasok sa opisina." Sagot nito at nag-simula na silang kumain. "Ihahatid na lang muna kita."

"Pwede namang magdala na lang ako ng sariling sasakyan." Suhestiyon niya habang kumakain. "Kaya ko naman e."

"Hahatid na kita para sabay tayong uuwi mamaya."

"Magdadala na lang ako ng sasakyan ko." Wika niya.

"I insist." Pamimilit nito at wala naman siyang nagawa kundi ang pumayag na lang.

Nang matapos silang kumain, siya na ang naghugas ng pinagkainan nila habang si Phia naman nag-ayos. Hindi na siya nag-aksaya ng oras at lumabas na ng kusina sakto naman na kalalabas lang din ni Phia sa kwarro nito.

"Tara na." Anito habang tinatali ang medyo mahabang buhok. "Sasaglit lang ako sa pupuntahan ko kaya makakapasok din ako agad sa opisina."

"Saan ka ba pupunta?" Tanong niya habang sinusuot ang rubber shoes. "Importante ba yon?"

"Hindi naman masyado pero kailangan." Sagot nito at ngumiti sa kanya. "Halika na. Baka malate ka pa."

Tumango siya at sabay silang lumabas condo. Hinintay niya itong maisara nito ang pinto ng condo nila bago sabay na tinungo ang elevator. Nang maihatid sila ng elevator sa lobby mabilis silang naglakad patungo sa parking lot at sabay na sumakay sa kotse.

"Sabay tayong magdinner mamaya." Wika nito nang mapausad nito ang sasakyan. "Doon tayo kila Hiden kumain. Tatawagan ko sila."

"Sure. Sabay na tayong pumunta." Aniya na hindi inaalis ang tingin sa bintana. "Overnight na rin kaya tayo kila Hiden. Tutal wala namang pasok kinabukasan e."

"Good idea." Sang-ayon nito sa kanya. "Sasabihan ko siya mamaya. Bago tayo pumunta sa kanila daan muna tayo sa condo para kumuha ng damit."

Tumango siya at hindi nagsalita pang muli. Lumipas ang kalahating oras nakarating din sila sa tapat ng Val Corporation. Bago siya bumaba ay tumingin muna siya kay Phia na nakatingin lang din sa kanya.

"Thank you, Phia." Nakangiting aniya rito. Ngumiti rin ito sa kanya. "Thanks for being there for me. Thank you for being my best friend."

"Ano ka ba naman, Sarine. Nakakatakot ka naman." Kunot nuong wika nito at kalaunan naman ay natawa. "Huwag kang magsalita ng ganyan baka mabatukan kita riyan."

Passionate Night And DayWhere stories live. Discover now