Chapter 50

2.2K 58 5
                                    

Chapter 50

MALULUTONG NA mura ang kumakawala sa bunganga ni Nash habang naglalakad siya patungo sa penthouse niya. Pagtapos niya kasing pumunta sa mansyon ng mga Matsumoto kahapon ay dumeretso siya sa Elide's Bar. Nagbabakasali siya na baka makalimutan niya ang sakit na nararamdaman niya ngayon.

Pero sa kasamaang palad, hindi niya nawala ang sakit. Lalo lang iyon lumala. At ngayon naman ay papauwi pa lang siyabsa penthouse niya dahil doon siya natulog kagabi sa Elide's Bar sa sobrang kalasingan.

Hawak niya ang ulo nang makarating siya sa tapat ng pinto ng kanyang penthouse. Binusak niya iyon at pumasok sa loob.

"Saan ka na naman nanggaling na hinayupak ka?!" Ang malakas na sigaw ni Honey ang bumungad sa kanya nang makarating siya sa sala. "Bakit ngayon ka lang umuwi ha? Hindi mo ba alam na pinag-alala mo ako?"

"Not now, Honey. My head hurt, okay?" Aniya saka naupo sa sofa. Agad naman siya nitong sinundan at bahagyang nilapit ang mukha sa mukha niya. Mabilis naman siyang umiwas. "What the hell are you doing?"

"Huwag ka na ngang assuming riyan. Hindi kita hahalikan kaso magpinsan tayo tanga." Wika nito at pinagkrus ang braso sa dibdib. "Saan ka na naman uminom? Sa bar na naman?"

"Umuwi ako, okay?" He sigh. Umayos siya pagkakaupo sa sofa. "Doon ako natulog sa bahay. I was so drunk that i couldn't move a muscle so i decided to sleep there."

"Lie perfectly, coz."

Mabilis siyang napatingin rito. "What?"

"I called Tita last night. I asked her if you were with them but she said no." Tumaas ang kilay nito at nameywang. "So tell me, coz, where did you slept last night?"

"I'm with Lanx." Hindi na rin siya makakapagsinungaling dahil alam na nito. "After I went to Matsumoto's Mansion i went straight to Elide's Bar. I was thinking a light drink but that wasn't enough so i drink more until i couldn't move a muscle. There, happy now, coz?"

"Tarantado ka talaga kahit kailan, Nash." Anito saka sandali siyang iniwan sa sala at tinungo ang kusina. Nang makabalik ito may dala na itong baso na may lamang tubig at inabot sa kanya ang dalawang tableta ng advil. "Inumin mo yan. Halatang may hangover ka."

"Thanks." Agad niyang ininom ang gamot at binigay kay Honey ang baso na agad naman nitong kinuha at nilapag sa center table. "Where's Kien?"

Honey is usually with Kien when coming in his penthouse. Pero ngayon wala siyang makitang anino ni Kien.

"Kakausapin daw siya ng daddy niya kaya ako na lang muna ang nagpunta dito."Sagot nito at naupo sa pang-isahang sofa. "Anong ginawa mo sa mansyon nila Sarine? Bakit hindi mo ako sinabihan na doon pala ang punta mo? Edi sana sumama ako sayo."

"Gusto ko siyang makausap ng kaming dalawa lang kaya wala akong pinagsabihan." Sagot niya at inihilig ang ulo sa sandalan ng sofa. "I gave her phone back that's why i went there. And of course to have a littel talk with her."

"E anong nangyari?" Tanong na naman nito. Para itong reporter sa dami ng tanong sa isip. "Nakapag-usap ba kayo ng maayos?"

"Yeah. Malinaw ng wala siyang naaalala ni isang alaala sakin." He said and chuckled coldly. "She broke her promise. A promise that she will never forget about me but she just did. It hurts a lot."

"Coz, nagmamahal ka kaya malamang masasaktan ka." Wika nito at malamlam na tumingin sa kanya. "Anong inaasahan mo sa pagmamahal? Puro saya lang? Walang problema o sakit nararanasan? Kung yan ang inaasahan mo, hindi yan tunay na pagmamahal."

"I know that. Is just that, i just want our happy ending." Naihilamos niya ang sariling palad sa mukha. "Why does destiny won't give us our happy ending?"

Passionate Night And DayWhere stories live. Discover now