Chapter 32

2.3K 56 0
                                    

Chapter 32

MAAGANG NAGISING si Sarine para mag-ayos para sa pagpasok sa opisina. Nagluto siya ng makakain nila ni Phia. Maaga siyang aalis dahil may titignan pa siyang design na kailangan na niyang tapusin. Hindi na siya sasabay kay Phia at magdadala na ng sariking sasakyan.

Napangiti naman siya nang maalala ang date nila kahapon ni Nash. Naging masaya iyon dahil walang Michelle na sumulpot sa daan nila. Dahil kung sumulpot na naman ang babaeng iyon, hindi talaga siya magdadalwang-isip na tapunan iyon ng kumukulong tubig pagnakataon.

Pagkatapos nilang kumain kahapon ng binata dumeretso sila sa mall para tumingin-tingin lang at mamasyal. Pagtapos bumalik na sila sa opisina para tapusin kanya-kanyang ginagawa.

At nang sumapit ang gabi, hinatid siya nito dito sa condo nila dahil hindi siya nagdala ng sariling sasakyan kahapon. Its a nice day for her. Unforgettable.

"Ang saya mo naman yata masyado." Napalingon siya sa pinanggalingan ng boses at nakita si Phia na kakapasok lang sa kusina at magulo pa ang buhok. "Kumusta ang so called 'date' niyo?"

Napairap siya sa hangin nang marinig na naman ang bitterness sa labi nito.

"Maayos naman." Sagot niya at pinagtimpla ng kape ang kaibigan. "By the way, bakit wala ka dito nang makauwi ako kagabi?"

"Ahm," tumikhim ito na para banag nag-iisip ng maisasagot, "i was with Hiden."

Lie.

Tinawagan niya ang lahat ng kaibigan niya kagabi lalo na si Hiden para tanungin kung kasama ba ng mga ito si Phia pero ni isa sa nga kaibigan niya walang nakakaalam kung nasaan ang kaibigan.

"I see." Aniya na para bang naniniwala sa sagot ng kaibigan. Naglakad siya palapit sa kaibigan at inilapag ang kape sa harap nito. "Kumain ka na. Nagluto ako ng sinangang at ng hotdog. Maaga akong aalis ngayon".

"Bakit maaga?" Tanong nito at sumimsim ng mainit na kape. "Saka kumain ka na ba?"

"Nag-sandwich na ako." Sagot niya at nginitian ito. "May tatapusin akong design. Kailangan na yon next month."

Napatango-tango ito at siya naman ay nagpaalam na. Nagtataka siya kung bakit nagsinungaling sa kanya si Phia. Actually Phia never tell a lie. At kani-kanina lang, nagsinungaling ito sa harap niya.

What's with her?

Pumasok siya sa kwarto niya at dumeretso sa banyo para maligo. Ilang minuto siyang naligo bago matapos maligo at mabilis na lumabas ng banyo para kumuha ng damit sa closet.

Casual attire lang sinuot niya dahil hindi naman ganoong kahigpit sa panunuot ng damit sa kompanya. Sunod niyang ginawa ay ang paglagay ng light make up sa mukha niya.

Nang matapos, agad siyang lumabas at nakita si Phia na nakaupo pa sa sofa habang nanonood ng tv at may pagkaing dala. Palibhasa 8am ang start ng shift nito. Siya rin naman ay ganoon rin ang oras ng shift pero ngayon alas sais trenta papasok na siya para tapusin ang design.

"Phia, aalis na ako." Paalam niya at naglakad patungo sa pinto. "Huwag ka masyadong magbabad sa panonood ha. Malapit ng mag-alas siyete kaya mag-ayos ka na. Mabagal ka pa naman kumilos."

"Kailangan ba talaga na sabihin mong mabagal akong kumilos." Nakangusong wika nito na patuloy pa rin sa panonood. "Maliligo na rin maya-maya kaya sige na, umalis ka na."

"Oo na." Natatawang aniya at muling nagpaalam saka lumabas ng condo.

Naglakad siya patungo sa papasarang elevator buti na lang at nakahabol siya. Ngumiti siya nang makitang may sakay na dalawang babae ang elevator. Pinindot niya ang ground floor at hinintay na bumukas iyon.

Passionate Night And DayWhere stories live. Discover now