Chapter 42

1.9K 45 1
                                    

Chapter 42

NANG MAGISING si Sarine kinaumagahan ay wala na sa tabi niya si Clint. Kagabi bago siya matulog ay hindi niya ito naabutan makauwi, at ngayong umaga naman ay hindi niya ito naabutang makaalis.

Bumangon siya at umalis sa kama saka tinungo ang banyo para maligo. Nang matapos, agad siyang lumabas at tinungo ang maliit niyang maleta kung nasaan nakalagay ang mga damit. Hindi naman kasi siya magtatagal sa bahay ni Clint kaya hindi siya nagdala ng madaming damit.

Itinali niya ang mahabang buhok kahit basa at lumabas ng silid. Tinungo niya ang kusina at naghanap ng makakain. May food cover sa gitna ng mesa kaya naman nilapitan niya iyon at tinignan ang nasa loob.

Its for her. Her breakfast. Scrambled egg and bacon. May isang post in note sa sa ibabw ng mesa. Kinuha niya iyon at binasa.

Good morning, babe. I cook something for you. Its not delicious than your cook but it's enough to relieve the aching stomach. So eat well. I'll be back before 7pm. I love you.

— Clint

Napangiti na lang siya sa not na iyon at sinimulan ng kumain. Hindi iyon ganoong kasarap pero tama na iyon para lagyan ang laman ng kumukulo niyang sikmura. Clint is a bas cook. Hindi pa rin ito nagbabago.

Nang matapos siyang kumain, hinugasan niya ang pinagkainan at lumabas ng kusina. Saktong paglabas niya ng kusina ay sakto namang tumunog ang doorbell.

Wala naman siyang inaasahang bisita. Sino naman kaya yon?

Kunot ang nuong nilapitan niya ang pinto at pinagbuksan ang nasa labas. Ang pagkakakunot ng kanyang nuo ay nawala at napalitan ng pagkabigla at pagtataka nang makilala niya ang nasa labas ng pintuan.

"Anong..." Napatitig siya mga mata nito na matiim na nakatitig sa kanya. "Nash, anong ginagawa mo dito?"

Nash smile and her heart started to pound like crazy. Para siyang mauubusan ng hininga sa sobrang bilis ng tibok ng puso niya dahil lang sa ngiti nito.

Ano bang nangyayari sakin?

"Can you come with me?" Nag-aalangang tanong nito sa kanya. "Please?"

"Bakit naman ako sasama sayo? Ni hindi nga kita kilala e." You just seems familiar to me. Gusto niya iyong idagdag sa sasabihin niya pero sinarili na lang niya. "I don't trust a stranger like you."

If she wasn't mistaken, she saw pain cross his deep blue eyes. But why? Bakit pati siya ay nasaktan ng makita niya ang sakit na bumalatay sa mukha nito nang sabihin niyang wala siyang tiwala rito.

"I'm sorry." Wala sa sariling aniya. Hindi niya alam kung bakit siya humingi rito ng tawad pero pakiramdam niya ay dapat nga siyang humingi ng tawad rito. "I didn't mean to hurt your feelings."

"Its okay if you don't trust me. But let me change your mind." Ngumiti na naman ito at pakiramdam na naman niya ay kakapusin siya sa hininga. "Hindi ako mawawalan ng pag-asa na maaalala mo rin ako. Kami nila Honey at Kien."

At dahil sa sinabi nito, bigla siyang nabuhayan ng loob. This is it. She need to remember. And she thinks that Nash might help her to recover her lost memories.

"Okay." Aniya at ngumiti ng tipid. Lumabas siya ng bahay at sinara ang pinto. Hindi na niya kailangang mag-ayos o magpalit pa ng damit dahil maayos na rin naman siya. Tumingin siya sa binata nang matapos niyang mailock ang pinto. "Lets go?"

"Yeah." Nauna itong maglakad palabas ng gate siya naman ay sinara ang hanggang bewang na gate at naglakad palapit sa sasakyan nito. "Hop in."

Ilang segundo siyang napakurap-kurap sa ginawa nitong pagbukas sa pinto para sa kanya. Familiar. Pinagsawalang bahala na lang niya iyon at sumakay na sa loob saka nagsuot ng seatbelt.

Passionate Night And DayWhere stories live. Discover now