Chapter 27

2.4K 65 2
                                    

Chapter 27

KOMPORTABLENG NAKAUPO si Sarine sa sala kasama ang kaibigan niyang si Phia at pareho silang nanonood ng telebisyon. Wala silang ginawa kundi ang manood dahil linggo ngayon kaya walang trabaho ang kaibigan niya.

"Akala ko ba 6pm ang start ng reunion niyo?" Kapag kuwan ay tanong ni Phia. Napatingin siya sa kaibigan. "4:30 na. Ang tagal mo pa naman maligo."

"Ha?!" Gulat niyang tanong sa kaibigan at napatingin sa wall clock na nakasabit sa taas ng tv. Nanlaki ang mga mata niya ng makitang 4:30 na nga. Mabilis siyang tumayo. "Bakit hindi mo ako sinabihan, Phia."

Mabilis siyang pumasok sa kwarto niya dumeretso sa banyo saka naghubad at pumailalim sa shower. Hindi niya namalayan ang oras dahil na rin siguro sa nag-enjoy siyang manood.

Inabot siya ng thirty minutes sa paliligo bago siya natapos. Tinapis niya ang tuwalya sa hubad na katawan at tinungo ang vanity mirror niya. Kinuha niya ang blower at pinatuyo ang basang buhok. Nang matapos, tinungo naman niya ang closet at namili ng maisusuot.

"Anong susuotin ko?" Tanong niya sa sarili habang nakatingin sa mga damit niya. Dumapo ang paningin niya sa mga dresses niyang nakasampay at doon na lang namili. "Ito na lang kaya."

Kinuha niya ang dress na regalo sa kanya ni Xyrin noong kaarawan niya. Isang beses pa lang niya iyon naisusuot noong nagtungo silang magkakaibigan sa isang party. At ngayon ang pangalawang beses na maisusuot niya ito.

Its a ruched ruffled hem dress with a design ditsy floral.

Hinubad niya ang tapis saka isunuot ang undergarments saka niya sinuot ang dress. Nang maisuot, kaagad siyang tumingin sa salamin at napangiti nang makitang bumagay iyon sa kanya.

Muli siyang bumalik sa vanity mirror para maglagay ng make up. Natural make up ang nilagay niya dahil ayaw naman niyang magmukhang clown kung maglalagay siya ng iba't ibang kulay sa mukha.

Pagkatapos mag-make up, agad siyang tumayo at naglagay ng pagbango niyang victoria secret. Tinungo naman niya ang lagayan ng nga sapatos at sandals niya. Kinuha niya ang light brown yang sandals na may two inch heels.

Nang makitang ayos na ang sarili niya, tinignan niya ang relong pambisig at nagmamdaling lumabas ng kwarto niya nang makitang 5:32 na. Isang oras din pala siyang nag-ayos.

Kaagad niyang nakita si Phia na nakaupo sa upo habang kausap si...

"Nash." Tawag niya sa binata na nakaupo sa mahabang sofa.

Tumayo ito mula sa pagkakaupo upo at titig na titig sa kanya habang lumapit. "You look so beautiful."

"Thank you." Aniya saka nilapitan ito at niyakap saka hinalikan sa labi. "Sorry ngayon lang ako natapos mag-ayos e."

"Its okay." Wika nito saka malapad na ngumiti. "I enjoy your friend's company."

Napatingin siya sa gawi ni Phia na nakatingin sa kanya at may makahulugang ngiti.

"Phia, this my boyfriend, Nash." Pakilala niya sa kasintahan. "Nash, that's Phialocette, my best friend."

"I'm Phia not Phialocette." Pagtama nito sa pakilala niya na ikinatawa niya ng mahina. "By the way, we alredy introduce ourselves."

Napatango-tango siya at ngumiti. "Ang gwapo ngayon."

"Matagal na kong gwapo, Sarine." Anito na nakapagpatawa sa kanya. "Lets go."

"Sige na sige na. Lumayas na kayong dalawa." Sabat ni Phia na lukot ang mukha. "Mga walang respeto sa single."

Pareho silang natawa ng binata saka nagpaalam sa kaibigan at lumabas ng condo nila at sumakay sa elevator. Nang makarating sila sa parking lot agad silang sumakay sa kotse nito saka iyon pinaandar patungo sa Matsumoto's Mansion.

Passionate Night And DayWhere stories live. Discover now