Chapter 51

2.2K 52 2
                                    

Chapter 51

NAKAUPO LANG si Sarine sa mahabang sofa sa kanilang sala habang nakatitig sa hawak niyang dalawang cellphone na bigay ni Nash. Hindi niya alam kung ano ba talaga ang dapat niyang gawin sa cellphone na hawak.

Sabi ng binata ay makakatulong ito para bumalik ang alaala niya. Pero natatakot siya sa mga malalaman niya. Paano na lang kung hindi niya kayanin ang mga malalaman niya?

"Kainis naman e." Reklamo niya at nagpapapadyak. "Ano ba kasing meron sa cellphone na 'to?"

"Anak?" Mabilis siyang nag-angat ng tingin at hinanap ang pinanggalingan ng boses. Nakita niya ang ina na nakatayo sa gilid ng pang-isahang sofa habang kunot ang nuo na nakatingin sa kanya. "Are you okay?"

"I don't know, mom." Pag-amin niya at ngumuso. Umupo ang ina niya sa tabi niya. "Hindi ko na alam ang gagawin ko, mom. Gulong-gulo na ako."

"Bakit ka naman naguguluhan?" Tanong ng ina at hinawi ang ilang hibla ng buhok na nakatabing sa mukha niya. "Anong rason para maguluhan ka?"

"Yon na nga, mommy, e. Hindi ko alam kung bakit ako naguguluhan." Aniya at ginulo ang sariling buhok. "Naiinis na ako."

"Hindi kaya nalilito ka sa feelings mo, anak?" Her mother aksed making her frown.

"My feelings?" Kunot nuong tanong niya. "What do you mean, mom?"

"I don't know." Her mother shrugged and smile at her. "Why don't you ask yourself? Bakit ka naguguluhan?"

Napatahimik siya sa sinabing iyon ng kanyang ina. Bakit nga ba siya nalilito? Anong dahilan niya para maguluhan? Nalilito ba talaga siya sa pakiramdam niya?

Pakiramdam niya tama ang sinabi ng ina niya. Nalilito siya sa sarili niyang pakiramdam. Gusto niyang ihinto ang kasal pero wala siyang sapat na dahilan para gawin iyon. Gusto niyang makausap si Nash pero hindi naman niya maalala kung ano ba talaga ito sa buhay niyo noon.

"Should i cancel our upcoming wedding?" Tanong niya sa ina. Kailangan niyang malinawan kung tama ba kung gagawin niya iyon. "Mommy, nalilito talaga ako e. Dapat ko bang icancel ang wedding namin o hindi? Pakiramdam ko kasi may mali e."

"Kung alam mong mali ang ginagawa mong disisyon, bakit hindi mo itigil?" Makahulugang tanong ng ina niya. "Bago ka magsisi sa mga disisyong ginagawa mo, itigil mo na hangga't maaga pa. Tandaan mo, nasa huli ang pagsisisi."

Pagkasabi non ng kanyang ina ay iniwan na siya nito. Siya naman naiwang malalim ang iniisip.

Tama ang sinabi ng kanyang ina. Nasa huli ang pagsisisi kaya dapat ayusin na niya ang disisyon niya. Alam na niyang niloko siya noon ni Clint. Hindi naman niya kayang magpanggap na para bang hindi iyon nangyari.

Marahas niyang ipinilig ang ulo at muling tinignan ang hawak niyang cellphone. Binuksan niya ang dati niyang cellphone at nanlaki ang mga mata niya nang makitang si Nash ang wallpaper niya.

Nakangiti sa camera ang binata pero nakatingin ito sa cellphone na nakaharap sa kumuha ng litrato.

Out of her curiosity, she open Nash's phone and she gasp in shock when she saw Nash's wallpaper. Its her. Holding her phone while looking at her phone and smiling.

Muli niyang tinignan ang dati niyang cellphone at pinaglapit ang dalawang cellphone. Its a couple wallpaper. Nash was taking picture of her while she was taking a picture of him.

"Oh god." She whispered. Ilang beses siyang napakurap-kurap. "No way."

Kunot ang kanyan nuo na binuksan niya ang gallery ng cellphone ng binata. And there, she saw lots of phots of them. Smiling. They were so happy to look at.

Passionate Night And DayWhere stories live. Discover now