Chapter 46

1.9K 53 7
                                    

Chapter 46

NANG MAKARATING sila Sarine at Clint sa mall ay nagtungo muna sila sa isang boutique at namili ng mga damit. Kanina pa siya tawa ng tawa dahil sa kalokohan na pinaggagagawa ni Clint sa loob ng boutique.

"Stop it, Clint." Natatawang wika niya dahil sa sinasabi nitong kalokohan. "Enough, nagmumukha tayong baliw dito e."

"Masyado tayong good-looking para pagkamalang baliw." Wika nito at binalik ang hawak nitong polo sa lalagyan. "Baka sila yung baliw."

"Just stop it." Nakangiting aniya at pinagpatuloy ang pagtingin ng mga damit.

Tumahik na ang binata at pinagpatuloy nila ang pagtingin ng damit. Seconds later, nakaramdam siya na para bang may nakatingin sa kanya. Kaya naman pinalibot niya ang paningin sa kabuoan ng boutique and right there she saw a familiar back of a man leaving the boutique.

Pinakatitigan niya iyon hanggang sa tumigil ito sa paglalakad palabas ng boutique at muling humarap sa kanya. Her heart beat again faster than normal when their eyes met.

"Nash..." She whispered his name. She can see pain in his eyes.

Gusto niyang lapitan ang binata pero agad itong nag-iwas ng tingin at naglakad paalis. Pakiramdam niya ay may pumiga sa puso niya nang umalis ito na kitang-kita ang sakit sa mata.

"Sarine?" Napalingon siya kay Clint na kunot ang nuong nakatingin sa kanya. "Are you okay?"

"Ah, y-yeah." Sagot niya at pilit na ngumiti. "Come on, maghanap na tayo ng bilihan ng cellphone."

"Akala ko ba gusto mong bumili ng damit?" Tanong nito na may bahid ng pagtataka sa mukha. "Are you sure you're okay?"

"I'm fine." Aniya at binitawan ang hawak na dress. "Mamaya na lang tayo bumili ng damit. Maghanap muna tayo ng cellphone."

Tumango ito at hawak kamay silang lumabas ng boutique. Umakyat sila sa third floor ng mall at doon naghanap ng bilihan ng cellphone. Inabot sila ng sampung minuto bago sila makahanap ng bilihan ng cellphone.

"Try this one." Ani ni Clint sabay abot sa kanya ng cellphone. "Ito yung nakita kong babagay sayo e."

"Lahat naman ng cellphone bagay sa tao, ano ka ba naman." Nangingiting aniya at kinuha sa palas nito ang cellphone. "I'll take this one."

"Excuse me." Tinaas ni Clint ni ang kamay para tawagin ang nag-a-assist sa mga customer.

"Yes, Sir." Wika ng nag-a-assist nang makalapit ito sa kanila.

"My girlfriend want to buy this." Binigay nito ang cellphone na napili niya rito.

Inasiko agad sila ng taga assist kaya mabilis lang silang nakabili ng cellphone. Nang matapos sa pumili, napagpasiyan nilang mamasyal muna rito sa mall at tumingin-tingin ng mga maaari nilang mabili.

Madilim na nang matapos sila sa pamimili at lumabas na sila ng mall.

"Where to go?" Tanong ni Clint nang makasakay sila sa kotse nito. "Uuwi na ba tayo?"

"I want to eat somewhere." Aniya saka kinuha ang bago niyang cellphone na nakacharge sa power bank. She open her google and search for a restaurant. Good thing her new sim card has a free load. "Wala akong mahanap na mukhang masarap kainan."

"Doon na lang tayo kila Hiden." Suhestiyon nito.

"No." Aniya at pinagpatuloy ang pagtingin sa google. Then she stoped from scrolling to her phone when a familiar restaurant pop on her screen. "Dev-Laux Restau. Lets eat their."

"Oh, nice choice. Their food is so good." Wika nito at pinausad ang sasakyan.

Lumipas ang ilang minuto, nakarating sila sa Dev-Laux Restau. Hindi na niya hinintay na pagbuksan siya ng pinto ng binata. Nang tumigil ang sasakyan at makapagpark sila, agad siyang bumaba at tinignan ang kabuoan ng restaurant sa labas.

Passionate Night And Dayحيث تعيش القصص. اكتشف الآن