Chapter 47

1.9K 56 5
                                    

Chapter 47

KUNOT NA kunot ang nuo ni Nash nang makababa siya sa sala. Hindi niya alam kung anong meron ngayon pero nagtataka siya kung kompleto ang lahat ng kaibigan ni Sarine sa penthouse niya ngayon.

Si Hiden na nakaupo sa carpet habang nakatitig sa cellphone nito. Si Katherine naman na nakaupo sa pang-isahang sofa habang yakap ang sariling tuhod at nakatitig din sa cellphone. Si Xyrin naman na nakaupo sa mahabang sofa at nakatitg din sa cellphone, katabi nito si Phia na kunot ang nuo na nakatitig din sa cellphone. Si Rylie naman na nakauposa armrest ng pang-isahang sofa kung saan nakaupo si Katherine at nakatitig din ito sa cellphone ni Kath.

Nagtataka siya kung bakit lahat ng mga ito ay parang pinagsakluban ng langit at lupa habang nakagtitig sa kanya-kanyang cellphone.

"Nash." Rinig niyang tawag sa kanya ng pinsan niya pero hindi naalis ang tingin niya sa mga tao sa sala niya lalo na ng mas mabilis pa sa alas-kwatro ang pagtago ng mga ito sa sari-sariling cellphone at mabilis na lumingon sa kanya. "Kanina ka pa ba nariyan?"

"Kararating ko lang." Sagot niya sa tanong ni Honey na hindi inaalis ang tingin sa mga dalagang nasa sala niya. "Anong meron ngayon? May okasyon ba?"

"Wala naman." Sagot ni Rylie.

"Boring lang kasi sa bahay." Sagot naman ni Hiden sabay ngiti.

"Lahat kayo?" Tinignan niya ang mga ito isa-isa. "Lahat talaga kayo nabored sa bahay niyo?"

"Parang ganoon na nga." Natatawang wika ni Phia na sinabayan naman ng iba ng tawa at tango. "Ang boring kasi lalo na hindi pa umuuwi sa condo si Sarine."

"Doon pa rin ba siya sa bahay ni Clint umuuwi?" Tanong niya saka kinuha ang bean bag sa gilid ng pang-isahang sofa saka dinala iyon sa tabi ni Hiden at doon umupo sa bean bag. "O sa mansyon nila?"

"Well, i ask her mother she said Sarine is staying at their mansion." Sagot ni Phia at tumango naman siya. "I think she's deciding to accept the fact that she's the Matsumoto's heiress?"

"Sarine has no choice but to accept it anyway. I mean, she's the only heiress." Wika naman ni Xyrin na sinang-ayunan ng iba. "Sooner or later, tatanda na ang ama niya at hindi na makakapagtrabaho."

"And besides, walang magagawa si Sarine. Kahit pa anong takas niya sa responsibilidad niya, walang mangyayari dahil nasa balikat na niya ang pagiging tagapagmana ng Matsumoto."

Lahat sila ay sumang-ayon sa sinabi ni Hiden.

"Here." Napatingin siya sa nilapag na pinggan ni Honey sa center table na may lamang nuggets. "Eat up." Umupo ito sa mahabang sofa katabi ni Phia bago ulit nagsalita, "so, anong plani natin ngayon?"

"Still the same." Sagot ni Phia na nakatingin sa kanya. "You'll do everything to make Sarine remember. Walang magbabago."

"But, Phi–"

"The plan. Ipagpapatuloy natin ang plano." Putol ni Phia sa mga sasabihin ni Kath. "Walang magbabago sa plano, okay?"

That's weird for him. Para bang may gustong sabihin si Kath na ayaw hayaan ni Phia na marinig niya. Nagtataka siya kung ano iyon. May kinalaman ba iyon kay Sarine o sa kanya?

Whatever it is, he needs to find out. Hindi niya hahayaan na patayin siya ng kuryusidad niyang nagsisimula ng lumago nang makita niyang nagtinginan lahat ng mga ito.

"May tinatago ba kayo sakin?" Tanong niya na puno ng pagtataka ang mukha. Napatitig naman sa kanya ang lahat. "You all can tell me what is it?"

"Wala naman. Mukhang bang tinatago kami sayo?" Natatawang tanong ni Hiden sa kanya. "Syempre wala, 'no."

Passionate Night And DayWhere stories live. Discover now