Chapter 40

2.1K 53 3
                                    

Chapter 40

"MAN, STOP drinking." Kanina pa kinukulit ni Kien si Nash na tumigil na sa pag-inom ng alak dahil wala itong tigil kakainom. "Come on, man, hindi naman 'to makakatulong sayo."

"Don't talk to me." Aniya at inalis ang kamay nitong may hawal sa baso niya. "I'm in fucking pain."

"I know. Pero hindi ito makakatulong sayo para mawala ang sakit na nararamdaman mo." Wika nito at pilit na inagaw sa kanya ang baso pero mabilis niyang naiiwas ang baso rito. "Man, give that goddamn glass to me and stop drinking."

"No thanks. Leave me alone." Inubos niya ang laman ng baso at nagsalin ulit. "She can't remember me. Fuck that Clint!"

Inubos niyang muli ang laman ng baso at magsasalin na ulit sana nang may umagaw ng baso mula sa kamay niya pati na rin ang bote ng hawal niyang brandy.

Sisinghalan na sana niya ang umagaw ng alak at baso niya nang mapagtanto niya kung sino ang kumuha non.

"Give that back to me, Honey." Wika niya at pilit na inagaw rito ang bote ng brandy pero mabilis itong nakaiwas. "Fuck it, Honey, give that back."

"Stop drowning yourself with this stupid drink." Pigil ang inis wika at nilayo sa kanya ang bote ng alak. "Nash, isang linggo ka ng ganito pwede bang tumigil ka na? Nakalabas na si Sarine ospital pero wala ka don."

"For what?" Tanong niya rito at tignan ito. "Pupunta ako don para ano? Para saktan sarili ko sa oras na makita ko silang magkasama ni Clint? Honey, she doesn't remember me, just in case you forgot. Nasaktan na ko noong hindi niya ako maalala at ang naalala niya bilang boyfriend niya ay si Clint, tama na. Ayoko ng masaktan."

"Kala mo ba ikaw lang ang nasaktan sa noong hindi ka maalala ni Sarine?" Tanong ni Honey at bahagyang lumapit sa kanya. "Nasaktan din kami ni Kien, Nash. Kaibigan kami ni Sarine kaya noong sabihin niyang hindi niya kami maalala, nasaktan kami. Huwag kang umasta na para bang ikaw lang nasasaktan."

"Honey is right, man. Hindi lang ikaw ang nasaktan. And we're here to help you. Ano pang silbi namin bilang kaibigan mo kung hindi ko naman kami papansinin?" Tinapik ni Kien ang balikat niya. "Hayaan mo kaming tulungan ka namim, Nash. Nahihirapan din kaming makita kang magkakaganito."

"Nashie, please, be strong." Niyakap siya ni Honey at pakiramdam niya ay kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam niya. "Stop this. Nandito lang naman kami e."

"I know. Thank you guys." Nginingitian niya ang mga ito. "I just can't stop thinking that Sarine is now with someone."

"Nash, alam natin babalik din ang alaala niya. Sooner or later, she'll remember every memories she have loss." Wika ni Kien.

"And I'm one hundred percent sure, lagot si Clint kay Sarine." Ani ni Honey na nakapagpangiti sa kanya.

"Thanks." Aniya at ngumiti sa mga ito. "Kahit papaano guminhawa ang pakiramdam ko."

"Syempre, kaibigan mo kami e." Wika ni Honey at ngumiti ito ng malapad. "Kaya huwag ka ng mag-iinom ulit ha. Kami na lang gawin mong libangan habang binibigyan mo ang sarili mo ng panahon para makapag-isip."

"I can't promise." Aniya at napabuntong hininga. "I mean, drinking alcohol is my stress reliever."

"Hindi naman araw-araw e dapat nilulunod mo ang sarili mo sa alak." Sermon sa kanya ni Kien. Said the guy who always stay at bar. "Sa susunod na makita kitang nilulunod mo ang sarili mo sa alak, may sampung batok ka sakin."

"Said the guy who always stay at bar." Sarkasmong wika niya at tumayo. "I'm drunk and i feel dizzy. Matutulog lang ako."

"Okay. Rest well." Wika ni Honey.

Passionate Night And DayWhere stories live. Discover now