Chapter 45

2K 55 3
                                    

Chapter 45

DALAWANG ARAW na ang lumilipas nang makauwi sila galing sa isla. Hindi siya noon nagsalita kahit anong tanong ng mga ito o pagkausap sa kanya. Sumabay siya sa sasakyan ni Phia at nagpahatid siya sa mismong bahay nila. Sa Matsumoto's Mansion.

Dalawang araw na siyang hindi umaalis sa mansyon nila at walang ibang ginawa kundi ang magkulong sa kwarto. Lalabas lang kapag kakain siya o gusto niyang maglakad-lakad.

At ngayong araw, wala siyang naiisip na pwede niyang gawin kundi ang mahiga at matulog lang. Tanghaling tapat na pero nanatili siyang nakahiga sa kama at nanonood lang ng telebisyon na nasa loob ng kwarto niya.

She was busy watching an action movie, someone knock on her bedroom door. Inalis niya ang kumot na nakatakip mula hita hanggang paanan niya saka umalis sa kama at pinagbuksan ang kumatok.

"Yes, manang?" Tanong niya sa mayodorna ng kanilang mansyon.

"Pinapasabi ho ni ma'am na bumaba na daw ho kayo at kumain." Nakangiting wika nito. Ilang taon na rin itong nagtatrabaho sa mansyon at wala rin sa isip nito na umalis sa mansyon nila dahil sa gusto kuno nitong manatiking mayodorma ng mansyon kahit medyo may edad na ito. "Saka ho, ma'am Sarine, narito rin ho si Sir Clint."

"Clint is here?" Hindi niya makapaniwalang tanong. Tumango ang mayodorma. "What is he doing here?"

"Hindi ko rin ho alam, ma'am Sarine." Sagot ng mayodorma. "Naghihintay ho silang lahat sayo sa komedor."

"Tell them I'll be there in a minute." Pagkasabi niya non ay sinara niya ang pinto ng kwarto at lumapit sa vanity mirror niya. She stared at herself. "You can do this."

Hindi niya alam kung paano niya haharapin ngayon si Clint. Nash and her friends said that Clint cheated on her. Hindi niya alam kung totoo ba iyon o hindi dahil wala namang ebidensya na niloko nga siya nito bukod sa mga salitang lumabas sa mga kaibigan niya at kay Nash.

Bumuntong hininga siya saka tumayo at lumabas ng kanyang silid. Bumaba siya ng hagdan at deretsong naglakad patungo sa kusina. And there, she saw Clint talking to her parents. Hindi niya alam kung ano dapat ang magiging reaksyon niya. Matatawa ba siya o maiinis dahil bakas sa mukha ng mga magulang niya na napipilitan lang ang mga itong kausapin sa Clint.

"Good afternoon." Bati niya sa mga ito na agad namang tumuon ang atensyon sa kanya. "What's for lunch?"

"Hi." Nakangiting bati sa kanya ni Clint at nginitian niya rin. Should she ask him if he really cheated on her? Tumuyo at pinaghugot siya ng upuan sa kaharap nitong upuan. "Take a sit."

Nilapitan niya ito at umupo sa upuang pinaghugot nito sa kanya at ngumiti. "Thank you, babe."

"Bakit hindi kita nahanap ng tatlong araw?" Tanong nito nang makaupo ito sa silyang kaharap niya. "I've been looking for you for three days. Kung hindi pa ako tinawagan ni dad na nandito ka pala hindi pa rin sana kita makikita ngayon. Where have you been?"

"Nothing. I just went to my friend's house to have some overnight..." biglang humina ang boses niya ng lumabas sa bibig niya ang salitang 'overnight'. Para bang nasabi na niya iyon at pakiramdam niya ay pangako niya iyon na hindi naman niya natupad. Why is that?

"Sarine? Are you okay?" Napakurap-kurap siya sa kawalan ng marinig niya ang boses ng kanyang ama. Napatingin siya rito at nagtatanong ang mga matang tumitig siya sa mukha ng ama. "Are you feeling okay?"

"Y-yes dad." Nautal niyang sagot at pinilit ang sariling ngumiti. "I just went to my friend's houss to have some overnight. Then, i went straight here. Pasensya hindi ako nakapagpaalam sayo. I don't have a phone, remember?"

Passionate Night And DayWhere stories live. Discover now