Chapter 41

1.9K 44 5
                                    

Chapter 41

MALUTONG NA napamura si Nash nang magising siya. Bumangon siya sa kama habang hawak ang sariling ulo at naupo sa gilid ng kama. Pinikit niya muna ang mga mata bago nagdilat mula at tumayo.

"Shit." Malutong siyang napamura nang sumigid na naman ang sakit ng ulo niya. "Fuck you hangover."

Pumasok siya sa banyo saka naligo. Pagtapos maligo agad siyang lumabas at tinungo ang closet saka nagbihis. Lumabas na siya ng kanyang silid habang nakahawak pa rin sa sariling ulo.

Nang marating siya sa sala, napahinto siya at napatitig sa dalawang babaeng nag-uusap sa mahabang sofa.

"Phia?" Tawag niya sa babaeng pamilyar ang likod sa kanya. Humarap ito sa kanya at ngumiti pa na rin si Honey. "What are you doing here?"

"Mamaya na tayo mag-usap." Wika ni Honey. "Kumain ka muna ng tanghalian."

"Tanghalian?" Kunot niyang tanong at napatingin sa relong pambisig. 1pm?! "Oh shit."

"Yeah, oh shit." Ani ni Honey at nilapitan siya. "Yan ang napalala ng nagpapakalunod sa alam. Sige na, kumain ka na. Nandon si Kien, kumakain yata."

Tumango siya saka tinungo ang kusina. Nang makarating sa kusina agad niyang naabutan si Kien na nakasandal sa island counter na malapit sa kalan habang sumisimsim ng kape.

"You're awake." Anito nang makita siya sa pinto ng kusina. "Here." May inilapag itong dalawang advil sa katabi nitong island counter. "Drink it to survive the hangover."

"Thanks." Nilapitan niya ang advil, kinuha iyon at kumuha ng tubig saka ininom ang gamot. "Anong ginagawa ni Phia dito?"

"Eat first." Anito at tinuro ang mesa na may nakahaing pagkain. "Hihintayin ka na lang namin sa sala. Mag-uusap-usap daw tayo."

"Talk about what?" Kunot nuong tanong niya rito. "Importante ba yang pag-uusapan natin?"

"Yeah. So important." Sagot nito at umalis sa counter island at naglakad palabas ng kusina. Bago ito tuluyang makalabas, nilingon siya nito, "be ready, okay?"

Kunot ang nuo niya nang maiwan siya nito sa loob ng kusina. Ano nga bang pag-uusapan nila? So important? Ano namang importanteng pag-uusapan na yon?

Napailing-iling na lang siya at tinungo ang lamesa saka umupo at nagsimulang kumain. Pagkatapos kumain hinugasan niya ang pinagkainan bago lumabas ng kusina at tinungo ang sala kung saan nag-uusap sila Kien, Honey at Phia.

Ano ba kasing meron?

Kunot ang nuong lumapit siya sa mga ito at naupo sa pang isahang sofa na kaharap ni Kien habang si Honey at Phia naman ay nakaupo sa mahabang sofa.

"Anong meron?" Tanong niya agad nang makaupo siya. Tinignan niya isa-isa ang mga ito, nakatitig lang ang mga ito sa kanya na para bang may gusto itong sabihin. He sigh. "Come on, spill it out."

"Bakit wala ka kahapon nang nakalabas si Sarine ng ospital?" Tanong ni Phia sa kanya. "Ikaw ang boyfriend kaya dapat naroon ka."

"I'm not his boyfriend anymore." Aniya at sinalubong ang titig nito sa kanya. "Don't you remember? She doesn't remember me as her boyfriend. I'm just a stranger to her. Ano pang dahilan para pumunta ako kahapon? Para lang saktan sarili ko? Phia, hindi naman ako tanga para pumunta don tapos makikita ko siyang akay-akay ng iba tapos ako masasaktan. I'm not stupid."

"You're still her boyfriend, Nash. Hindi ka lang niya talaga maalala." Wika nito at para na siyang mauubusan ng pasensya kaya naman huminga siya ng malalim. "Hindi mo ba alam na halos lahat kaming kasama ni Sarine ay halos maghimutok na sa galit pero hindi namin magawang pagsalitaan si Clint dahil si Sarine ang makakalaban namin. Nash, you have to help us to make Sarine remember all her forgotten momeries. Hindi na namin kayang makita siyang kasama ang Clint na yon."

Passionate Night And DayWhere stories live. Discover now