Chapter 39

1.9K 51 2
                                    

Chapter 39

MAAGANG NAGISING si Nash para mag-ayos at magtungo sandali sa opisina saka siya dederesto sa ospital. Inayos niya ang necktie na suot saka kinuha ang cellphone at susi ng kotse saka lumabas ng penthouse.

Pero napahinto siya sa paglabas ng kanyang penthouse nang makita si Michelle sa labas ng penthouse niya at may malapad itong ngiti.

"Ano na namang kailangan mo?" Iritadong tanong niya. Umagang-umaga sira na ang araw niya. "Nag-usap na tayo kagabi diba? Tigilan mo na ako."

"You know me, i don't listen to anyone." Wika at humakbang palapit sa kanya. "Dapat alam mo yon, Nash."

"I don't care." Walang buhay niyang wika at mahina itong itinulak palabas ng penthouse niya. Sinara niya ang pinto ng penthouse saka tumingin rito. "Leave me alone. Wala kang mapapala sakin, Michelle."

"Oh, my Nash." Malandi nitong hinaplos ang braso niya at para naman siyang masusuka dahil kaya hinawi niya ang kamay nito. "Bakit ba hindi na lang tayo magsimula muli? Kalimutan na natin ang nakaraan. Kalimutan mo na si Sarine dahil hindi ma siya magigi–"

"Sarine will wake up!" Hindi niya napigilan ang mapasigaw sa inis na nararamdaman para rito. Masamang tingin ang pinukol niya rito. "At anong sabi mo? Kalimutan ang nakaraan? Michelle, wala tayong nakaraan. We just pretended, don't you remember that? Ni minsan hindi ko tinanggap yon bilang nakaraan."

"I know you still love me."

"I don't love you. Kahit kailan sa buhay ko hindi kita minahal. I thought i love you before pero hindi pala." He chuckled coldly. "Wala tayong nakaraan at hindi kita minahal. Haka-haka lang ang pagmamahal ko sayo noon. You know why? Kasi hindi ikaw ang babaeng hinahanap ko. I don't see my future with you. I'm sorry, Michelle, but that's the truth."

"That's not true." Wika nito na bakas sa mukha ang gulat. "Hindi yan totoo diba?"

"Its true." Walang buhay niyang ani at namulsa. "Its all true. So please, tigilan mo na ako. Tama na 'to, Michelle. Huwag mong kalimutan na babae ka. Act like one."

Mabilis siyang umalis sa harap nito nang masabi niya iyo. Alam niyang masyadong harsh ang sinabi niyang iyon pero iyon lang ang alam niyang paraan para tigilan siya nito.

Sumakay siya ng elevator at nagpahatid sa lobby. Nang makarating sa lobby agad niyang tinungo ang parking lot at sumakay sa sasakyan. Nasa kalagitnaan siya ng pagmamaneho nang mag-ingay ang cellphone niya.

Kinuha niya sa bulsa ng suot niyang tuxedo ang cellphone niya saka tignan ang caller. Kumunot ang nuo niya nang makitang si Phia iyon.

"Hey, what's up?" Sagot niya sa tawag nito habang nagmamaneho. "What's going on?"

"S-si Sarine." Feat consume his whole being.

"What happened to her?" Nag-aalalang tanong niya rito. Imbes na bilisan ang pagmamaneho patungo sa opisina niya, binilisan niya ang pagmamaneho patungong ospital. Wala na siyang pakialam kung lagpas na sa speed limit ang pagpapatakbo niya ang mahalaga ay makarating agad siya sa ospital. "May masama bang nangyari?"

"She's awake." Mabilis niyang naapakan ang prenk ng sasakyan dahil sa narinig. "Nash, she's finally awake!"

Pinatay niya ang tawag at mabilis na pinaharurot ang sasakyan patungong ospital.

She's awake. Sarine is awake!

WHEN SARINE woke up, she roam her eyes around to know where she is. White walls. Sound of medical apparatuses. Smell of medicine. She knows where she is. Hospital.

She can't move her body. But she can move her fingers. Nararamdaman niya na may nakahawak sa kanang kamay niya kaya ginalaw niya iyon ng paulit-ulit hanggang sa maramdaman niyang gumalaw ang may hawak ng kamay niya.

Passionate Night And DayWhere stories live. Discover now