Chapter 26

2.5K 67 1
                                    

Chapter 26

TANGHALI NA nang magising si Sarine. Gabi na sila nakauwi kahapon galing palawan dahil na rin sa sobrang haba ng traffic. Mamayang gabi na ang family reunion nila.

Tinawagan siya ng ina niya kagabi bago siya matulog para sabihing pinaaga ang kanilang reunion dahil sa maagang aalis ang iba nilang relatives.

Kahit ayaw niyang umattend, wala siyang choice. Sasaglit lang siya don at aalis agad. Ayaw niyang magtagal dahil ayaw niyang makisalamuha sa mga kamag-anak niyang plastik.

Bumangon siya sa kama niya at tinungo ang banyo upang maligo. Nang matapos, bumalik siya sa kama at umupo sa gilid saka inabot ang cellphone na nasa night stand.

She call Nash. After five ring, Nash pick up her call.

"What?!" Inis nitong sagot sa tawag niya na bahagya niyang ikinagulat. Halatang bagong gising ito at naistorbo niya ang pagtulog. "Who ever you are speak faster. Don't you know I'm sleeping here, dimwit?"

"Sorry, did i disturb your sleep?" Mahinhin niyang tanong. Wala siyang mapapala kung sasabayan niya ang init ng ulo nito. "I'm sorry. I'll call you again later."

Narinig niya ang sunod-sunod nitong pagmumura bago ito tumikhim at nagsalita, "shit, baby, I'm sorry. Hindi ko kasi binasa kung sino ang tumatawag. I'm so sorry. Hell, i should've known it was you."

"Its okay." Natatawang wika niya dahil sa paliwanag nito. "By the way, my mother called last night. Mamayang gabi na daw ang family reunion."

"Wait, what?" Tanong nito at kahit wala ito sa harapan niya, alam niyang nakakunot nuo ito ngayon. "Mamayang gabi na? Why is that?"

"May iba kasi kaming relatives na maagang uuwi so they decided na paagahin na lang ang reunion." Paliwanag niya rito. "So, you're still coming with me? Pwede namang ako na lang pumunta."

"Hell no. No way." Mabilis nitong sagot na ikinatawa niya ng mahina. "I'm going with you. Hindi pwedeng mag-isa ka lang don."

"Nash, may i remind, bahay namin yon kaya ayos lang kung mag-isa ako." Wika niya saka sumandal sa headboard ng kama. "Saka wala namang gagalaw sakin don e."

"I already made up my mind, Sarine. Sasama ako sayo." Narinig niya ang pagbuntong hininga nito. "Anong oras ba?"

"6 ang start." Sagot niya at umalis sa kama saka tinungo ang closet. "Casual attire lang."

"I'll pick you up at 5:30 then." Anito.

"Okay. See you later." Nakangiting wika niya. "I love you."

"Okay, I love you too."

Pinatay na niya ang tawag saka sinuot ang damit na kinuha niya. Nang maayos na ang sarili, lumabas siya ng kwarto ay naabutan niya si Phia na nakahiga sa mahabang sofa at nakatakip ang braso sa mga mata.

Nagtungo siya sa kusina at nagtimpla ng dalawang juice saka bumalik sa sala at naupo sa pang-isahang sofa. Inilapag niya ang isang baso sa center table at habang hawak ang isang baso sa kanang kamay, inalog niya ang balikat ng kaibigan para gisingin ito.

"Phia." Tawag niya sa pangalan ng kaibigan. "Phia, wake up."

"Hmm." Bahagya itong umungol bago inalisa ang pagkakatakip ng braso sa mata nito bago tumingala sa kanya. "Sarine? Is that you?"

"Sino pa ba?" Tanong niya at umirap sa hangin. "Bangon na riyan. Inumin mo 'tong juice."

Bumangon ito at umayos ng upo sa dulo ng mahabang sofa saka inabot ang baso. "Thanks."

Kinuha niya ang baso niya sa center table saka nagtanong rito, "pag-uwi ko kagabi wala ka pa dito. Anong oras ka na umuwi?"

"9pm. As usual." Sagot nito at nilagay ang baso sa center table. "Lagi namang ganoon ang tapos ng office work, diba?"

Passionate Night And DayWhere stories live. Discover now