Chapter 25

2.7K 70 6
                                    

Chapter 25

MAAGANG NAGISING sila Sarine para ayusin ang mga gamit nila. Kailangan na nilang bumalik ngayon sa manila. Nag-enjoy siya ng sobra sa bakasyon niyang ito. Bukod sa nakakilala siya ng bagong kaibigan, nagkaroon pa siya ng kasintahan.

Hindi niya akalaing sa bakasyon niyang ito, makakahanap siya ng lalaking mahahalin niyang muli. She never thought she'll find love in this island.

Sana lang talaga pagbalik nila sa manila walang magbago. Nash should stay Nash, and she'll stay Sarine. Ganoon lang kasimple. But she know better more than that. Alam niyang may hangganan din ang kasiyahan niyang ito.

Happiness turn to pain, and pain turn to happiness. Hinihiling niya na sana makarating siya sa kasiyahan iyong. Were happiness is endless. Pero alam naman niyang sa oras na tumuntong siya sa sakit, ilang porsiyento lang ang kasiguraduhang makakamit niya ang kasiyahang walang hanggan.

"Anong iniisip mo?" Nagising siya sa malalim niyang pag-iisip nang bigla siyang tanungin ni Nash. Tinignan niya ito at busy pa rin ito sa pagliligpit ng damit. "Parang ang lalim na naman ng iniisip mo."

"Wala yon." Aniya saka ngumiti. Tinapos niya ang pagliligpit ng sariling damit saka tumayo. "Maghahanda lang ako ng almusal natin tapos kumain na muna tayo."

"E kung magkape na lang tayo." Suhestiyon nito saka tumayo rin. "Don na lang tayo sa cafe."

"One hour ang biyahe natin bago makarating sa palawan, Nash." Wika niya saka nameywang. "Hindi sapat kung magkakape lang tayo. Dapat kumain din tayo."

"Lets eat outside then." Anito saka hinawakan siya sa kamay at masuyong hinila palabas ng kwarto pati na rin ng cabin. "Kain tayo don sa cafe. Tutal bukas na rin sila."

Madilim pa sa labas dahil alas singko pa lang ng umaga. Mamayang 6:30 dadating na ang pump boat na sasakyan nila para maihatid sila sa palawan.

Madaling araw pa lang pero bukas na lahat ng tindahan, kainan at bilihan dito. Dahil na rin siguro araw-araw ay may mga umaalis na maagang nagigising para hindi maiwan ng pump.

Nang makarating sa cafe, kaagad silang pumasok at deretsong naglakad patungo sa serving lane. May pila rin dahil na rin siguro sa aalis na rin ang mga ito at hindi nag-abalang magluto.

"Anong gusto mo?" Tanong niya sa binata. "Ako na lang ang oorder at maghanap ka ng mauupuan natin."

"Black coffee, not that strong." Sagot nito saka tumingin sa menu ng mga pagkain na nasa ng counter. "And pancake."

"Sugar level ng syrup?" Tanong niyang muli rito.

"50 percent lang." Sago nito saka malapad na ngumiti. "No talking to other male species. Order lang."

"Yeah, yeah. Whatever." Natatawang wika niya saka ito pinaalis. Nang siya na ang oorder kaagad niyang sinabi kung ano ang order nila, "one black coffee, not that strong, and one pancake with 50 percent syrup level. One cappuccino and ube cake."

"Just a minute, ma'am." Mabilis na umalis sa harapan niya ang babaeng nag-asikaso sa kanya para ayusin ang inorder niya. At nang bumalik ito, may dala na itong tray na ang laman ay ang mga inorder nila. "Here's your order, ma'am. Have a nice day."

Ngumiti siya at inabot rito ang bayad. Hinanap ng mata niya ang binata kung saan ito nakaupo, at nang makita, parang biglang umusok ang taenga niya nang may makitang kumakausap ritong babae pero halata ang inis sa mukha ni Nash habang nakatingin sa malayo. That made her smile.

Lumapit siya riro at inilapag ang tray mismo aa gitna ng table pero medyo maharangan ang mukha ng kasintahan na kanina pa ginagahasa ng tingin ng malanding babae.

Passionate Night And DayWhere stories live. Discover now