Chapter 35

2K 57 3
                                    

Chapter 35

DALAWANG ARAW na hindi pumasok si Sarine at ngayong araw ay napagpasiyahan na niyang pumasok. Sa dalawang araw niyang pamamalagi sa condo ay nakapagpahinga siya ng maayos at nakapag-isip.

Hindi naman siya pinuntahan ni Nash at alam niya kung bakit dahil sinabi sa kanya ni Phia ang nangyari dalawang araw na ang nakalilipas. Sinabi nito kay Nash na hayaan muna siyang makapag-isip.

And Nash obliged that. Hindi niya alam kung bakit biglang nawala sa isip niya ang galit para sa binata dahil sa ginawa nitong pag-intindi sa kanya.

"Ready ka na?" Tanong sa kanya ni Phia habang nakaharap ito sa salamin. "Pwede ka pa naman ulit na umabsent."

"Ayoko. Ang laki na ng bawas ng sahod ko." Aniya at inayo ang pagkakalugay ng buhok niya. "Kailangan kong bumawi."

"Parang hindi ka mayaman ha. Dapat nga ako yung manghinayang kasi ako yung mahirap dito." Wika nito at humarap sa kanya. "Dapat sakin na lahat ng sahod mo e."

"Phialocette, huwag kang umasta na mahirap ka dahil baka matadyakan kita riyan." Natatawang wika niya saka kinuha ang bag. "Umayos ka sa buhay mo."

Nakangusong kinuha nito ang sariling bag sa sofa saka lumapit sa kanya. "Halika na nga. Napakatino mo talagang kausap."

Natawa na lang siya rito at sumunod ng lakad rito. Ito na ang nag-lock ng pinto habang siya naman ay tinungo ang elevator saka hinintay iyong buksan.

Nang bumukas ay sakto namang paglapit sa kanya ni Phia at sabay na silang pumasok sa loob.

"Kakausapin mo na ba siya?" Biglang tanong nito nang magsara ang pinto ng elevator. Tumingin siya rito na may nagtatanong na mga mata. "Si Nash. Kakausapin mo na ba siya ngayon?"

She shrugged. "I don't know."

"What do you mean you don't know?" Kunot nuong tanong nito. "You should know. Magkikita kayo ngayon kaya dapat alam mo kung kaya mo na ba siyang kausapin o hindi. Kasi kung hindi, pwede ka namang umabsent ulit."

"E sa hindi ko nga alam e." Aniya saka napabuntong hininga. "Lets just see what will happen."

Bumukas ang pinto ng elevator at sabay silang lumabas.

"Just be prepared for what will happen." Wika nito habang naglalakad silang palabas. "Sigurado akong hindi ka titigilan ni Nash makausap ka lang."

"Then I'll try my best to face him." Aniya na para bang napakadali lang gawin. "I just wish i survive."

Nang makarating sila sa parking lot, agad niyang binuksan ang passenger seat saka sumakay at nagsuot ng seatbelt. Sumakay na rin si Phia. Wala siyang gana magdrive ngayon kaya sumabay na siya kay Phia.

"Sana magkaayos kayo." Basag nito sa katahimikang namutawi sa kanila nang magsimulang umandar ang sasakyan. "Sana malaman mo na ang rason kung bakit niya ginawa ang bagay na yon. Kasi kung papatagalin niyo pa 'tong ganitong sitwasyon, pareho lang kayong masasaktan." Panandalian siya nitong nilingon at muling binalik ang mata sa daan. "Lalo na ikaw."

Hindi niya alam kung bakit tumagos sa puso niya ang sinabing iyon ng kaibigan niya. Siguro nga totoo ang sinabi nito. Sa oras na tumagal pa ang ganitong sitwasyon pareho lang sila ni Nash na masasaktan. Especially her.

Pero paano niya haharapin ang binata kung iniisip niya pa lang na magkikita sila nasasaktan na siya paano pa kaya kung magkita talaga sila. Hindi niya alam kung ano ba ang dapat niyang gawin pagnakataon.

Kailangan niya pa siguro ng panahon para pakalmahin ang sarili. Hindi sapat ang dalawang araw na pahinga niya para humupa ang sakit sa puso niya.

Kung makakausap niya man ang binata, gusto niya ay maaayos na nila ang sitwasyong ito. Sana lang talaga may maaayos itong paliwanag sa nakita niya sa tapat ng penthouse nito.

Passionate Night And DayWhere stories live. Discover now