Chapter 30

2.4K 68 5
                                    

Chapter 30

NAGPAPASALAMAT SI Nash nang makarating din siya sa mall. Mabilis siyang pumasok sa mall nang maipark na niya ang sasakyan. Mabilis niyang hinanap ang dalaga pero hindi niya iyon makita.

He's been looking for Sarine for almost six minutes until he finally saw her with her friends talking to...

"Michelle?" Tawag niya sa pangalan ng babaeng kausap ni Sarine nang makalapit siya sa mga ito. Mabilis na nagtinginan ang lahat sa kanya. "What–"

"Nash!" Mabilis na lumapit sa kanya si Michelle at niyakap siya. "I miss you."

Fucking no!

Binaklas niya ang pagkakayakap nito sa kanya at kunot nuong tinignan nito. "What the hell are you doing here?"

"We're going to go shopping. But this woman," tinuro nito si Sarine at pinukol ito ng masamang tingin. Bigla naman siyang nainis rito, "tinapunan niya ako ng smoothie. This dress cost hundred dollars at tatapunan niya lang smoothie."

"Don't point at her." Pigil ang inis na wika niya at tinabig ang kamay nitong nakaturo kay Sarine. Nilapitan niya si Sarine at sinapo ang magkabila nitong pisngi. "Are you okay? Sinaktan ka ba niya?"

"You know that girl?" Tanong sa kanya nito. Kinain siya ng takot ng walang makitang emosyon sa mga mata nito kahit isa. Wala! "How'd you know her?"

Napabuga siya ng malalim na buntong hininga at inalis ang kamay sa pisngi ng dalaga at tumayo ng tuwid. "She's Michelle Banes. My–"

"I'm his ex-girlfriend." Sabat ni Michelle sa usapan nila. Tinignan niya ito ng masama. "His beautiful and lovely ex-girlfriend."

Napatingin siya kay Sarine ng malamig itong natawa. Kumunot ang nuo niya dahil sa pagtawa nito. Even her friends laugh.

What the hell?

"At tuwang-tuwa ka pa na ex-girlfriend ka." Napatawa na naman ito at malamig na tumingin kay Michelle. "Ngayon lang ako naka-encounter ng ex na nga, proud pa."

"May reward siguro kapag naging ex." Singit naman ng kaibigan nitong bahagyang inaalog ang hawak nitong smoothie. "Anong reward ba nakuha mo?"

"Kaartehan." Singit ulit ng isa pa nitong kaibigan na may maamong mukha at medyo malaman ang pangangatawan. "Tignan mo nga ang arte-arte e."

"Kath, tama na. Baka umiyak." Natatawang wika ni Xyrin na kaibigan ng dalaga. He know Xyrin Soreman because she's one of the most hottest model in asia. "Baka mamaya magsumbong sa mommy niya at mapa-principal office pa tayo."

"You!" Gigil na turo ni Michelle sa mga kaibigan nito. "Bitch–ahh!"

"Don't you dare point your filthy finger on my friend." Wika ng isang kaibigan ni Sarine na madilim na nakatingin kay Michelle at hawak-hawak nito ang daliring pinanturo ni Michelle. "Kung ano man ang sinabi ng mga kaibigan ko ay totoo. Maarte ka."

"Rylie." Tawag ni Sarine sa kaibigan nitong nagngangalang Rylie. "Stop it."

Binitawan nito ang daliri ni Michelle na mababakas sa mukha ang sakit.

"Lets go." Wika ni Phia at agad na hinila ang ibang kaibigan ni Sarine. "Masamang kumausap ng may toyo."

Pagkasabi ni Phia non ay umalis na ang mga ito at agad namang sumunod si Sarine. Siya naman ay masamang tingin lang ang binigay kay Michelle at hinabol si Sarine.

"Sarine." Tawag niya sa pangalan ng dalaga habang tumatakbo palapit rito. Hinawakan niya ito sa braso nang tuluyan niya itong mahabol. "Please, don't be mad. I can explain."

Passionate Night And DayWhere stories live. Discover now