Chapter 3

4.8K 108 0
                                    

Chapter 3

KANINA PA nagpipigil ng inis si Sarine dahil sa pagdating ng mga kaibigan niya sa condo niya. Ngayon ang umpisa ng bakasyon niya pero ingay ang sasalubong sa kanya.

Natutulog kanina ng biglang umingay sa labas ng kwarto niyan. At nang lumabas siya ng kwarto niya ay naabutan niya ang mga kaibigan niyang nagtatawanan.

Ayos lang naman sa kanya na magpunta ang mga ito rito sa condo niya pero siguraduhin lang ng mga ito na hindi gagawa ng ingay. She's resting for god's sake. She want to rest her mind and herself. Pero paano niya iyon magagawa kung nandito ang mga kaibigan niyang mas maingay pa sa maingay.

"Hoy, Sasa." Tawag sa kanya ni Katherine, Kath for short. May ari ito ng isang sikat na cafe sa Australia at rito sa pinas na may pangalang Kath's Cat Cafe. Sobrang hilig kasi nito sa pusa. Isa sa mga maiingay niyang kaibigan. Mas maingay pa sa maingay. "Magsalita ka naman, 'no. Daig mo pa pipe na hindi talaga kayang magsilata e."

"Tigilan mo ko, Australyana." Pigil ang inis na wika niya rito. Australyana ang tawag niya rito kasi may lahi itong Australian. "Ano ba kasing ginagawa niyo dito? Nagpapahinga ako e."

"Minsan na nga lang kami dumalaw sa inyo ni Phia, banas ka pa samin." Nakangusong wika nito. Tumabi ito ng upo sa kanya at niyakap ang braso niya. "Smile ka na, ha. Miss ka lang namin e."

"Minsan? Miss?" Ulit niya sa sinabi nito. "E araw-araw kaya kayong nandito. Kahapon nandito kayo kahit gabi na, noong isang araw din. Joke time ba ngayon, Australyana?"

"Huwag ka na ngang mag-inarte riyan, Sasa." Singit naman ni Hiden. Kaibigan niyang may sabit yata ang utak. Ang dami kasing alam na kabalastugan e. "Oh. Tikman mo 'tong cake."

"Sino bumili?" Tanong niya habang inaabot ang binibigay nitong cake.

"Ako." Si Rylie ang sumagot. Cold sa kanilang magkakaibigan. Hindi kasi ito masyadong nagsasalita at hindi rin tumatawa o ngumingiti man lang. Ngingiti pero napakalamig naman. "I bake it."

"Wow. Marunong ka palang magbake, Rylie." Parang nang-aasar na wika ni Phia saka kumuha rin cake. "Sa birthday ikaw magbake ng cake ko, ha. Gusto ko 3 layers."

"Bumili ka na lang." Ani ni Rylie. Binaba nito ang binabasang libro at inilapag iyon sa lamesa saka kumain din ng cake.

Natawa naman silang tatlo ni Kath at Hiden. Si Phia naman ay napasimangot.

"Grabe ka talaga sakin, Rylie." Kunwaring nasasaktan na anito. "You hurting my feelings."

"Don't care." Walang pakialam na wika ni Rylie.

Natatawa pa rin siya sa dalawa nang biglang mag-ingay ang cellphone niya. Kinuha niya iyon sa bulsa niya at tinignan ang screen. Napairap siya sa hangin saka tumayo.

"Excuse me." Aniya saka pumasok sa loob ng kwarto niya. "What is it now, mom?"

"Anak, kailan ka uuwi?" Tanong ng ina niya. Napabuga siya ng marahas na hininga. Not again. "Nandito na ang iba sa mga relatives natin. Pati mga pinsan mo nandito na. Your Lola Lorin will be here by tomorrow. How about you? Kailan ka uuwi?"

"Mom, how many times do I have to tell you, hindi ako uuwi riyan." Pigil ang irita na wika niya. "You can celebrate our family reunion without me."

"Sarine naman, ilang taon ka mg hindi uma-attend ng family reunion natin. Last year hindi ka pumunta kasi sabi mo wala kang leave. Last last year hindi rin kaso sabi mo masyado kayong busy sa trabaho. Even last last last year you didn't attend. And now?" Mahabang sabi ng ina niya. Parang gusto yata nitong makonsensya siya sa hindi pagdalo ng mga family reunion nila. "Come on, Sarine. Even this once. Dumalo ka naman. Ngayong may leave ka, bakit hindi ka pumunta dito?"

"You know me, mom. Hindi ako close sa mga relatives natin. Kayo lang naman ni daddy ang may mga kakilala sa kanila e." Aniya. Medyo nawawala na ang pasensya niya para sa ina. Isa sa mga ayaw niya ay ang paulit ulit. "Please, huwag niyo akong idamay sa ganiyan niya daddy."

"Sarine Matsumoto!" Her mother hissed her name. Mukhang nagalit niya ito. "Huwag kang ganyan sa kamag-anak mo. Kahit wala kang kaclose sa kanila kailangan mo pa ring dumalo. You'll attend this family reunion, whether you like it or not. Be here next month."

Her mother ended the call. Napatingin na lang siya sa screen ng cellphone niya nang patayin ng ina ang tawag. Sa tingin niya wala na siyang magagawa kundi ang dumalo sa family reunion na iyon.

Napabuga siya ng marahas na hininga at napasalampak ng higa sa kama. Ipipikit na sana niya ang mga mata niya ng bigla na namang tumunog ang cellphone niya. Her mother never call twice if she's mad at her. Kunot ang nuo na tinignan niya ang caller. Its one of her co-workers.

"Hey, Mabeth." Sagot niya sa sagot nito. "Napatawag ka?"

"Nagyayaya si Chris na mag-bar hopping daw tayo bukas. Sama ka." Anito. Can't they understand that she's on vacation? "Sahod bukas e, manlilibre daw si Chris."

"I can't come with you." Wika niya. Bumangon siya sa kama bago ulit nagsalita. "May gagawin ako bukas e."

"Come on, Sarine, minsan lang 'to mangyari." Pamimilit nito sa kanya. Sinuklay niya ang sariling buhok dahil sa inis na nararamdaman. She just want to rest for god's sake. Bakit ba hindi nila iyon maintindihan? "Sama ka bukas, ha?"

"Pag-iisipan ko." Sagot niya at pinatay ang tawag. She want to rest. Tumayo siya at lumabas ng kwarto.

Naabutan niya ang mga kaibigan niya na masayang nag-uusap sa sala. Nagpunta muna siya kusina para kumuha ng maiinom.

Lumipas ang ilang segundo tumunog na naman ang cellphone niya. Tinignan niya ang caller at marahas na napabuga ng hininga nang makita ang pangalan ng isa sa mga co-workers niya.

Hindi niya iyon pinansin at tinurn off ang cellphone. Ayaw na niyang makareceive ng calls at kahit ng texts. Kung may lugar man na walang signal, gusto niyang pumunta don at magpahinga.

"What's up." Napatingin siya sa pinto ng kusina. Its Phia. Lumapit ito sa kanya at umupo sa kaharap niyang upuan. "Anong meron? Parang ang laki ng problema mo."

"Kung may lugar man na nag-e-exist na walang signal, gusto ko yon puntahan." Aniya. Nakatuon ang atensyon niya sa basong hawak habang nagsasalita. "Ayoko na makareceive ng tawag o kahit ng text. Ayoko rin na may istorbo sa bakasyon ko. For short, gusto ko ng payapang lugar."

"Gusto mo yata madeads e." Pabirong anito. Tinignan niya lang ito ng masama. "Joke lang."

"Seryoso ako, Phialocette." Aniya.

"Stop calling me by my full name, Sarine." Inis na wika nito. Ayaw na ayaw kasi nito sa full name niya kay mas gusto nito sa nickname niyang Phia. "Its Phia. P. H. I. A. Phia."

"Whatever."

"By the way, yung sinabi mo, may nag-e-exist na ganoong lugar."

Napatingin siya rito. "I'm all ears."

"Its called Night-Day Island.. No reception. Just peacefulness. Kung pupunta ka sa palawan at sasakay ng pump boat simula don at magpapahatid ka sa Night-Day Island, aabutin ka lang ng isamg oras sa byahe." Anito kaya naman mas lalo siyang nacurios sa lugar na tinutukoy nito. "Maganda yung lugar na yon sabi nila. Iilan lang ang may nakakaalam sa lugar na yon at isa ako don kasi nakapunta na don pinsan ko. Two days from now 15th anniversary na ng isla na yon."

"Well, thank you for saying that." Nakangiting wika niya at tumayo. "Mag-aayos lang ako para bukas."

"Can I come?" Tanong nito bago siya makalabas.

"May trabaho ka diba?" Nakangising tanong niya rito. Hindi na niya ito hinintay na makasagot at lumabas na siya ng kusina. Nandon na pa rin ang mga kaibigan niya at nakatingin sa kanya kaya naman nginitian niya ang mga ito. "Well, goodbye my loveky friends."

Pumasok siya sa silid niya at nag-umpisa ng ayusin ang mga gamit niya na dadalhin niya sa Night-Day Island. She's so excited.

No calls. No texts. No friends, family and co-workers to bother her vacation.

'That's life.'

A/N: Sorry for the very very very late update.

DISCLAIMER!!
Night-Day Island is fiction.
It was made by the author's imagination.

Passionate Night And DayWhere stories live. Discover now