Chapter 29

2.6K 70 5
                                    

Chapter 29

HAPON NA nang makapunta silang magkakaibigan sa mall. May mga tinapos kasi ang mga kaibigan niyang importante at si Phia naman ay may pinuntahan sandali kaya naman hapon na lang sila nagtungo sa mall.

Katatapos lang nilang bumili ng mga bagong damit, sapatos at ng kung ano-ano pa pero siya ay walang binili ni is dahil hindi naman niya kailangan ng bagong gamit ngayon.

At ngayon ay kumakain na sila sa restaurant habang masayang nag-uusap.

"Phia, pahingi naman ako ng steak." Wika ni Kath na hindi makuntento sa steak na inorder at kanina pa kinukulit si Phia na hingan ng steak. "Hindi ka naman ganong kahilig sa steak e."

"Nakain ko na 'to e." Reklamo ni Phia saka inilayo ang plato kay Kath. "Umorder ka na lang ulit. Mapera ka naman e."

"Ayoko nga." Nakangusong wika nito saka kumapit sa braso ni Hiden na walang ginawa kundi ang kumain. "Hiden, pagalitan mo nga si Phia. Ayaw niya ibigay sakin yung steak niya e."

"Tama namab si Phia e." Wika ni hiden na ikinakunot ng nuo ni Kath. "Mapera ka kaya umorder ka na lang ulit."

Ngumuso na lang ito saka humalukipkip.

"Here." Biglang wika ni Rylie na kanina pa walang imik. "Take mine. Hindi ko pa nagagalaw yan."

"Talaga? Sakin na 'to?" Nangniningning ang mga matang tanong ni Kath kay Rylie na wala namang pakialam sa paligid at patuloy lang sa pagnguya. Rylie nod. "Yehey! Thank you, Ry."

"Sarine, nasabi sakin ni Phia na may boyfriend ka na. Totoo ba yon?" Tanong ni Xyrin na may makahulugang ngiti sa labi. Napangiti naman siya sa tanong nito. "Shit. Totoo nga?"

She nod while smiling from ear to ear. "Yeah. Its true."

"Tarantado ka." Mahina siyang tinampal sa braso ni Hiden na ang sama-sama ng tingin sa kanya. "Kung hindi pa pala magtatanong si Xyrin, hindi mo pa sasabihin samin."

"Ang galing mo rin magtago e, 'no." Pigil ang inis na wika naman ni Kath.

"You hurt their feelings, Sasa." Ani naman ni Rylie na panay pa rin ang kain.

"Sasabihin ko naman talaga sa inyo e." Aniya saka masamang tumingin kay Phia na nakangisi lang habang kinakain ang steak. "Inunahan lang talaga ako ni Phia. Tabil kasi ng dila e."

"Hey, ang tagal mo kasing magsalita." Depensa ni Phia sa sarili saka masamang tingin ang binigay sa kanya. "Kaya ako na ang nagsalita para sayo. Can't you just say 'thank you, Phia'?"

"Kahit na. Dapat hinintay mo ako." Aniya saka ngumuso. "Naghihintay lang naman ako ng tiyempo e."

"Sa lahat ng oras na magkasama tayo simula kanina, lahat yon magandang tiyempo." Wika ni Xyrin na nilalaro ang salad gamit ang hawak nitong tinidor. "Kanina pa ako naghihintay na sabihin mo kaso ang tagal mong umamin."

"Sino ba kasi ang maswerteng lalaking yan?" Tanong ni Kath na titig na titig sa kanya na para bang sa oras na kumurap ito ay mawawala siya sa paningin nito. "Gwapo ba? Mabait? Mayaman? O baka naman barumbado at manloloko gaya ng ex mo."

"Hindi siya ganoon. Sobrang layo niya kay Clint." Aniya saka napairap sa hangin. Ganito rin ang tanong ni Phia sa kanya kahapon noong nasa condo silang dalawa. "Nash Valozar. Siya ang boyfriend ko."

"Si Nash Valozar?!" Halos sabay-sabay nitong mga tanong pati na rin si Rylie ay natuon na ang atensyon sa kanya. Maliban na lang kay Phia na patuloy pa rin sa pagkain.

"Yes." Sagot niya habang tumatango pa pero agad rin na kumunot ang nuo niya. "Teka nga, bakit ba sa tuwing ipapakilala ko siya parang hindi kayo naniniwala?"

Passionate Night And DayWhere stories live. Discover now