Chapter 37

2K 58 1
                                    

Chapter 37

NANG MAKUHA ni Nash ang susi ng kotse sa opisina niya, mabilis niyang tinungo ang elevator at nagpahatid sa lobby. Seconds later, bumukas ang elevator at nang makarating sa lobby, nakita niya ang nga taong nagtatakbuhan papasok sa loob ng lobby at lahat yon ay mukhang takot na takot.

Then, his whole system was eaten by his fear when one of their employees say Sarine's name.

"Si Sarine yon." Wika ng isang empleyado na bakas sa boses takot.

Patakbo niyang tinungo ang labas ng building at halos tumakas lahat ng lakas niya sa katawan nang makita si Sarine na nakahiga sa kalsada at naliligo sa sariling dugo.

"Sarine!" Malakas niyang tawag sa dalaga at nilapitan ito. Napaupo siya sa gilid ng dalaga at hinawakan ang mukha nitong nababalot ng dugo . "Fuck! Sarine, baby, wake up. Could someone call a fucking ambulance!"

Hindi niya napigilan ang luha niyang tumulo nang hindi dumilat ang dalaga. He even check her pulse but nothing. There's no pulse!

"Wake up, Sarine." Bulong niya rito pero hindi pa rin ito dumidilat. His tears was cascading to his cheeks as he stared at the woman she love. "Who the fuck did this?" Tumingin siya sa mga taong nakapalibot sa kanila. "Sinong may gawa nito?!"

"Isang kotse ho." Napatingin siya sa isang lalaki ng sumagot ito. "Hindi ko ho nakita ang plate number ng kotse kasi mabilis na umalis ng mabangga siya."

Napatingin ulit siya sa mukha ng dalaga at hindi napigilan ang luha na umagos. Niyakap niya ang dalaga at hindi pinigilan ang sarili na umiyak. Kung alam niya lang na mangyayari ito sana hindi na niya ito iniwan mag-isa.

Napatingin siya sa tabi ng dalaga nang may marinig siyang ingay mula don. Its her phone. Ringing. Kinuha niya iyon at tinignan ang tumatawag. Its Phia. Hindi niya masagot ang tawag ng kaibigan nito dahil sa basag ang screen ng cellphone nito.

Kinuha niya ang cellphone sa bulsa at kinopya ang numerong nakalagay sa screen ng cellphone nito at tinawagan iyon.

"Who is this?" Sagot ni Phia.

"Its me. Nash." Pakilala niya sa kabilang linya. Napatingin siya sa kalsada nang marinig ang ambulansya at may dalawang lalaki na lumapit sa kanila at maingat na inilagay sa stretcher ang dalaga.

"Nash? Ano yung naririnig kong tunog ng ambulansya?" Nakalimutan niya na kausap niya nga pala ang kaibigan nito. "Nash?"

"Ahm, Phia." Malalim siyang huminga at nagsalita muli, "naaksidente si Sarine."

"What?!" Sigaw nito sa kabilang linya. "Where are you?"

"I'll text you the hospital." Aniya saka pinatay ang tawag at sumakay sa loob ng ambulansya para sumama.

Hinawakan niya ang kamay ng dalaga na wala pa ring malay. The nurse is doing a cpr to Sarine. His tears are still cascading to his cheeks and he can't stop it.

Please, Sarine, wake up. Please. Don't leave me.

HINDI NA mabilang ni Nash kung ilang oras nang nasa loob si Sarine ng operating room. Kasama niya ngayon ang mga kaibigan ng dalaga na mababakas sa mukha ang pangamba at takot. Kasama niya rin ang magulang ng dalaga. Ang ina nito ay walang tigil sa pag-iyak na siya namang inaalo lang ama ng dalaga. Even his mother and his father is here when they heard the news.

"Sana maging maayos na siya." Rinig niyang wika ni Kath na bakas sa boses ang kaba. "Oh god, please save our friend."

"She'll be okay." Wika ni Hiden. Kahit sinabi iyon ni Hiden alam niyang kinakabahan din ito dahil mababakas iyon sa mukha ng dalaga.

Passionate Night And DayWhere stories live. Discover now