Chapter 49

2K 55 2
                                    

Chapter 49

"I JUST saw your boyfriend with a girl." Parang biglang nag-init ang ulo niya sa sinabing iyon ng kaibigan. "I followed them and saw them entering a goddamn hotel."

"Text me the exact address." Aniya sa matalim ba boses. "I'm coming."

Umalis siya sa kanyang kama at lumabas ng condo. Wala siyang pakialam kung bakas sa mukha niya ang inis at pagtinginan siya ng mga tao nang makarating siya sa lobby.

Matagal na niyang nararamdaman na may mali sa kasintahan niya at ngayon ay malalaman na talaga niya ang katotohanan. Ilang beses na ba siyang nakaramdam ng hinala sa kasintahan? Maraming beses na!

At ngayong gabi niya malalaman lahat ng kolokohan nito. Para siyang nakikipagkarera sa bilis ng pagmamaneho niya. Lagpas na siya sa speed limit buti na lang at walang pulis na sumita sa kanya.

Nang makarating siya sa tinext na adress ng kanyang matalik na kaibigan, agad siyang bumaba sa sasakyan niya at mabilis na tinungo ang palapag ng kwartong inuukupa ng kanyang kasintahan at ng kalantarya nito ngayon.

"Hey." Bati sa kanya ng kaibigan niya nang makarating siya sa tamang palapag at hinihintay pala siya ng kanyang matalik na kaibigan. Lumabas siya ng elevator at tinignan ito. "I know the room."

Tumango siya at sinundan ito sa paglalakad. Nang makarating sila sa tapat ng pinto, huminga siya ng malalim saka pinihit pabukas ang pinto. Laking gulat niya nang hindi nakalock ang pintuan.

Dahan-dahan niyang tinulak pabukas ang pinto at binalot siya ng kakaibang kaba sa buong pagkatao niya. Pumasok siya sa loob at para bang napakabigat ng pakiramdam niya sa naririnig.

She heard a girl's moan. A pleasurable moan. Lakas loob niyang tinungo ang sala at halos maubusan siya ng lakas sa nakita.

"C-clint..." Ubos ang lakas na bulong niya sa pangalan ng kasintahan. He's sitting at the sofa while the girl is in his lap giving him a lap dance. "Tarantado!"

Mabilis na tumayo si Clint dahilan para bumagsak ang babae sa sahig at mapaigik sa sakit. "S-sarine."

"Sarine, wake up." Napabalikwas siya ng bangon ng maramdaman ang pagyugyog sa balikat niya. Nakita niya si Clint na hawak ang magkabila niyang balikat habang puno ng pag-aalalang nakatingin sa kanya. "Are you okay? Bakit ka umiiyak habang tulog?"

Hinawakan niya ang pisngi at basa nga iyon tanda na umiyak nga siya. Tinuyo niya ang basang pisngi.

"Wala ito." Wika niya at umayos ng pagkakaupo sa kama ganoon rin ito. "Anong ginagawa mo rito?"

"Gusto lang kitang dalawin." Sagot nito at ngiti ng matamis. "Ang haba ng tulog mo. Its past lunch, you know?"

"Ang sarap kasing matulog." Aniya at ngumiti. Umalis siya sa kama at tinungo ang vanity mirror para magsuklay. "Nasaan sila mommy?"

"Umalis sila kani-kanina lang." Sagot nito. Komportable itong nahiga sa kanyang kama. "May pupuntahan lang daw sila sandali at babalik din agad."

Tumango-tango siya at tinungo ang banyo para maghilamos at mag-toothbrush. Habang nagto-toothbrush, biglang pumasok sa isip niya ang kanyang panaginip.

Anong ibig sabihin non? Does that dream really happened? Or was it just her mind's doing? Hindi rin kasi mawala sa isip niya ang sinasabi sa kanya ng mga kaibigan niya na kesyo niloko at sinaktan kuno siya ni Clint.

Passionate Night And DayWhere stories live. Discover now