Chapter 34

2.1K 60 1
                                    

Chapter 34

KANINA PA tulala sa kawalan si Sarine sa loob ng kwarto niya. Kanina niya pa naririnig ang pagtawag sa kanya ni Phia sa labas ng kwarto niya pero hindi niya iyon pinapansin.

Iisa lang ang nasa isip niya, ang nakita niya kagabi. Ramdam niya ang sakit na bumabalatay sa puso niya dahil don. She never thought Nash will do that to her.

Ang kinakatakutan niya sa isang relasyon ay nangyari na naman. Like other says, history repeats itself. At nangyari nga iyon sa kanya. Nagloko ang taong akala niya ay mahal siya.

Or its just what she thought?

"Sarine." Napatingin siya sa pinto ng kwarti niya nang bumukas iyon at nakita si Phia na may dalang tray na may lamang pagkain. "Hindi ka pa kumakain e, kaya dinalhan na kita."

"Phia." Tawag niya rito at isa-isang namalisbis ang luha niya. "Bakit niya g-ginawa yon?"

Binaba nito ang pagkain sa dulo ng higaan niya at tinabihan siya ng upo sa kama at sumandal rin sa headboard. Inakbayan siya nito.

Alam nito kung ano ang nangyari sa kanila ni Nash kagabi dahil ikinuwento niya iyon rito para kahit papaano ay may makakapitan siya.

"Hindi ko rin alam." Pag-amin nito sa kanya at hinagod ang likod niya. "Basta ang alam ko lang, everything happens for a reason. At alam kong may rason kung bakit niya hinalikan si Michelle. Kailangan mo lang pagkinggan ang paliwanag ni Nash."

"Pero ayoko siyang makausap o makita." Aniya na pigil ang luhang nagbabadyang tumulo. "Galit ako sa kanya. Galit na galit. Naniwala akong hindi niya ako lolokohin pero mali ako. Maling mali ako."

"Sarine, hindi natin alam kung ankng dahilan niya kung bakit niya iyon nagawa at masabi nating nagloko siya. Well, maybe ganoon iyon sa paningin natin. You need to know the reason behind that before you judge him." Wika nito at ramdam niya sa boses nito sinseridad. "Siguro nga ngayon galit ka sa kanya, bigyan mo lang muna ng panahon ang sarili mo para magcool down saka mo siya kausapin."

She sob. "Paano kung matagal pa para magcool down ako?"

"Then try your best to listen for his explanation." Sagot nito na para bang ganoon lang iyon kadaling gawin. "Hindi naman sa lahat ng pagkakataon e saya lang ang dapat mong maramdaman kapag nagmamahal. Kaakibat na ng salitang pagmamahal ang sakit. Kumbaga sa tao magkakambal yan sila. Walang taong nagmamahal na hindi nasasaktan."

Kakausapin na ba niya ngayon ang binata? Pero paano kung masaktan lang siya kapag nakita niya ito? Paano kung sa oras na magtanong siya isang masakit na sagot ang sabihin nito? Paano niya haharapin ang binata kung ang sarili niyang nararamdaman ay hindi niya maharap?

Isang mahabang katahimikan ang lumukob sa kanila bago iyon binasag ni Phia.

"Kumain ka na. Lalamig ang pagkain." Anito at tumayo saka kinuha ang pagkaing nasa tray saka iyon inabot sa kanya. "Kumain ka at matulog. Ako ng bahala sa mga kateam mates natin tutal wala naman tayong gagawing project ngayon sa kompanya."

"Kumain ka na ba?" Tanong niya rito habang inaayos ang pagkain.

"Katatapos ko lang." Sagot nito at ngumiti sa kanya. "Papasok ako ngayon kasi bawal umabsent. At ikaw naman," lumapit ito sa kanya at tinulungan siyang hawalan ang kutsara't tinidor, "kumain at magpahinga ka. On the way na si Hiden at Rylie. Si Xyrin kasi umalis na naman for her career. At si Katherine naman busy sa coffee shop niya. Babawi na lang daw sila sayo."

"Alam nila?" Tanong niya na ang tinutukoy ay ang nangyari sa kanila ni Nash.

Umiling ito. "Wala akong sinabi dahil gusto ko ikaw mismo ang magsabi sa kanila non."

Passionate Night And DayWhere stories live. Discover now