Chapter 21

2.8K 68 0
                                    

Chapter 21

IF NASH wasn't mistaken, Sarine said that they'll make the word 'forever' exist. Iyon na ba ang sign? Sign na paunti-unti na siyang nakakapasok sa puso ng dalaga?

Kung iyon na nga, he'll take that opportunity to take her heart and put it beside his. Hindi niya papalagpasin ang pagkakataon na ipinapakita ngayon ng dalaga.

"There you two are." Sabay silang napalingon ni Sarine sa pinanggalingan ng boses. Its Kien, and  Honey at his back. They're walking towards their direction. "Kanina pa namin kayo hinahanap."

"What's up, man." Aniya saka tumayo. Tinulungan niyang tumayo ang dalaga at sabay silang humarap kila Kien at Honey. "What are you doing here?"

"Well, we've been looking for you two." Sagot ni Kien saka namulsa. Si Honey naman ay walang imik. And he's not use to it. "Tara, punta tayo sa mini bar."

"Anong meron?" Tanong ni Sarine. Kien's attention is now at Sarine. "May occasion ba?"

"Nothing. We just want to have some fun." Sagot ni Kien at ngumiti sa dalaga. Jealousy eat his insides again. "So, sama kayo?"

"We'll come." Aniya saka inakbayan ang dalaga at pilit na ngumiti. "Right, Sarine?"

"Yeah." Sagot ng dalaga saka ngumiti. "Gusto ko rin naman magsaya e."

"Lets go then." Aniya saka pinagsiklop ang kamay nila ng dalaga. Napatingin ito dahil sa ginawa niya at nginitian niya lang ito. Inilapit niya ang mukha sa tenga ng dalaga saka bumulong. "Sakin ka lang tumingin. Huwag ka rin makikipag-usal sa iba maliban sakin, understand?"

Halata sa mukha ng dalaga ang pagkabigla kaya tango lang ang nagawa nito. Napangiti siya saka sumunod na kila Kien at Honey na naglalakad na patungong mini bar.

ALAM NI Sarine na bakas sa mukha niya kanina ang pagkabigla nang sabihin ni Nash na rito lang siya dapat tumingin at wala siyang ibang kakausapin maliban rito.

She can't believe that she heard that from Nash. Does it mean... she's getting into his system? Ayaw niyang umasa pero sa pinapakita ng binata ngayon sa kanya, kusang umaasa ang puso niya na sana...sana pareho sila ng nararamdaman.

Nabalik lang ang isip niya sa katinuan nang marinig niya ang maingay na musika. Hindi niya namalayan na nakapasok na pala sil sa loob ng mini bar.

Sinundan nila sila Kien at Honey na naglalakad patungo sa isang bakanteng lamesa na medyo malapit sa dancefloor. May mga taong nagsasayawan sa dancefloor at ang iba naman ay kumakanta.

"Lets sit here." Wika ni Honey at naunang umupo sa bakanteng upuan na malapit sa dancefloor. "Sasa, dito ka upo sa tabi ko."

"Sure." Ngumiti siya at umupo sa tabi nito. Sa kabilang gilid ni Honey ay katabi nito si Kien at sa kabilang gilid naman niya ay katabi niya si Nash na hindi maalis ang braso sa bewang niya. Inilapit niya ang mukha sa tenga ni Honey saka nagtanong. "Ayos ka lang ba?"

Nilingon siya nito at tumango. "Of course."

"Kanina ka pa tahimik e." Aniya at hindi kumbinsidong tumitig rito. "Hindi ako sanay na hindi ka maingay, alam mo yon? Sa tuwing nakikita kita hindi ka nauubusan ng mga sasabihin pero ngayon ang tahi-tahimik mo."

"I'm fine, Sasa." Anito saka ngumiti ng malapad sa kanya. "Wala lang talaga ako sa mood ngayon."

"Wala sa mood o baka may problema kayo ni Kien. Ano ba talaga sa dalawa?" Tanong niya at nanunuksong ngumiti rito. "Umamin ka na."

"Really?" Hindi ito makapaniwalang tumingin sa kanya at mahinang natawa. "Do you really thought that we're not on good terms?"

She shrugged. "That's what I'm seeing right now, Honey."

Passionate Night And DayWhere stories live. Discover now