Chapter 48

2K 64 7
                                    

Chapter 48

TATLONG ARAW ng hindi lumalabas ng silid niya si Nash at tatlong araw na rin siyang hindi iniiwan ng pinsan niya. Pati na rin ng mga kaibigan niya ay nagsipuntahan na dito sa penthouse niya.

Maya't maya ang katok ng mga ito sa silid niya pero ni isa wala siyang pinagbuksan. Lalabas siya ng silid niya para kumuha ng kaunting pagkain na hindi naman niya maubos-ubos kahit pa kakaunti na lang at para na rin kumuha ng alak.

Wala siyang pakialam kung amoy alak na ang buong silid niya at kung mukha na rin siyang gusgusin ngayon. He's broken. Wala siyang ibang magawa kundi ang lumaklak ng alak at magkulong sa silid niyang parang binagyo.

Bumalik sa reyalidad ang isip niya ng makarinig na naman siya ng katok sa labas ng silid niya.

"Hey, man, its me again." Boses iyon ni Tyler na kanina pa siya kinakatok. Hindi ba talaga 'to titigil? "Its already pass lunch so we're guessing that you can eat now, yeah?"

"Go to hell." Aniya. Malapit lang siya sa pinto ng silid niya kaya hindi na niya kailangang sumigaa para marinig iyon sa labas. "I'm not hungry."

"Siraulo ka ba, Nash?" Boses namn iyon ni Honey na bakas sa boses ang pagkainis. "Anong bumubusog sayo? Alak? Nash, buksan mo 'tong pinto at kumain ka na kundi ako mismo ang magbubukas ng pintong 'to sa ayaw o gusto mo."

"Honey, I said I'm not hungr." Walang buhay niyang wika at ininom ang hawak niyang whiskey. "Just leave me alone."

"We already leave you alone. Pero ngayon hindi na. Lumabas ka na riyan." Hindi talaga papaawat ang pinsan niya. Rinig niya sa boses nito ang pagiging matigas. "Lalabas ka o hindi?"

"As if." Bulong niya at isinandal ang ulo sa pader saka mulinh uminom ng alak.

Nakahinga siya ng maluwang nang wala na siyang ingay na naririnig. Pero agad din namang nalukot ang mukha niya ng makarinig siya ng ingay.

"Where the hell did you get that?!" Rinig niyang gulat na tanong ni Bryce. Alam niya ang boses na iyon.

"Put that down, Honey." Wika naman ng boses ni Kien.

"Move." Ani ni Honey.

Kunot ang nuong nakatitig siya sa pinto ng kanyang silid at naghihintay kung ano ang mangyayari.

Mabilis pa yata sa alas-kwatro ang pagtayo at pag-alis niya sa pwesto niya nang masira ang gitnang bahagi ng pinto niya. Nakita niya ang dulo ng isang palakol na naging sanhi ng pagkasira ng pinto niya.

"Shit." Mabilis siyang lumapit sa pinto at walang pag-dadalawang isip na binuksan ang pinto. Then he saw his cousin holding the axe while looking at him deadly. "What the fuck is wrong with you, Honey? You fucking broke my door."

"That's what I'm trying to do. Break your stupid door." Wika nito at inabot kay Temhor ang palakol. Malaki ang mga mata ng mga kaibigan niya habang nakatingin kay Honey. "Kung ayaw mong buksan ang pinto na yan, sisirain ko na lang."

"Where did you get that axe by the way?" Kunot ang nuong tanong niya rito. "Paano mo rin nabitbit yang palakol na yan e ang bigat bigat nyan."

"I get that in your storage room. Your stupid cousin gave that to you." Sagot nito na ang tinutukoy na pinsan ay ang pinsan niyang nasa abroad ngayon at siyang nagbigay ng palakol sa kanya noong kaarawan niya tatlong taon na ang nakakalipas. "Saka, hindi porket babae ako e hindi ko na kayang bitbitin yang palakol na yan. Hindi naman kasi ako ganoong kaarte. Kaya kung ako sayo kumain ka kundi sayo ko ipapalo yang palakol. Hindi ako nagbibiro."

Napasunod siya ng tingin sa pinsan niya habang bumababa ito ng hagdan. Hindi siya makapaniwalang nakaya nitong buhatin ang mabigat na palakol na iyon.

Passionate Night And DayWhere stories live. Discover now