Chapter 31

2.4K 67 3
                                    

Chapter 31

"SABAY TAYONG maglunch ha." Pangungulit ni Phia kay Sarine. "Kapag hindi tayo sabay kumain masasapak kita."

Mahina siyang natawa. "Oo na."

Nasa opisina siya ngayon at wala namang ibang ginagawa kundi ang basahin ang iba't ibang disenyo ng ipapatayong building para mapapirmahan sa boss nila at para maipasa na sa architect department.

"E baka iwan niyo kasi ako ni Nash e." Wika nito at umayos ng pagkakaupo sa swivel chair nito. Si Nash na ang bago nilang boss ngayon at natutuwa siya dahil madali lang palang turuan ang isang Nash Valozar pagdating sa usapang business. "Bakit kasi may date pa kayo ngayon? Hindi ba nagdinner naman kayo kagabi?"

"Nagdinner kami with his parents." Aniya habang tutol pa rin ang mga mata sa binabasa. "Tingin mo ba date ang tawag don ha?"

"Oo." Sagot nito. "Family date."

"Siraulo ka talaga." Natatawang aniya saka tumingin rito. "Bagay talaga kayo magsama nila Hiden at Kath. Sama niyo na rin si Xyrin kasi pare-pareho kayong baliw."

"Kasama ka rin naman don." Phia tsked. Humarap ito ng upo sa kanya. "Isa ka rin namang baliw. Kaya nga kami kinaibian mo e."

"Wala na kasi akong choice." Aniya at natawa ng pinukol siya nito ng masamang tingin. "Totoo naman e." Natatawang kinuha niya ang folder na binabasa niya at inabot rito. "Bigay mo nga yan kay boss sabihin mo pirma na lang kailangan kasi approve sakin ang design."

"Bakit ako?" Tanong nito habang tinitignan ang laman ng folder. "Dapat ikaw na lang. Tutal boyfriend mo naman yon."

"Kailangan kong mag-cr." Aniya at tumayo. "Bigay mo na yan sa kanya para maipasa na sa architect department."

"Oo na."

Naglakad siya patungo sa dereksyon ng banyo para na rin ayusin ang sarili at umihi.

BUSY SI Nash sa binabasa niyang mga records ng kompanya nila nang biglang may kumatok at bumukas ang pintuan. It was one of his good friend, Dieve Clifford. The owner of Clifford Port and Ford Luxury Cars.

Isa rin ito sa mga pinakamayamang bachelor sa asya. Ang problema lang rito ay ang mabilis mag-init ang ulo at pakikipagkarera ang stress reliever.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya nang makaupo sa visitor's chair. "Bakit wala ka sa opisina mo?"

"Answer number one, nandiro ako kasi trip ko lang kasi wala akong magawa." Sagot nito sa una niyang tanong. "Answer number two, i want to take a day off. Stress ako sa opisina. Ang daming may gustong kumuha ng bagong sasakyan na nagawa ng kompanya ko."

"Is it a car for racing?" Tanong niya rito. Iyon naman kasi ang pangunahing produkto ng kompanya nito. Gumawa ng mga sasakyan para sa pakikipagkarera. "Yon naman lagi ang mabenta sa kompanya mo."

"Ano pa nga ba." Wika nito at napabuga ng marahas na hininga. "And i came here to tell you something."

Kumunot ang nuo niya. "What is it?"

"Last night, may street racing na naganap. Syempre andon ako to relieve my stress." Pagkukwento nito at tango lang ang binibigay niya rito. "Before the race starts, may dumating na isang kotse. And hell, that car is fucking nice street racing car. Its a toyota supra MK IV. That car was in the movie called Fast and Furious."

"So? Ano namang meron sa sasakyan na yon?" Kunot nuong tanong. He don't get it. "Its was just a car, man."

"A most popular car on the street circuit." Wika nito. Dieve sighed. "That driving is insane."

Passionate Night And DayWhere stories live. Discover now