Prologue

5.7K 93 14
                                    

Prologue
Melchora’s POV

“What the heck is this?”iritadong saad ni Kim Laurel, isang batikang artista. Nilingon ko naman ang mukha niya, wala naman akong nakitang mali mula roon, binagay ko lang naman sa theme ng scene at pati na rin sa kanyang mukha.

“Ma’am, ibina—“bago ko pa maituloy ang sasabihin masamang tingin na ang ibinigay niya sa akin.

“Sumasagot ka pa? Kung hindi ka ba naman tangang nakialam?! Sabi ko heavy make up, hindi ba? Hindi mo ba naiintindihan ‘yon?”malakas na sigaw niya sa akin kaya narinig naman ng key make up artist na nasa labas. Kunot ang noo nito nang pumasok sa loob.

Agad akong napayuko dahil panoguradong sa akin niya rin ibubuntong ang lahat. Madalas din kasi akong pag-initan nito, maliban sa mas bata ako, mas maganda rin kasi. Joke.

“Sorry po, Ma’am Kim, pasensiya na po talaga.”sabi ni Jana, ang key make up artist. Napakuyom lang ang kamao ko, kahit gusto kong ipagtanggol ang sarili, hindi ko rin gagawin ‘yon dahil nandito na ako kailangan kong kumita ng pera. Sayang kung maaalis ako, tagal ko ring ipinanalangin ang mas malaking kita.

“Sa susunod huwag kayong magbigay sa akin ng incompetent na make up artist! Anong palagay niyo sa akin?”galit na galit na tanong nito. Gusto ko sanang sumabat ngunit para na akong malulusaw sa sobrang sama ng tingin nilang dalawa sa akin.

“Tatanga tanga ka nanaman, saka bakit ba napakapakialarema mo? Pasikat ka nanaman.”may panggigil pa sa tinig nito habang mahigpit akong hinawakan para ilabas ng tent.

“Sorry po, Ms. Jana, nagmamadali po kasi si Direct, abala po ang ib—“hindi rin ako nito pinatapos magpaliwanag kaya napangiwi na lang ako.

“Ang sabihin mo, ginamit mo nanaman ang oportunidad para makilala ka! Huwag mo kaming pinagmumukhang tanga.”sabi niya na umirap pa. Hindi ko alam kung anong problema nito sa akin. Nailing na lang ako at naupo sa isang gilid dahil iniwan niya na ako roon.

“Gagang drakula talaga ‘yan, ang daming satsat, inggit lang naman talaga sa’yo dahil mas magaling ka sa kanyang mag-isip ng theme sa make up!”sabi ni Ava.

“Ate V talaga kahit kailan.”sabi niya pa kaya napatawa na lang ako.

“Hayaan mo na, Bonifacio.”sabi ko kaya agad niya akong nginiwian. Sobrang layo kasi ng pangalan nito sa dati. Napatawa naman ako. Hindi naman pupwedeng dibdibin ko ang mga narinig mula kay Jana, aba, sarili ko lang ang mahihirapan kung ganoon.

“Tangina mo talaga, Melchora,”pabulong na saad niya at sinamaan pa ako ng tingin. Napatawa naman akp dahil pikon talaga ito ngunit napangiwi rin nang mapagtanto ang tinawag niya sa akin. It’s just that people intend to find our name funny dahil hindi normal para sa kanila. Ayaw ng unique. Tsk.

“Alam mo, bukod sa pangit at pakialamera ka, hindi ka pa ganoon kagaling magmake up!”sigaw niya sa akin kaya napahagalpak ako ng tawa, ayaw na ayaw niya kasi talagang tinatawag siya sa pangalang ‘yon.

“Sus, alam ko namang hangang hanga ka talaga sa akin.”nakangisi kong sambit sa kanya kaya umirap siya. Kumuha lang ako ng tubig bago nag-inat inat. Pag-iinitan ako ni Drakula pero ayos lang, kailangan kong kumita ng pera at kailangan ko rin ng experience. Hindi ako pwedeng tumunganga lang.

“Chora! Tawag ka raw sa may vip tent!”tawag ni Melly sa akin. Napatango naman ako

“Zsa Zsa Padilla, gora na me, Girl.”kumaway na rin ako kay Ava na siyang ngumigi lang din pabalik.

Napabuntong hininga ako, ramdam ko na agad ang malakas na tibok ng puso lalo na kilala ko kung sino ang makikita roon. Well, make up assistant lang naman ako, siguradong hindi naman ako ang mangingialam ng mukha nito.

Tumaas ang kilay ni Jana nang makita ako, siya kasi ang nakaassign talaga rito sa vip tent kaya lang ay nagtutungo rin sa iba para silipin kung anong mga ganap. Iniwas ko na lang ang tingin, aba’t sabi ko na nga ba ako nanaman ang pag-iinitan nito.

“Sir Atlas said na ikaw daw ang gusto niyang maglagay ng kaunting make up sa kanya.”sabi ni Jana. Halos manginig naman ako sa narinig. Shit. What the hell?

“Masaya ka na? Nabilog mo nanaman utak,”may panggigil pa sa tinig nito bago lumabas kasama ang ilang make up artist. Hindi ko na naisip pa ang inis nito sa akim dahil ang iniisip ko na lang ay kung paano ako makakasurvive lalo na mukhang umalis pa lahat. Ramdam ko ang lakas ng tibok ng puso habang papalapit dito.

“Good morning, Sir, I’ll start na po.”sambit ko dahil nakita ko siyang nakapikit lang sa tabi. Sinubukan ko namang maging propesiyonal bago ko kinuha ang ilang make up na nasa harap niya. Madali lang naman dahil hindi naman kailangan ng makapal.

Tinignan ko naman ang repleksiyon niya sa salamin, nagmulagat na ‘to ng mga mata at tumango lang, para naman ng manghihina ang tuhod ko roon bago ako nagsimulang ayusan ‘to. Nanatili lang ang matinding katahimikan dahil dalawa lang naman kaming nandito sa loob.

“Pikit.”mahinang saad ko. Nagkatitigan pa kami bago niya ginawa. Nang matapos ay nagpatuloy lang ako hanggang sa makarating sa labi nitong mapula pa rin hanggang ngayon. Dumampi ang gamit na lip balm dito, parang gusto ko na lang maging lip balm sa next life ko oh.

“Soft pa rin, mukhang yummy pa rin.”hindi ko na namalayan pa ang bunubulong sa sarili kaya halos hampasin ko ‘to nang makita ang pagngunot ng noo no Atlas at madilim na mga matang nasa akin ang tingin.

Pupwede bang magpalamon na lang sa lupa?

Mask It With A SmileWhere stories live. Discover now