Chapter 4

1.1K 45 1
                                    

Chapter 4
Melchora’s POV

“Mima, sorry na po…”nakanguso kong saad habang nakayakap kay Mima Joan. .

“Gaga ka, paano kung hindi lang ‘yon ang ginawa ni Michelle doon? Paano kung napatay niya, edi napasama ka pa!”galit na sambit ni Mima Joan sa akin, hindi ko naman mapigilang mapanguso saka ko lang din naisip ‘yon nang sa guidance counselor na kami at hinatawan ng suspension kaya naman sandamakmak na sermon ako ngayon dahil galit na galit ang magulang no’ng boyfriend ni Michelle at Liana.

Ako pa nga ang sinisi ng Mama ni Liana dahil magbestfriend daw sila, hindi ata alam na anaconda naman ang anak.

“Bakit kasi napakasawsawera mong bata ka?”tanong sa akin ni Mima Joan.

“Sorry na po, Mima… naalala ko lang naman po kayo nina Mima Lena lalo na nang sabihin ni Michelle na niloko siya no’ng boyfriend niya.”sabi ko at napanguso pa. Napatitig naman sa akin si Mima Joan dahil do’n.

“Nagloko? Aba’t sanay pinutulan niyo na ng ari!”sabi naman ni Mima Lena na kanina lang ay nakikisulsol pa kay Mima Joan.

“Oo nga naman, sana’y hinipit mo muna ang balls bago mo pinutol para hindi na mukhang ulol na hindi makuntento sa isa.”sabi naman ni Mima Sunny na mukhang pinaparinggan si Mima Joan. Napatikhim naman ako roon at napatawa pa nang mahina ngunit pinagtaasan naman ako ng kilay ng mga Mima ko.

“Aba’t may gana pang tunawa, Joan, oh.”sumbong ni Mima Lena kaya napatikhim ako at nagseryoso pa kunwari.

“Mima, sorry na po, promise magpapakatino na ako kapag katapos ng 3 days suspension ko.”sabi ko kay Mima. Nginiwian niya naman ako at sinamaan ng tingin.

“Ayaw mo ba ‘yon? Tutulong din ako rito sa salon!”ani ko pa.

“Kahit hindi ka tumulong, Melchora, ang gusto ko lang naman ay makapagtapos ka. Umpisa pa lang ay nakipag-away ka na.”aniya na masama ang loob sa akin.

“Sorry na po, Mima…”nakanguso kong saad at niyakap pa siya muli.

Nang matapos ang matinding sermon, naglinis na ako ng katawan bago ako nahiga sa may kama ko. Napatingin naman ako sa phone ko at tinawagan si Michelle.

“Mich! Pasensiya na ahh.”sambit ko nang sumagot siya.

“Huh? Bakit? Ako ‘tong gumupit ng buhok no’n, inabot mo lang ang gunting, desisyon ko ‘yon.”natatawa niyang saad sa akin.

“Kumusta? Nasermonan ka ba?”tanong ko.

“Oo, grounded ako. Pati phone wala pero hindi nila alam na mayroon pang isa.”napatawa naman ako roon. Mautak din talaga ang isang ‘to.

“Ako ang dapat na magsorry, sorry talaga, Cho!”aniya kaya napangiti na lang ako. Bukod sa maganda kasi ‘tong si Michelle, mabait pa.

“Oks lang ‘yon, ano ka ba? Sige na, pahinga na us, good night, Mich!”nakangiti kong saad bago pinatay ang tawag.

Mabilis naman akong nadala ng antok dahil sa tagal din ng sermon kanina.

Tatlong araw din akong tumulong sa salon, minsan ay dumadating si Indigo para bisitahin ako.

“Ano? Wala ka man lang dalang pagkain? Ang barat mo naman.”sabi ko sa kanya kaya inirapan niya ako.

“Tigilan mo ako diyan, loads, wala na akong pera.”aniya pa kaya nailing na lang ako sa kanya. Isang game lang kami rito, napagalitan pa ni Mima Joan dahil parehas kaming maingay, napapatingin sa amin ang tao rito sa salon.

“Goods! Nice game, buhat na buhat nanaman kita.”natatawa kong saad sa kanya. Nginiwian niya naman ako dahil sa tinuran at napairap na lang sa akin, natawa naman ako dahil do’n.

Mask It With A SmileWhere stories live. Discover now