Chapter 38

927 34 1
                                    

Chapter 38
Melchora’s POV

“Balita ko’y nandoon nanaman sa salon niyo, huh?”natatawang tanong sa akin ni Indigo mula sa kabilang linya. Kahit kailan talaga ay alam niya ang ganap, paano’y mayroon siyang mga kaibigan dito sa salon, mga make up artist ng mga artista na kasama niya sa set. Syempre, dakilang friendly ‘yang si Indigo e.

“Alam mo basta chismis ay nangunguna ka talaga.”ani ko sa kanya mula sa kabilang niyan. Dinig ko naman ang tawa niya mula roon. Nakakadalaw naman sa akin si Indigo sa may probinsiya namin. Hindi naman tago kung saan ako nakatira. Ngayon ko lang ulit siya nakausp dahil parehas kaming naging abala na rin sa buhay.

Nagtatrabaho na siya bilang producer, maliliit pa lang ang mga project niya pero talagang sinusubaybayan na rin ng iba dahil maganda naman ang lahat ng movies kapag siya ang producer. Maraming nagoffer sa kanya dahil cum laude noong grumaduate. Nagagawa niya pang makipagbiruan kahit ang totoo’y isa pa ‘tong broken hearted. Iniwan kasi.

“Inom tayo, Cho, hindi mo pa ako binibisita.”aniya sa akin kaya napairap ako. Hindi naman ako umiinom noon pa, sayang. Ilang cosmetic na rin ang mabibili sa ilang boteng alak.

“Ulol mo, niyan na, libre mo na lang ako kapag nagkita tayo.”ani ko mula sa kabilang linya.

“Ikaw dapat manlibre, baka CB na kayo ng ex mo soon.”sambit niya nang natatawa kaya hindi ko maiwasang mangiwi. Ang lakas talagang mang-asar ng hinayupak na ‘to.

“Bye na, wala kang kwentang kausap, libre ko soon.”saad ko bago siya pinatayan ng tawag. Dinig ko naman ang halakhak niya. Nailing na lang ako nang ilapag ko ang phone ko.

Akala ko’y tuluyan na talaga akong sisisisantehin sa trabaho dahil sa sinabi ni Jana ngunit laking pasasalamat ko rin nang hindi pumayag si Ms. Lea. Halos maglupasay ako sa tuwa dahil do’n.

Nagsimula naman na akong magsuklay ng buhok at maglagay ng kolorete sa mukha. Nang matapos ay malapad ang naging ngiti ko habang nakatingin sa salamin. Sinuot ko rin ang sapatos na bigay ni Melly, binagay sa suot kong damit. Nang matapos ay naglakad ako patungo sa flower shop malapit dito sa apartment ko. Wala akong pasok ngayon kaya balak kong magtungo sa puntod ni Mima Joan. Gusto kong manatili roon ngayon.

Sumakay naman na ako sa jeep na napara ko. Nang makarating sa sementeryo kung saan nakalibing si Mima, agad akong ngumiti at inilagay ang bulaklak sa kanyang puntod.

“Hi, Mhie, kumusta po riyan? Mainit ba?”natatawa kong pagbibiro.

“Joke lang, Mhie, baka bigla mo akong multuhin, huh? Sobrang miss na po kita!”masigla kong saad bago naupo sa tabi ng puntod niya.

“Alam mo ba, Mhie, ang daming nangyari sa buhay ko, sana nandito ka para naman napanood mo kung gaano katatag ang unica hija mo.”nakangiti kong saad.

“Once na naging successful ako, sana pinapanood mo ako.”nakangiti kong saad sa kaniya. Ang dami ko lang pinagkukwento sa kanya. Pakiramdam ko nga’y naririndi na ‘to sa dami kong pinagsasabi but knowing Mima? She’s always been a good listener, lahat ng kinukwento ko, interesado siya kahit pa mga wala naman talagang kwentang bagay.

Nagmake up pa ako sa tapat ng puntod niya. Gusto ko lang maipakita ang improvement ko for the past few years. Sana nga’y nagimprove talaga ako.

“Paano ba ‘yan, Mhie? Tirik na tirik na ang araw, sayang naman ang ganda ko kung magpapasunog ako. Hindi na rin po ako magtatagal. I miss you and I love you so much!”nakangiti kong saad at tumayo na nang matapos akong mag-ayos.

Nang makaalis ako roon ay nagtungo na ako sa may supermarket para bumili ng mga stock ko sa bahay. Kaunti lang ang pinamili ko dahil mag-isa lang naman ako sa apartment.

Nang makarating sa apartment ay nakita ko si Atlas na mukhang naghihintay doon. Hindi ko alam kung sino nanaman ang nagsabing day off ko o ano.

“Napadaan lang.”aniya na iniabot pa sa akin ang paperbag na may foods. Aba’t akala niya ata’y bati na kami, tinanggap ko pa rin naman ‘yon bago siya tinalikuran.

Pumasok na ako sa loob, umalis naman na rin siya, may mask at cap pa na suot. Hindi ko na siya inalok pang pumasok dito dahil hindi naman din kami ayos. Hindi rin naman siya nagtagal, sinilip ko lang siya ng makaalis.

Natulog lang ako buong maghapon sa araw na ‘yon, kinabukasan ay maaga akong pumasok sa trabaho. Agad namang nakipagchikahan sa akin ang mga kaibigan.

“Nandiyan ulit si Atlas, Sis.”ani Ava na halos hampasin ako. Hindi na kasi ako ipinapunta pa sa shooting sa movie nina Atlas dahil nga sa nangyari noong nakaraan. Huminto kasi sila sa pagshushoot para hanapin ako, akala’y naligaw na o ‘di naman kaya’y nalunod na sa dagat.

Hindi na rin ako sinama pa ni Jana, hindi naman nagpumilit si Ms. Lea na ipasama ako dahil ang sabi niya’y sobrang natakot daw si Jana.

“Girl, alam ko na ang chismis kung bakit galit na galit si Jana noong araw na ‘yon.”bulong sa akin nina Ava. Napakunot naman ang noo ko dahil do’n.

“Bakit?”pang-uusisa ko dahil kuryoso rin talaga kung bakit.

“’Yong kapatid niya pala kasi parang ikaw din, mahilig makisalamuha sa kapwa at maingay tapos talented din pero nalunod daw noong nakaraang taon. Si Jana ang pinakanagsisisi.”aniya sa akin. Napaawang naman ang labi ko roon. Tinignan ko pa si Ava na parang hindi naniniwala, baka mamaya’y tinotokis nanaman kasi ako ng isang ‘to.

“Totoo nga, gaga.”sambit niya pa sa akin. Magsasalita pa lang sana ako nang dumaan sa gawi namin si Atlas.

“Ava, drinks.”ani Atlas na iniabot ang isang cup ng coffee kaya Ava. Nilingon niya naman ako at inabutan ng mas malaking drinks.

“Sa’yo na, hindi ko gusto ang flavor.”sambit ko na suplada lang na iniabot ‘yon sa kaniya. It’s revenge time, lodicakes. Nilagpasan ko lang siya, ramdam ko naman ang titig niya sa akin na hindi ko rin naman pinansin.

Simula noong mangyari ‘yong sa batangas at hindi na ako nagpupunta sa set, siya naman ang madalas dito upang magpaayos. Araw-araw, walang palya siyang nagdadala ng makakain o ‘di naman kaya’y mga inumin, madalas niyang bigyan ang mga kasamahan ko sa trabaho.

“Chora, vip room.”sabi ni Ms. Lea sa akin. Nandoon si Atlas ngayon sigurado ako. Isa ako sa assistant ni Ms. Lea kaya nagsimula naman na akong lagay ang base sa make up niya. Ramdam ko naman ang titig ng kanyang mga mata ngunit hindi ko pinansin. Nanatili lang ako sa ginagawa. Hindi naman na ako ganoon kainis at medyo nasasanay naman na rin sa presensiya nito.

Ilang beses siyang nagtangkang magsorry ngunit madalas na hindi ko pinapansin dahil iritado pa ako sa kaniya noong una ngunit ngayong hindi naman ako nasisante sa trabaho, medyo naging maayos naman ang pakikitungo ko sa kaniya. Saka medyo ayos na rin ako. Madali ko lang naman kasing makalimutan ‘yon kapag natapos ko ng ilabas. Ganoon naman talaga ako madalas.

Umalis na rin siya nang matapos siyang ayusan sa salon, nagtungo na sa shoot niya ngayong araw. Naging abala naman ako sa trabaho ko. Marami ring naging customer ang salon. Napanguso ako nang maglunch ay may paperbag na iniabot sa amin ni Ava, siya lang ang nandito ngayon. Ang pumalit sa akin si Juls. Siya ang nasa shoot. Kita ko agad na galing kay Atlas ang pagkain. Aba’t daig pa niya ang nangangampanya sa araw araw niyang pagbibigay ng makakain sa amin.

“Girl, ang sarap mong maging kaibigan.”natatawang saad ni Ava kaya napairap ako sa kanya. Hindi ko alam kung dahil ba may kasalanan siya o ano. Ano naman ang ibang dahilan, Cho, maliban doon? Huwag kang assuming, Chora.

Naging abala naman na muli kami nang matapos kumain hanggang sa tuluyan nang maggabi. Palabas na ako ng salon nang makita ko si Atlas na siyang nasa tapat, kausap niya si Manong guard, kahit pa nakasalamin, sombrero at mask ito, alam ko na agad na siya ‘yon. Kabisado ko na halos ang lahat dito.

Lalagpasan ko na sana siya dahil hindi naman ako sigurado kung sinong ipinunta niya rito at hindi rin naman kami close kaya lang ay agad na siyang nakalapit sa akin.

“Cho.”tawag niya kaya pinagtaasan ko siya ng kilay.

“Ano?”tanong ko na pinagtaasan siya ng kilay.

“Hatid na kita.”aniya.

“Huwag na, marami namang jeep dito.”ani ko at pumara pa ng jeep na dadaan. Sumakay naman na ako roon. Nagulat ako nang maski si Atlas ay sumakay din. Ni hindi ko pa agad nasabi kung nasaan ako dahil sa kaniya na nakasiksik pa sa akin. Nagtatago sa mga tao. Ewan ko ba sa isang ‘to, sasakay sakay sa jeep, alam naman niyang artista siya.

“Ma’am, hindi po madadaan do’n.”ani Manong nang sambitin ko kung saan ako. Nanlaki naman ang mga mata ko dahil do’n. Kung minamalas ka nga naman, maling jeep pa pala ang nasakyan ko dahil sa pagmamadali.

“Para na po.”ani ko. Medyo malayo na sa sakayan patungo sa uuwian ko. Napabuntong hininga naman ako nang bumaba. Wala naman akong nagawa kung hindi hilain si Atlas dahil mukhang may nakakamukha na sa kaniya.

“Bakit kasi sasakay sakay ka, alam mo namang artista ka, ngayon ay natatakot ka.”sermon ko sa kaniya.

“Nakakahiya lang.”aniya kaya agad akong napasimangot sa kaniyang tinuran.

“Aba’t sinabi ko bang sumunod ka sa akin?Wala naman akong sinabing dikitan mo ako ahh! Tapos ngayon mahihiya kang kasama ako.”ani ko kaya agad kumunot ang kaniyang noo.

“That’s not what I mean… nakakahiya lang dahil mukha akong holdaper, if you just saw the kid’s face, halos ipagsiksikan niya ang sarili sa ina para lang hindi madikit sa akin.”nakanguso niyang saad. Hindi ko naman napigil pa ang tawa dahil sa sinabi nito. Hindi ko ‘yon napansin.

“Before we go home, let’s buy some street foods.”anyaya niya sa akin.

“You looking like that? Sure ka?”tanong ko na pinagtaasan siya ng kilay. Well, mukha pa rin siyang modelo kahit na anong gawin kaya lang ay mas lalo siyang pagkakaguluhan dahil balot na balot.

“Hindi kaya mabulag ka riyan? Ang dilim dilim.”ani ko dahil nakashade siya para itago ang sarili. Napasimangot naman siya roon. Napangisi na lang naman ako habang nakatingin sa kanya.

“Ako na. Diyan ka na.”ani ko sa kaniya at tinuro lang ang madilim na parte. Bumili lang ako ng ilang isaw at street food. Matagal ko lang ‘yong hinintay hanggang sa matapos. Bumalik na rin naman ako sa gawi ni Atlas.

“Sa bahay na natin kainin kung wala kang gagawin.”ani ko kaya bahagya siyang nagulat. Well, hindi ko pa kasi siya pinapasok doon. Kung sakaling sa kalsada naman kami kakain ay mukhang delikado. Baka mamaya’y maissue pa siya. Sayang naman ang kaniyang career.

Nang makarating kami sa bahay ay nagmamasid lang siya sa paligid. Nang makapasok ay nililibot niya lang ang paningin.

“Wala kang gaanong makikita riyan, maliit lang ang apartment ko.”sambit ko sa kanya. Hindi naman siya nagreklamo roon.

“Upo ka riyan. Wala pa akong perang pambili ng ilang furnitures.”sambit ko sa kaniya at nagtungo na sa kusina. Diretso lang naman ‘yon kaya kitang kita pa rin niya ako mula sa sala.

Nang maayos ko na ang pagkain. Bumalik na ako sa gawi niya at nilapag sa tapat namin ang mga pagkain.

“When did you start living here?”tanong niya sa akin.

“Last month ata.”ani ko habang sinasawsaw ang isaw sa sauce.

“Are you hearing weird noises here?”tanong niya sa akin kaya natawa ako.

“Oo, mahilig ‘yong kapitbahay ko e.”sambit ko. Kumunot naman ang noo niya sa akin dahil do’n.

“Huh?”naguguluhang tanong niya. Napatawa naman ako dahil do’n.

“Hulaan mo.”sambit ko kaya mas lalo lang siyang sumimangot.

“I’m serious here, Chora.”seryosong saad niya sa akin.

“Mahilig sa sex ‘yong kapitbahay ko, rinig na rinig ungol dito.”natatawa kong saad kaya halos pasukan na ng mansanas ang kanyang bibig.

“How about other things?”tanong niya sa akin.

“Maliban doon, wala naman na, bakit?”tanong ko sa kaniya. Hindi naman niya sinagot ‘yon. Nagpatuloy lang kami sa pagkukwentuhan habang kumakain.

“Bati na ba tayo, Cho?”tanong niya sa akin. Hindi ko naman mapigil ang ngiti ko dahil do’n. I just can’t help but to remember good old days, noong mga panahong nag-aaway kami ngunit ang ending ay magbabati rin.

Mask It With A SmileWhere stories live. Discover now