Chapter 23

800 37 3
                                    

Chapter 23
Melchora’s POV

“You know what, when I was young I was always envious sa mga batang kaedaran ko.”pagkukwento ko habang pinapanood ang batang babae. Napatingin naman sa akin si Atlas. Hindi talaga ako pupwedeng manood ng movies na hindi nagdadaldal kaya ayaw na ayaw akong kasama ni Indigo e.

“Bakit?”tanong ni Atlas na nakikinig sa akin ngayon.

“Nakakainggit lang kapag nakikita ko silang inaayusan ng buhok ng magulang nila.”ani ko at ngumiti.

“Hindi ko kasi naranasan ‘yon sa tunay na magulang ko.”sambit ko at napanguso. Kita ko naman ang paninitig niya sa akin.

“Maniniwala ka ba kung sasabihin kong mahiyain ako noong bata?”tanong ko sa kanya. Umiling naman siya kaya nagtawanan kaming dalawa dahil do’n.

“Kahit na may sariling salon sina Mima, hindi ako nagsasabi na gusto ko ring magpaayos ng buhok, ganito ganyan.”natatawa kong saad.

“Natuto lang din na magsabi noong nagtagal na ako sa kanila.”sambit ko pa. Napangiti naman siya sa akin dahil do’n. Nanahimik na rim naman ako kalaunan dahil maganda na ang scene.

“That was good!”hindi ko mapigilang sambitin kay Atlas at malapad pa ang naging ngiti nang matapos ang movie. Lumabas naman na kami ng sinehan at ito na lang talaga ang bukas dito. Napatingin pa sa amin ang ilang staff at maski ang ilang tao dahil hanggang ngayon ay nakagown pa rin ako, para kaming tumakas sa prom although tumakas naman talaga.

“Kinakabahan ka na ba?”natatawa kong saad kay Atlas dahil kanina lang ay sinasabi niyang baka tuluyan na siyang kitilan ng mga Mima ko.

“No, I already text them earlier na tumakas tayo sa prom.”aniya kaya napanguso ako. Ako pala dapat ang maghanda, traydor ‘tong si Atlas.

Katulad nga ng inaasahan namin, kitang kita sina Mima na siyang nag-aabang sa tapat ng bahay. Napakagat naman ako sa aking labi nang lumabas kami ni Atlas s knyang kotse.

“Umuwi ka na, Atlas.”ani Mima kay Atlas na siyang humihingi ng tawad. Ayaw niya pa sana ngunit pinagtatabuyan na siya nina Mima. Ang ending tuloy ay parehas kaming nasermonan sa kakulitan.

Well, hindi ko naman pinagsisihan dahil bukod sa kami na ni Atlas ngayon, talagang nalibang pa ako sa panonood sa sinehan. That was the highlight of my 12th grade although everyday with him is really good. Noong graduation naman, sobrang dami rin naming memories together, nagtungo kami sa elyu after that. Gora lang naman ang mga Mima ko basta si Atlas ang nagpapaalam, paano’y updated sila 24/7

“Hindi ba pwedeng huwag na?”tanong ko kay Atlas. Nasa bahay nila ngayon ang Papa at kapatid niya dahil vacation. Hindi ko naman maiwasang kabahan dahil this will also the first time na ipakikilala niya ako sa Mama niya. Ilang beses niya akong niyayaya ngunit lagi kong tinatanggian dahil naiisip ko pa lang ay parang gusto ko ng takbuhan. Nakakatakot kaya ang Mama niya!

“Hindi nangangain ang pamilya ko, Love.”natatawa niyang sambit sa akin tila ba nababasa ang ekspresiyon ng mukha ko. Noong sabihin niya sa akin ‘to noon, pumayag ako para sabi ko kako, minsanan ang kaba ngunit mas mahirap pala.

“Let’s go.”aniya pa ngunit parang ayaw ko pang tumayo. Natawa naman siya sa akin dahil do’n. Aba’t madali lang akong makipag-usap sa ibang tao ngunit pakiramdam ko’y hindi ko kakayanin pagdating dito sa pamilya ni Atlas. I take extra effort sa make up at buhok ko. Maski sa suot na damit.

Nang makarating kami sa Villa Garcia, hinawakan ni Atlas ang kamay ko.

“Paano kaag hindi nila ako nagustuhan?”hindi ko mapigilang sambitin.

“Believe me, they will.”aniya naman.

“Paano nga kung hindi?”tanong ko muli.

“Ano naman kung hindi? Gusto naman kita.”aniya kaya umirap na lang ako sa kanya. Nagpatuloy naman kami sa paglalakad patungo sa loob nila. May mga bumati pa sa amin. Kinawayan ko pa si Manang nang makita ko siya. Ngumiti naman siya sa akin dahil do’n. Bahala na kung magugustuhan ako ng mga ito, atleast gusto ako ng mga katulong nila sa bahay.

“My, Dy, Madel, this is my girlfriend, Chora.”pagpapakilala ni Atlas nang makarating kami sa hapag kainan nila.

“Good morning po.”bati ko sa mga tao sa hapag. Kita ko ang pagtaas ng kilay ni Georgiana sa akin, ganoon din ang isang babaeng sa palagay ko’y mas bata lang ng ilang taon.

“Good morning din, Hija.”ang Daddy niya ang bumati sa akin. Pakiramdam ko’y manginginig na ako sa kaba rito.

Pinaupo naman na kami rito, malamig ang naging trato ng Mommy at kapatid niya sa akin. Ang Daddy niya lang ang maganda ang trato. Pakiramdam ko nga’y nasa bingit ako ng isang talon na isang pagkakamali lang ay hindi pupwede. I remember feeling this way in that house.

“What’s your surname again, Hija?”tanong ng Mommy nito.

“My, stop asking question like that.”ani Atlas na nakasimangot sa Mommy niya.

“Why? I’m just asking? Anong masama roon, Anak.”natatawa at malambing ang tono ng Mommy nito sa kanya.

“Benavidez po.”ani ko.

“That’s why you’re familiar, nakikita kita sa 3 M’s Salon.”aniya sa akin.

“What’s your relationship with Maricel Benavidez Saurez?”tanong ng Papa niya. Napatikhim naman ako sa tanong nito.

“She’s my mom.”tipid kong saad, parang hindi naman breakfast ang ipinunta ko rito. Natigil naman sila sa naging sagot ko. Naibaba ni Georgiana ang hawak na tinidor at napatitig sa akin. Ang kapatid niya naman ay lalong nagtaas ang kilay. Si Atlas ay medyo gulat din dahil hindi ko kailanman nasabi.

“Are you joking? Isa lang ang anak ni Maricel Suarez, huwag kang magmafeeling.”natatawangbsaad ng kapatid niya.

“Madel, watch your mouth.”ani Atlas dito kaya naman napasimangot ang kapatid niya at napatikom ang bibig tila ba pinal ang sinabi ni Atlas.

Ang mag-asawa naman ay mukhang hindi pa rin makapaniwala hanggang ngayon, mukhang may alam na hindi alam ng dalawang magkapatid. I thought Atlas knew dahil ang sabi nila’y alam ng halos lahat ng estudyante na anak ako ng rapist. Hindi ko rin naman nakasama ang Papa ko sa kahit saan kaya hindi ako apektado kung tawagin siya ng kung ano ano. Deserve niya naman.

Natahimik na kami dahil doon, kung malamig na ang trato ng Mommy ni Atlas sa akin kanina, mas lalo pang lumamig ngayon. Hindi ko pa maiwasang mapakagat sa aking labi kapag napapatingin siya sa akin at nakikitaan ko ng disgusto ang mukha. Mas lalo lang akong hindi nakapagsalita at parang gusto ko na lang umalis doon. Mabuti na lang ay napansin din ni Atlas na gustong gusto ko ng umalis kaya nang matapos kaming magpahinga sandali ay nagpaalam na ito sa parents niya na aalis na kami. 

“I’m sorry, hindi na sana kita pinilit sumama.”ani Atlas nang nasa kotse niya na kami. Umiling naman ako sa kanya at tipid na ngumiti. Hindi naman niya ako kinulit dahil mukhang napansin ang pagiging tahimik ko.

“Anak ako ng rapist…”pabulong na saad ko, binasag ang katahimikang namamagitan sa aming dalawa. Inihinto niya naman ang sasakyan sa gilid at nilingon ako. Bahagya siyang nagulat, mukhang wala nga talaga siyang alam tungkol do’n.

“My Mom got rape by her driver 3 fucking times. My father is fucking disgusting.”hindi ko mapigilang sambitin.

“That’s why Mama hate me so much na ipinamigay niya ako kay Tito.”ani ko na natatawa siya.

“She hates me to the point that she want me gone, that she looks at me with disgust in her eyes.”sambit ko.

“Hindi ko siya masisisi dahil talaga nga namang nakakatangina ang ginagawa sa kanya ng Papa ko but you know what? Naisip ko lang kada makikita ang mga mata niya noon na sana pinalaglag niya na lang ako, edi sana hindi na siya nahihirapan pa sa tuwing nakikita niya ako,”saad ko pa at ngumiti sa kanya ngunit ang lungkot sa mga mata’y hindi ko magawang itago. Lalo na’t hindi ko pa maiwasang maalala ang mga pangyayari noong bata ako. Doon kasi ako nakatira sa bahay ng parents niya nakatira, sa bahay nina Mima bago siya itakwil ng Papa niya. After what happened Mama got married, she tried to forget everything pero sa tuwing nakikita niya ako’y hindi niya mapigilang maalala ang lahat. Bawat kilos na gagawin ko’y kaiangan tama, kailangan walang mintis, kailangan perpekto.

“It was sophisticating, para kang naglalakad sa isang lugar na anytime ay pupwede kang mamatay.”ani ko pa.

“But I was living fine now, don’t worry.”sambit ko dahil nakatingin lang siya sa akin tila ba nag-aalala. Niyakap niya ako ng mahigpit kaya hindi ko mapigilang isipin that I did well grasping in that thin hope.

“I thought I know everything about you but now, sobrang dami ko pa palang hindi alam tungkol sa’yo.”pabulong niyang saad.

That ended our day na hindi ko akalaing isa sa mga bagay na hindi ko magawang ikwento sa kahit na kanino’y nagawa kong ikwento sa kanya.

“Chora, boyfriend mo nasa labas.”ani Mima kaya napatango ako at naglakad na palabas ng kwarto. Magkasabay kaming mag-eenroll ngayon. I decided to take what I like dahil din sa kanya. He said that I can make my Mom proud after I make myself gatified. Well, that’s kinda tempting dahil naghihintay na lang naman ako ng sign para kunin talaga ang kursong gusto ko.

“Let’s go!”sambit ko. Parehas pa rin kami ng school na papasukan ngunit hindi kami parehas ng kurso, business naman ang kanya.

“Let’s eat first.”aniya kaya tumango ako. Kumain lang kami sandali sa isang resto bago kami nagtungo na para sunduin ang mga kaibigan. Kasabay na kasi sina Bren at Carver na mag-eenroll. Nagtungo naman na kaminsa bahay nina Carver. Nakita ko naman agad si Bella, medyo matatag din ang dalawa dahil hanggang ngayon ay naglalandian pa rin. Ang ingay lalo ng sasakyan nang dumating si Bren na panay ang reklamo dahil fifth wheel daw siya.

“Sinama pala sana natin si Bette para hindi nagrereklamo ‘yan si Bren.”natatawa kong biro kaya napatikhim naman si Bren at natahimik. Hindi naman namin naiwasan ang pagtawa dahil alam na alam kung paano patatahimik ‘tomg si Bren, patay na patay ba naman kasi kay Bette.

Nang makarating kami sa school ay naghiwalay na rin muna kami ni Atlas.

“Sorry, Miss.”sambit ng isang lalaki nang mabangga niya ako. Nginitian ko lang naman siya.

“Ayos lang no.”ani ko at nagpatuloy na sa paglalakad.

Medyo mahaba ang pila kaya matagal tagal din akong nakatayo para makapag-enroll. Feeling ko rin ay haggardo na ako sa tagal kong narito.

“Love, tubig.”ani Atlas at iniabot pa sa akin ang tubig. Nagpasalamat naman ako sa kanya, pansin ko naman ang tingin ng mga estudyante sa amin, napangisi ako roon. Well, pwede ko ng ipagmayabang na akin ‘to. Akin lang. Hindi naman nakakasawang maghintay dahil kasama ko naman sila Atlas. Naglibotvna rin kami nang matapos para hindi magkandaligaw ligaw sa first day.

“Cho, saan ka na?”tanong ni Atlas sa akin mula sa kabilang linya. Hindi kami nagsabay ngayon dahil kinukulit siya nina Carver. Ayos lang naman sa akin dahil hindi naman kami pupwedeng magsama na lang palagi, saka para maaral ko rin kung paano magcommute dito. Kaklase niya sa ilang subject sina Bren at Carver. Sina Bella at Bette ay nasa ibang school na, parehas kasing magpaflight attendant. Si Indigo naman ay nasa UPFI na, talagang tinuloy na ang balak na maging producer.

Ngayon ang start ng klase at hindi ko maiwasang manibago dahil walang uniform dito sa Sea University. Pakiramdam ko rin ay ang mamature na ng mga tao.

“I’m already here sa cafeteria, ikaw?”tanong ko sa kanya.

“Boyfriend mo, Chora?”tanong nang naging kaklase ko sa isang subject, well, nakakabagot na walang kakwentuhan kaya nakipagchismisan na ako.

“Oo.”nakangiti naman akong tumango.

“Infairness, papi.”nakangising saad ni Hannah at napatingin pa kay Atlas na siyang palinga linga rito, lumapad naman ang ngiti niya nang makita ako.

“Hi, sorry, medyo matagal matapos, ang daming rules.”reklamo niya kaya napatawa naman ako roon. I’m kinda excited to see how we handle things now. I’m ready to spend another chapter of my life with him.

Mask It With A SmileWhere stories live. Discover now