Chapter 44

858 27 0
                                    

Chapter 44
Melchora’s POV

Nakailang tawag si Atlas noong gabing ‘yon ngunit hindi ko sinasagot. Naiinis ako sa sarili dahil desididong desidido akong tapusin ang namamagitan sa aming dalawa nang hindi tinatanong ang side niya. Well, walang cheater na sasabihin hindi siya nagloloko.

Nakita kong tumatawag nanaman siya ngayon, napabuntong hininga ako nang sagutin ko ang tawag niya. Siguro nga wala talaga akong tiwala dahil hindi naman sobrang ikli ng dalawang taon, kahit paano’y matututunan mong mahalin ‘yong taong nandiyan sa tabi mo araw araw lalo na’t maganda si Ginly, hindi imposible iyon.

“What’s wrong?”tanong niya agad.

“Tapusin na natin kung ano mang namamagitan sa ating dalawa, Atlas. Hindi ko gustong makipaglandian pa sa’yo.”ani ko sa kaniya.

“Landian lang sa tingin mo ang namamagitan sa ating dalawa?”tanong niya.

“Let’s talk about it. Pag-uwi ko. Stop saying things like this.”iritado niyang saad sa akin. Siya pa ang may ganang mairita, huh? Napaira na lang ako at pinatayan siya ng tawag. Siya ‘tong tawag ng tawag.

Lutang lang din naman ako nang nasa salon. Ilang beses akong napagalitan ni Ms. Lea.

“Girl, wala ka sa wisyo. Nag-away kayo ni Atlas?”tanong sa akin ni Ava nang makita niyang masiyado akong lutang. Nagkibit naman ako ng balikat dahil do’n kaya tila alam niya naman na ang sagot sa tanong.

“Hays, you know I don’t want you to think about it pero ang daming beses na pupwede niyang ideny ‘yon pero hindi niya ginawa.”ani Ava sa akin. Napatango naman ako, sang-ayon din sa sinasabi niya. Maraming beses silang naissue pero hindi miya dinedeny ‘yon. Hinahayaan niya lang na ‘yon ang isipin ng mga tao.

“Basta, Girl, bahala ka na. Suportado kita, huwag lang mananapak ng ibang tao.”aniya sa akin. Ngumiti naman ako at kinawayan na siya. Napatingin naman ako sa phone ko nang makitang may tumatawag. Akala ko si Atlas ngunit alam ko namang nasa party ito ngayon.

“Girl! Where ka?!”dinig ko agad ang tinig ni Bella mula sa kabilang linya.

“Sa salon, te, pauwi na.”ani ko naman sa kaniya mula sa kabilang linya.

“Dadaanan ka namin, diyan ka lang!”aniya sa akin kaya bahagya naman akong nagulat. Maya-maya lang ay nakita ko na silang dalawa ni Bette na siyang nakasuot pa ng mga party dress at heavy ang kani-kanilang make up.

“Sis, I miss you so much! Ang tagal mong hindi nagparamdam sa amin! Akala ko’y patay ma na!”aniya sa akin na niyakap pa ako ng mahigpit. Hindi ko naman maiwasang matawa sa tinuran nito. Ang oa talaga nitong si Bette.

“Anong ginagawa niyo rito? Paano niyo nalaman na dito ako?”tanong ko pa sa kanila.

“Girl, Bella kaya ‘to.”sabi ni Bella kaya napatawa ako sa kaniyang tinuran.

“Let’s go to bar today, Sis!”aniya oa sa akin. Napanguso naman ako.

“Girl, tignan niyo nga suot ko. Magmumukha akong basahan kung tatabi ako sainyo ngayon.”nakanguso kong saad.

“Sis, kaya nga kami nandito. Fairy god mother.”napatawa naman kami sa tinuran ni Bette. Pinasakay na nila ako sa loob ng kotse at dinala pa sa condo ni Bella, nag-ayos lang din naman ako. Tinaas ko naman ang mahabang buhok at nagsimula ng magmake up. Pati ang kina Bella ay inayos ko.

“Sis! Ikaw na talaga! Namiss ko ‘yong pag-aayos mo sa amin noong senior high tayo, ang room natin noon ay parang salon.”natatawa pang saad ni Bette nang matapos kami.

“Ang pretty niyo!”sambit ko at inayos pa ng bahagya ang buhok nila.

“Sis, we know.”

Kumuha pa kaming tatlo ng litrato. Ang dami naming kinuha saka lang nila napagpasiyahan na lumabas na.

“Ang daya daya mo kasi, ang sabi mo’y pupunta ka sa party ko tapos biglang nasa london na!”ani Bella habang nagmamaneho patungo sa bar.

“Huwag ka nga, wala ka rin naman sa party mo dahil naghaharutan lang naman kayo ni Carver sa kwarto mo. Malandi ka.”natatawang saad ni Bette kaya agad nanliit ang mga mata ko, malapad pang ngumisi sa kaniya para mang-asar.

“So, kailan ang comeback?”natatawa kong tanong.

“Gaga, walang ganoon. Ikaw nga ‘tong may england pa kasama ang ex.”aniya sa akin. Napagpasiyahan na lang naman na tumingin kay Bette para siya ang asarin.

“Ulol niyo, may boyfriend ako, gagi.”natatawa niyang saad, ang isang ‘to ang talagang nakamove on na dahil inlove na inlove sa boyfriend niya. Friends na lang talaga sila ni Bren.

“Sana all may kasamang nagtatravel kasi.”natatawa kong saad dahil flight attendant siya habang ganoon din ang boyfriend niya. Goals nga silang dalawa e.

“Hello, Carvs? Yup, papunta na kami.”sambit ko sa kaniya mukhang sa kabilang linya. Napatingin naman ako sa phone ko nang makitang tumatawag si Atlas. Pinatay ko lang ang phone ko at nilagay sa bag. Napatingin naman sa akin sina Bette na nanliliit ang mga mata sa akin. Nagkibit lang naman ako ng balikat doon.

Maya-maya lang ay nakarating din kami agad sa may loob.

“Cho! Aba’t sa wakas ay umalis ka rin sa lungga mo, huh?!”agad akong sinalubong ni Indigo na siyang patalon talon pa nang lumapit sa akin. Kinutusan ko naman siya dahil dito. Mukha lang ‘tong masaya pero alam ko agad ang pinagdadaanan niya.

“Alam kong hindi ka ayos kaya naman huwag ka ng magmaang-maangan diyan.”sambit ko sa kaniya. Inirapan niya naman ako dahil do’n.

Binati ko naman ang ilang mga kaibigan namin, sina Carver, si Thomas at maski si Bren ay nandito.

“Grabe, ngayon ka lang ulit nagparamdam, Cho!”ani Bren sa akin.

“Hoy, wala ba kayong mga trabaho, huh?”tanong ko sa kanila dahil laging nag-aayang mag-inuman ang mga ito.

“Mayroon pero syempre, iwas stress, lagi kayang galit boss ko.”sabi ni Bren na ngumiwi pa.

“Kumusta ka na, Cho? Mas lalo kang gumanda.”ani Thomas sa akin kaya pinaningkitan ko siya ng mga mata.

“Ehe, Chora lang ‘to, Sis, Baka mamaya’y crush mo pa rin ako, huh?”natatawa kong biro sa kaniya.

“Hoy, gagi, ang tagal na no’n!”natatawa niya ring saad. Nilibang ko na lang ang sarili sa pakikipagkwentuhan sa kanila. Hindi naman ako gaanong uminom dahil hindi ko gusto ang lasa ang alak.

“Uyy, Atlas!”nanlaki naman ang mga mata ko nang mapatingin kay Carver nang kumaway siya sa likod ko ngunit nawala rin ang mini kaba ko nang mapagtanto na bakit naman mapupunta rito si Atlas gayong abala siya sa party nila ngayon.

“Tapos na party niyo?”tanong pa ni Indigo at ngumisi pa sa akin dahil alam niyang hindi ako naniniwala.

“Ulol.”I murmured. Mas lalo naman lumapad ang ngisi niya sa akin.

“Hindi ako dumalo, I have some business here.”halos maestatwa ako sa kinauupuan ko nang marinig ko ang tinig mula sa likod ko. Alam na alam ko agad kung kanino ‘yon.

Nagawa niya pang maupo sa tabi ko habang hindi ko naman siya nililingon. Natahimik naman ako habang ang mga kasama’y patuloy sa pag-iingay. Nagawa pang mang-asar nina Carver ngunit nang mapansing parehas kaming tahimik ni Atlas ay paminsan minsan na lang nila kami kinakausap. Nagawa ko pang sumimsim sa iniinom dahil para akong matutuyuan ng laway ngayong nandito na siya. Lahat ng gusto kong isumbat sa kaniya ay hindi ko magawang sambitin ngayon dahil tahimik siya habang nakatingin sa akin.

Hindi niya ako hinila o ano, pinanood niya lang akong nakikipag-usap sa mga kaibigan ngunit kitang kita ko ang talim mula sa kaniyang mga tingin. Maya-maya lang ay may kaniya kaniyang mundo na ang mga kaibigan. Si Carver at Bella ay naglalampungan na sa isang gilid. Si Indigo ay umiiyak na sa isang tabi habang si Bette ay kausap na ang boyfriend niya. Si Bren at Thomas ay nasa may dance floor na at naghahanap ng chix.

Wala pa ring ni isang nagsasalita sa amin ni Atlas, hindi rin naman siya uminom. Ako naman ay hindi rin lasing dahil pasimsim simsim lang ako.

“Girl, nandito na boyfriend ko, aalis na ako!”paalam ni Bette na namumula na. Lumapit naman sa kaniya ang boyfriend niya at bumati pa sa amin. Tumango naman ako at nagpaalam na sa kaniya.

“Bella, let’s go home now.”sambit ko kay Bella na humahagikhik pa habang malapad ang ngiti sa akin. Parehas silang dalawa ni Carver na lasing na.

“Let’s take them home.”ani Atlas na siyang nasa gilid ko. Matagal ko naman siyang tinignan bago ako tumango dahil hindi ko naman sila kayang dalhin lahat. Pati si Indigo ay hila hila ko rin na dinala sa kotse ni Atlas, sina Thomas at Bren mukhang kung kanino na sumama.

Para kaming nagexercise ni Atlas dahil ang bibigat ng mga ito. Napabuntong hininga pa ako nang makasakay sa front seat. Inuna naming ihatid si Bella, pilit pang nagpapaiwan do’n si Carver ngunit sa kabila lang naman ang condo niya kaya hindi na namin sila hinayaan pa.

“Tangina…”bulalas ko nang makitang nagsusuka na sa kotse ang iniwanan naming si Indigo. Nagkatinginan naman kami ni Atlas at parehas pang napangiwi habang nakatingin dito.

“Kadiri ka talaga, Indigo!”hindi ko mapigil na sermonan ‘to. Halos itulak na namin siya paalis. Para rin tuloy akong masusuka dahil sa hinayupak na ‘to. Nang maihatid namin siya sa kotse niya’y parehas na kaming natahimik ni Atlas habang pauwi sa aming mga bahay. May tinawagan pa siya nang makarating kaminsa eskinita. Mukhang ipaalinis ang kaniyang kotse. Hinayaan ko naman siya roon, dire-diretso na ako sa pagtungo sa bahay ngunit bago pa ako tuluyang makapasok sa apartment ay nahawakan niya na ang palapulsuhan ko.

“Let’s talk, Cho.”seryoso ang mga mata nitong habang nakatingin sa akin.

“Wala na tayong dapat pang pag-usapan kung ano man ang sinabi ko sa text ‘yon na ‘yon.”ani ko.

“Bitiw. Inaantok na ako.”seryoso kong sambit ngunit hindi niya pa rin ako binibitawan.

“Walang matutulog hangga’t walang nag-uusap, Melchora.”ang mga mata niya’y matatalim.

“Kausapin mo sarili mo. Tanong mo na rin kung anong mali.”sambit ko na iwinaksi pa ang kaniyang kamay bago ako dire-diretsong pumasok ngunit naharang niya na gamit ang kaniyang katawan.

“Tell me what’s the problem, Cho, ayos naman tayo bago ako umalis.”nagsusumamo ang mga mata nito habang nakatingin sa akin.

“Inaantok na ako.”seryoso kong saad kahit na ang totoo gusto ko lang naman talagang takasan na makipag-usap dito.

“Saka bakit ka ba nandito? Akala ko ba’y may business ka pa sa kung saan?”tinulak ko pa siya palabas ng pinto. Noong una’y nagmamatigas pa ito ngunit nagpatulak din naman kalaunan.

“Paano ko malalaman kung wala kang sasabihin, Cho?”seryoso niyang saad. Gusto kong magtanong ngunit pinili ko na lang manahimik at pagtulakan siya.

Dire-diretso na rin akong pumasok sa kwarto ko ng matapos. Kahit ang ipinalusot ko’y inaantok na ako, hindi naman ako makatulog nang mahiga na. Pakiramdam ko’y hindi ko magagawang kunin ang antok.

Nagising naman ako kinaumagahan na may Atlas na siyang nag-aabang sa may pinto. Hindi ko alam kung nakatulog ba ‘to o ano. May narecieve din akong chat mula kay Kuya Franco na hinahanap si Atlas. Mukhang tumakas nga lang siya sa party nila kagabi.

“May trabaho ka pa. Pumasok ka muna.”sambit ko.

“Hindi ako magtatrabaho.”seryoso niya ring saad.

“Bahala ka, hindi naman ako ang mawawalan.”sambit ko na lalagpasan na sana siya kaya lang ay hindi ko rin natiis.

“Pumasok ka. Mag-uusap tayo. Mamaya.”saad ko sa kaniya. Tumayo naman siya dahil do’n.

“Ihahatid muna kita.”hindi na ako nakipagtalo pa dahil baka makita pa kami ng mga kapitbahay dito.

Inihatid niya lang ako sa may salon. Ni hindi ko siya pinansin nang batiin niya ako ng kung ano.

“Sino ‘yon, Cho?”tanong ni Aaron na siyang naghihintay dito sa salon. Nagkibit lamang ako ng balikat kaya napasunod pa ng tingin si Aaron doon.

“Cho… it’s my birthday today.”ani Aaron sa akin. Napaawang naman ang labi ko dahil sa dami kong iniisip ay nakalimutan ko na.

“Happy birthday, Aaron.”sabi ko na ngumiti sa kaniya.

“Can you celebrate with me later?”nakangiti niya pang tanong sa akin. Tumango lang naman ako sa kaniya.

Masiyado nanaman akong pinangungunahan ng takot at nagdedesisyon nanaman sa sarili kong paraan.

Mask It With A SmileWhere stories live. Discover now