Chapter 27

787 32 1
                                    

Chapter 27


Melchora's POV



"Cho, boyfriend mo."ani Hannah at nginuso pa si Atlas na kasama sina Carver, Madel, Bren at si Ginly. Kita ko kung paanong magkatabing naglalakad si Atlas at Ginly. Iniwas ko na lang ang tingin ko na wari'y walang nakita.



"Cho, talagang hahayaan mo na lang 'yang boyfriend mong makipagharutan diyan?"tanong sa akin ni Juls. Hindi naman ako nagsalita.



"'Yang boyfriend mo, isa ring tanga tanga e, porket ata kamukha mo si Ginly ay hahayaan niya na ang sariling humarot."ani Zea. Umiling naman ako sa kanila.



"Isa ring tanga 'yang si Cho, hinahayaan naman!"ani Hannah. Napatikhim naman ako sa kanila at hinila na lang sila paalis sa coffee shop para hindi ako makita nina Atlas.



Hindi ko alam kung bakit pero talagang natatameme ako pagdating kay Ginly, siguro'y dahil magkaibang magkaiba kami, sopitilada at classy kahit na hindi niya pa subukan, samantalang ako'y balahula.



"Bobo mo, Cho, ako ang naiinis sa'yo."ani Juls sa akin na para bang gusto na akong sabunutan. Napatawa naman ako ng mahina roon at bahay na lang na napailing. Maski ako'y naiinis din sa sarili. Wala namang nagbago kay Atlas, kung anong trato niya sa akin, ganoon pa rin hanggang ngayon. Hindi ko rin naman siya nakikitang humahawak o kahit na ano kay Ginly.



Siguro'y apektado lang ako dahil kapatid ko ito, gusto siya ng Mama niya para sa kanya, at gusto sila ng madla para sa isa't isa. Parehas kasing nasa business department at hindi rin naman maitatanggi na maganda ito. Idagdag mo pa na parehas sikat dahil anak ng mga kilalang tao.



"Ganda mo, Cho, huwag kang tanga."ani Zea sa akin kaya inirapan ko silang tatlo.



"Ayy, ewan! Tigilan niya ako, tara na."sambit ko.



"Wow, parang ikaw pa 'tong kabit kung makatago."ani Hannah nang makapasok kami sa loob ng classroom.



"It's not like that... mukha namang walang namamagitan sa kanila. Hindi rin naman ako tanga para hindi makita na wala lang ang paraan ng pagtingin ni Atlas kumpara sa kung paano niya ako tignan."sambit ko.



"'Yon naman pala, confident naman pala si bakla kaya ganern."natatawang saad ni Juls na inirapan ko lang. I can't say na confident ako gayong para akong tumitiklop kapag nakikita ko ng si Ginly pa ang kasama niya.



"Kita mo ba tweet no'n noong nakaraan, Girl?"tanong sa akin ni Zea, umiling naman ako.



"Kaya pala shiniship sila sa twitter dahil nagpapahiwatig si Gaga. Sino ang matapang na halaparot?"tanong ni Hannah.



"Edi si Ginly Suarez."natatawa namang sagot ni Juls.



"Hoy, grabe kayo, wala lang 'yon, friend lang family nila kaya ganoon."sambit ko naman na napailing pa ngunit mas lalo lang napatingin sa akin ang mga kaibigan..



"Girl, huwag kang tanga, ako nasstress sa love life mo."ani Juls kaya nailing na lang ako at napatawa. Maya-maya ay dumating din ang prof namin kaya huminto na rin sila kakakwento ng kung ano ano patungkol kay Ginly. Hindi ko naman siya kailanman nakasama kaya hindi talaga ako sigurado kung anong ugaling meron siya kahit na kapatid ko pa. Baka nga hindi rin ako tinuturing na kapatid no'n. Hindi naman kasi nila ako kailanman pinakilala sa kanya.



"Si Cho po, Ma'am!"anila kaya nagising lang ako sa malalim kong iniisip.



"Huh? Hala, wala po akong ginagawa!"madrama ko pang sambit na napatayo. Nagtawanan naman ang mga blockmates ko roon kaya napairap ako, sa totoo niyan ay ilan lang kaming magkaklase rito kaya halos lahat kami'y nagkakasundo rin naman.

Mask It With A Smileजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें