Chapter 13

888 35 0
                                    

Chapter 13
Melchora’s POV

Lalapit pa sana ang ilang kaklase ko sa takot na may gagawin akong masama rito kay May ngunit hinarang sila ni Atlas.

“Let her.”aniya kaya naman huminto ang mga ‘to. Pinakalma ko naman ang yamot na yamot na sarili.

“Chora, what are you doing?!”sigaw nila ng punitin ko ang damit nito sa bandang taas. Takot na takot ang mga ito na hindi ko naman pinansin, masamang tingin ang binigay ko kay May nang mukhang balak niya pang umangal ngunit sa takot ay nanatiling tahimik.

Sinimulan ko namang ayusin ang mukha nito. She’s supposed to be a innocent young lady lost in the forest, now, she’s still an innocent young lady but more on a warrior look, well, sa kwento naman kasi’y anak siya ng isang warrior na naligaw sa forest kaya hindi mababago ang kwento sa make up na ginagawa ko.

Kahit paano’y binasa ko rin talaga ang buong script para alam ko kung anong theme ang gagawin sa mga make up ng mga ito. Hindi lang naman kasi basta basta, and if ever something like this came up, alam kong solusiyonan dahil alam ko ang buong kwento, hindi lang basta nakikinig kung hindi inaanalyze ng mabuti ang bawat character. I kinda enjoy doing it, minsan kasi’y nakakamanghang magmake up ng mga character na isasabuhay ng iba.

Nang matapos ay napainat ako, sakto rin sa oras. Nang mapatingin ako sa mga kaklase ko’y manghang mangha silang nakatingin sa akin. Tipid lang akong ngumiti bago ako lumabas dahil kanina ko pa gustong magpahangin sa iritasiyon na nadadama.

“Cho,”tawag sa akin nina Bette.

“Pahangin lang ako sandali.”ani ko at tipid na ngumiti sa kanila. Minsan ayaw kong ipakitang malungkot ako dahil kilala nila ako bilang isang masayahin na Chora, bilang isang Chora’ng nakangiti lang madalas. Isa pa’y natatakot ako ba baka kapag nakita nila ang Chora’ng mahina, baka ayawan nila ako. I don’t want that to happen.

Niyakap ako nang malamig na hangin nang lumabas ko ng gym. Walang emosyon akong napatitig sa kalangitan. Nanatili lang akong ganoon nang makita ko si Atlas na siyang nasa labas na rin. Bahagya naman akong nagulat sa presensiya nito.

“Uyy, hi!”nakangiti kong saad. Hindi gustong makita ng kahit na sino na mukha akong tangang nageemo rito sa labas.

“Magsstart na ang play, pasok na tayo!”nakangiti ko pang sambit at hinila siya.

“You did well…”aniya. Sapat na ‘yon para pagaanin ang frustration na nararamdaman ko kanina pa.

“Salamat…”now, it’s a geniune smile.

“You didn’t really ruin it, right?”tanong niya pa sa akin. Nawala naman ang ngiti ko rito dahil pakiramdam ko’y hindi siya nagtitiwala sa akin.

“I already said that I didn’t, nasa saiyo na lang kung paniniwalaan mo o hindi.”natatawa kong saad kahit wala namang nakakatawa. Nauna na akong pumasok dahil baka makipag-away pa ako rito na pagsisisihan ko rin naman kapag nakauwi na.

“Anong nangyari, Cho?”tanong ni Indigo na siyang nandito sa stage kanina kaya hindi makapasok sa backstage, kinakausap din kaai ng mga teacher.

“Wala, ayos na. Don’t worry about it.”ani ko na napakibit ng balikat. Naupo naman na ako sa bakanteng upuan sa sulok para panoorin ang mga nagpeperform sa stage. Maya-maya lang ay section na namin ang tinawag. Tahimik lang akong nakaupo roon habang pinapanood sila. They are really good, tipid na lang din akong napangiti nang mapatingin kay Atlas na siyang seryoso lang din sa ginagawang pag-arte.

Maya-maya lang ay tinanghal na panalo ang team namin, pinakilala nila ang buong crew, kita ko ang paglinga linga nila ng tawagin ang pangalan ko bilang lead ng make up artist ng grupo. Parang pagod na pagod naman ako kaya hindi na sana gusto pang lumapit doon ngunit ang guro ko na ang tumawag sa akin. Napabuntong hininga na lang ako bago malapad ang ngiting lumapit sa kanila. Kita ko ang pagtitig ni Atlas nang lagpasan ko siya. Ngumiti lang ako sa kanya na parang wala lang ang nangyari kanina.

“The make up is superb, lalo na ang make up nitong si Ms. May! Ang galing ng team niyo, Ms. Benavidez.”nakangiting saad no’ng host na grade 12.

“Nako, galing pong mag-isip ni Chora, Kuya, siya ang nag-ayos ng lahat ng ‘yan!”nakangiting saan ni Bette. Bahagya naman akong nahiya dahil nasa akin ang atensiyon ng mga ‘to. Aba’t hindi ba dapat ay sa mga artist ang tingin? Mabuti na lang ay si Indigo na rin ang kinausap kalaunan.

Nang matapos ‘yon ay pinapunta kami sa backstage lahat, mukhang nabalitaan ng mga guro ang nangyari kaya kauusapin kami ng mga adviser.

“What happened earlier?”tanong ng adviser ng kabilang section. Wala namang isang sumagot doon. Tahimik lang ang lahat.

“Ms. Benavidez, ikaw ang sinasabing may kagagawan ayon sa source ko.”bahagya naman akong natawa roon kaya lahat sila’y kunot noong nakatingin sa akin.

“Ang source niyo po ba’y si May?”tanong ko naman kaya agad umalma ang isa.

“What are you talking about?! Bintangera ka!”aniya kaya napangisi ako nang lingunin siya.

“How does it feel na pinagbibintangan ka sa bagay na hindi mo naman ginawa?”tanong ko na pinagtaasan siya ng kilay.

“I didn’t even touch anything in that room, maliban na lang sa make up at ilang gamit ko.”seryoso ang tinig ng sambitin ‘yon, hindi rin ako ngumingiti o ano.

“Ikaw lang ang naiwan sa kwarto roon!”aniya kaya ngumisi naman ako.

“And? May ebidensiya ka ba?”tanong ko naman na pinagtaasan siya ng kilay.

“Isang offense na lang ay maari ka nanaman masuspend, Ms. Benavidez!”anang adviser nila.

“Mawalang galang na po but you’re free to suspend me if you ever find evidence na ako nga po talaga ang sumira ng damit niya.”seryoso kong sambit.

“Alright, we will investigate about it. You know what will happen kung sakaling mapatunayan kung sino ang gumawa no’n.”anang guro nina Atlas. Huminto naman na sila sa usapang ‘yon at cinogratulate na nila ang klase. Tahimik naman na ako sa gilid. Walang ganang makipag-usap sa kahit na sino ngunit naging malapad ang ngiti ni Bella sa akin at niyakap pa ako.

“Thank you, Cho… you save our play!”anila sa akin. Hindi ko naman mapigilang mapanguso para pigilan ang ngiti dahil sa mga ito.

“Ang galing talaga, Cho!”sambit pa ni Bren na yumakap din kaya pinitik ko ang noo niya ng natatawa.

Sa totoo lang mababaw lang ang kaligayaha. kaya mabilis lang magbago ang mood, hindi ko alam but I don’t really like it kapag mag-isa lang ako, ang dami kasing pumapasok sa isipan ko kaya mas masayang naprepreoccupied kapag kasama ang mga kaibigan.

“Dahil diyan, manlilibre si Indigo.”natatawa naming sigawan na para bang walang nangyari kanina lang. Napatawa naman siya sa amin at agad na umiling.

“Fine, let’s go to Let’s Karaoke.”aniya kaya malapad ang naging ngisi namin. Madalang pa sa madalang kung manlibre ang isang ‘to kaya naman tuwang tuwa kami ng pumayag siya. Kasama rin namin sina Atlas nang lumabas na kami ng school. Nasa kotse naman ako ni Indigi kasama sina Bella. Nalibang naman akong makipagkwentuhan sa kanila.

Nang makarating kami sa Let’s Karaoke. Tuluyan ko ng winala sa isipan ko ang nangyari kanina, masaya naman ako lalo na nang magtungo na kami sa loob.

“Ang ganda talaga ng concept mo, Cho, hangang hanga pa rin ako hanggang ngayon.”ito nanaman ang pamumuri ni Bette.

“Ako lang ‘to, si Chora lang ‘to.”natatawa kong biro kaya napailing siya sa akin. Maya-maya lang ay nagsimula na silang magsikantahan. Malapad lang naman ang ngiti ko habang nakatingin sa kanila.

“Ang galing mong umarte kanina,”nakangiti kong sambit kay Atlas na siyang katabi ko ngayon, wala namang magagawa ang pagtatampo ko rito dahil hindi rin naman niya ako susuyuin.

“Thanks…”aniya kaya napangiti na lang din ako. Napansin ko naman ang pagtitig niya sa akin kaya pinagtaasan ko siya ng kilay.

“Ano? Crush mo na ba ako? Tayo na ba?”natatawa kong biro sa kanya. Nailing naman siya sa akin do’n at tumayo na dahil siya na ang kakanta sa karaoke.

The first time that I saw you
I remembered every word you said
Now you're stuck like a melody playing over in my head
That I don't want to forget

Natawa naman ako nang maghiyawan ang mga kasama namin nang magumpisa siyang kumanta.
'Cause you're my song
My sweet home Alabama
I can sing you all night long
You're my red red wine
Learning to fly
'Cause you're my song
You're my song
His eyes remain on mine, kung hindi ko lang alam na madalas itong iritado sa presensiya ko’y baka isipin ko pang may gusto siya sa akin. Ang feeling talaga, Chora. That was the highlight of my night, kahit na pa medyo badtrip ako sa nangyari kanina’y naging maayos naman din ang takbo ng gabi ko dahil kay Atlas.

“Chora, hindi ka pa ba babangon diyan?”tanong ni Mima sa akin kinabukasan.

“Mima, mamaya na po.”ani ko at pumikit pa muli dahil antok na antok na talaga.

“Bahala ka, sale pa naman ngayon.”aniya kaya agad akong napabangon. Bakit ko nga ba nakalimutang sale nga pala ngayon?

Napatakbo naman ako sa labas ng kwarto ko. Napatawa naman sina Mima sa akin dahil do’n. Kung hindi ko pa nabanggit, ang kasam namin sa bahay ay sina Mima Sunny at Mima Lena dahil malayo ang mga probinsiya nila rito, nagpapadala lang sila ng pera sa pamilya.

“Aba, nakarinig lang ng sale ay nkabangon na agad ang gaga.”natatawang sambit ni Mima Lena.

“Mima! Hintayin niyo po ako!”sambit ko na bumalik sa kwarto para maligo. Matagal pa naman akong kumilos dahil nagmemake up pa at nag-aayos ng buhok. Hindi naman nainip ang mga Mima ko dahil ganoon din ang ginagawa nila sa labas, kanya-kanya rin silang ayos doon.

Maraming sale na product ngayon sa G cosmetics kaya naman talagang magmadali kami. Well, ako lang pala dahil ang dami nilang binilin sa akin, may gagawin pa kasi sila sa salon. Wala namang kaso sa akin dahil pupunta rin naman talaga ako roon at ayos na ayos lang dahil paniguradong malilibang akong maghanap ng mga product doon. Inahatid naman nila ako.

“Gora, Anak, keri mo ‘yan, sayo ang tiwala namin.”sabi pa ni Mima Sunny kaya hindi ko alam kung matatawa ba ako roon o ano.

Nailing na lang ako at kumaway sa kanila, nang makapasok sa loob ng mall, medyo maraming tao lalong lalo na sa G cosmetic. Naglakad naman na ako patungo roon. Naging abala lang ako sa pagtingin tingin ng mga product at paglalagay sa basket ko. Nagawa ko pang manood sa nagtetest nitong mga product.

“Gusto mong subukan, Ma’am?”tanong no’ng sales lady dahil kanina pa ako nanonood sa pagmemake up niya. Marunong naman ito at may alam din sa pagmemake up, gustong gusto ko talagang pinapanood ang mga ito. Umiling lang ako at ngumiting nagpatuloy na sa pamimili. Medyo marami rin ang wala sa listahan dahil ang dami ko ring nakakaagawan, mabuti na lang ay maaga akong nagpunta kung hindi ay paniguradong wala akong maiuuwi dahil ang bilis maubos.

“Hays, finally!”saad ko sa sarili nang sa wakas ay makawala ako sa kumpulan ng tao roon. Napngiti pa ako habang tinitignan ang ilang paperbag na dala ko. Marami rami rin ito, mas marami pa ata ang binili ko para kina Mima kaysa para sa akin. Well, hindi ko naman gustong bilhin ang mga hindi ko rin magagamit.

Palabas na sana ako ng mall nang matigilan. Napakunot ang noo ko nang makita si Atlas at May na magkasama. Tapos na ang play, huh? Bakit magkasama pa rin sila? Sila ba? O nagdedate ba sila? Nakangiti pa si Atlas habang kausap ito. Para silang magjowang dalawa, kaunti na lang ay ikawit na ni May ang kamay kay Atlas. Aba’t huwag lang magreklamo, sa ka ring maharot diyan, Chora.

“Let’s watch some movies!”nakangiting saad ni May, sa hindi ko malamang dahilan ay napatago pa ako sa kumpulan ng taong dumadaan. What the heck are you planning to do, Melchora?

Mask It With A SmileWhere stories live. Discover now