Chapter 40

1K 38 2
                                    

Chapter 40
Melchora’s POV

Patawa tawa pa ako habang patwitter twitter nang may kumatok nanaman sa pinto, alam ko na agad kung sino ‘yon. Kunot noo ko namang pinagbuksan si Atlas nang pinto.

“Ano nanamang ginagawa mo rito?”tanong ko na pinagkunutan pa siya ng noo.

“Akin na.”aniya kaya nagtataka ko siyang tinignan.

“Anong sa’yo na? Pinagsasabi mo riyan?”tanong ko pa sa kaniya.

“Shoes.”sambit niya na nakalahad pa ng kamay.

“Luh, ang cheap mo naman! Ibinigay mo na sa akin ‘yon, huh?”tanong ko naman sa kaniya.

“Yeah, but you said you’ll walk away from me?”tanong niya naman na kunot ang noo.

“’Yan, napaghahalataang stalker ka sa twitter. Crush mo pa rin ako no?”natatawang pang-aasar ko. Hindi naman siya nagsalita tungkol do’n.

“Hindi naman ‘yon totoo, naniwala ka naman.”natatawa ko pang saad. Pinapasok ko pa ‘to dahil baka mapatingin pa sa amin ang mga kapitbahay. Mahirap na no, wala pa namang guard dito, paniguradong madali lang dadagsain si Atlas kung sakali saka sobrang sikip ng eskinita, baka hindi na ako makapasok kung ganoon. Inaalala ko lang ang sarili ko.

As usual, kumain at nagkwentuhan lang kami rito. Lagi ba naman siyang nakatambay dito sa bahay.

Kinabukasan, sabay muli kaming nagtungo sa salon. May mga make up artist naman sila sa shoot pero nagtutungo pa rin siya sa salon para magpaayos.

“Chora.”tawag ni Ms. Lea sa akin nang makaalis si Atlas. Kinausap siya nito kanina. Hindi ko nga lang alam kung tungkol saan.

“Po?”tanong ko naman. Sinenyasan niya lang akong maupo rito sa office niya. Ganoon naman ang ginawa ko.

“Huwag ka munang pumasok sa susunod na linggo.”aniya sa akin kaya nanlaki ang mga mata ko.

“Po? Sinisisante niyo na ho ba ako? Huwag naman po, Ms. Lea, kailangan na kailangan ko po ang trabahong ‘to.”hindi ko mapigilang sambitin. Napatawa naman siya dahil sa sunod sunod kong tanong.

“Nako, hindi, Hija, gusto ni Mr. Garcia na isama ka sa shoot niya sa ibang bansa bilang make up artist niya. Mukhang nakita niya rin kung gaano ka katalented.”aniya sa akin.

“Pero hindi pa po ako main artist, Ms. Lea.”hindi ko mapigilang sambitin kahit na gustuhin ko man ding sumama kay Atlas sa ibang bansa.

“You also know our salon, right? Hindi natin ipagkakait ang oportunidad sa kahit na sino.”aniya na nginitian pa ako. Hindi ko naman alam kung paano ako magrereact dahil gusto ko rin naman talaga.

“Don’t worry, you won’t be mark as an absent.”saad niya pa at ngumiti sa akin. Tinanggap ko naman na ‘yon, ako na ang lamang bakit pa ako tatanggi, hindi ba?

Mabilis lang lumipas ang araw at kung ano kami ni Atlas? Hindi ko alam. Ganoon lang kami madalas, harutan sa bahay. Minsan ay patago ring lumalabas para bumili ng pagkain. Ilang beses ng may mga nagrereklamo dahil nakaharang ang kotse niya roon sa labas ng eskinita. Parang wala lang naman sa kaniya kahit ilang beses na siyang binantaan, siraulo rin talaga.

Ngayon na ang tungo namin sa london para sa shoot niya. Mauuna na raw kami roon dahil gusto niya pang mamasyal, hindi naman ako nagreklamo dahil gustong gusto ko rin naman. Hindi na mawala wala ang ngiti ko habang nasa eroplano kami. Nagawa ko pang makipagkwentuhan kay Atlas.

“Let’s take a photo.”aniya sa akin.

“Ayaw ko.”sambit ko kaya agad siyang napasimangot.

“Kay Cruix ayos lang? Ayos ‘yan.”aniya kaya kumunot ang noo ko sa kaniya. Aba’t pinost ba ni Cruix picture namin?

“Crush ako no’n kaya ayos lang.”ani ko nang natatawa.

“Crush din naman kita.”saad niya kaya halos masamid ako sa sarili kong laway. Bakit nambibigla? Kung ano ano lang tuloy ang ginawa namin para malibang ang sarili. Nakatulog na rin ako sa byahe kalaunan.

Nagising na lang ako na kailangan nanaming bumaba.

“Mukhang ito na ang oras ko para makahanap ng foreigner.”bulong ko kay Atlas kaya agad kumunot ang noo nito sa akin.

“What the heck, Cho?”aniya na sinamaan pa ako ng tingin. Natatawa naman akong napairap sa kaniya. Sobrang lamig! Agad nanlaki ang mga mata ko nang mapatingin sa labas.

“Nagssnow!”malakas kong sigaw at tinuro pa ang labas kay Atlas. Malapad naman ang nging ngiti niya sa akin dahil do’n. Hindi ko naman mapigil ang sayang nararamdaman. Ni hindi ko na pinansin pa ang lamig. Napatingin tuloy sa akin ang ilang tao mula rito sa airport.

Inaya naman na ako ni Atlas na lumabas habang dala dala ang mga gamit naming dalawa. Hindi naman na mawala ang ngiti ko habang nakatingin sa labas. Ang ganda talaga.

Nginitian ko pa ang halos lahat ng nakasalubong hindi ko alam kung nawiweirduhan ba sila sa akin o ano. Ano pa man ay wala akong pakialam. Basta masaya ako. May lumapit naman kay Atlas at nakipagenglish-an pa siya roon. Maya-maya lang ay sumakay na rin kami sa kotse.

Kahit noong makarating kami sa hotel na pagtutuluyan ay pinaglalaruan ko lang ang mga niyebeng nahuhulog sa kamay ko. Pakanta kanta pa ako nang makarating kami sa room na ko, katabi lang ng sa kaniya. Papasok na ako nang tawagin niya ako.

“Cho…”tawag niya sa akin kaya agad ko siyang nilingon, ang ngiti sa mga labi ko’y hindi pa rin nawawala habang nakatingin sa paligid.

“Ano?”tanong ko na pinagtaasan siya muli ng kilay dahil hindi siya nagsasalita.

“Magagalit ka ba kung sasabihin kong wala talaga akong trabaho rito?”tanong niya sa akin kaya halos pasukan na ng mansanas ang labi ko.

“Gago ka ba? Anong ipinunta natin dito kung ganoon?”hindi ko mapigang itanong.

“Hmm, remember when we were young? We were in senior high school that time. You said you wanted to see snow…”aniya sa akin. Napaawang naman ang labi ko dahil natatandaan niya ang mga bagay na hindi ko naman na matandaang sinabi ko. Saka akala ko’y hindi naman talaga siya nakikinig noong senior high school kami. Akala ko’y talak lang ako ng talak at wala naman talaga balak makinig ang ilan but now that he said it, hindi ko mapigilan ang tuwa pero hindi ko pinahalata.

“Ano namang conmect no’n sa pagsisinungaling mo, aber?”tanong ko na pinagtaasan pa siya ng kilay. Hindi naman siya nakaimik doon or should I say pinili niya na lang na huwag umimik dahil babarahin ko lang muli.

“But yeah, thanks for remembering.”ani ko bago pumasok sa hotel room.

Tinawagan ko na rin naman si Mima nang makapasok sa room na pagtutuluyan ko. Ipinaalam ko lang na nandito na ako para hindi siya mag-alala.

Nagtipa naman ako ng chat kay Atlas nang maupo rito sa kama.

@Chococho: So ibig mong sabihin na wala kang shoot ng tatlong araw?

Maya-maya ay may kumakatok na sa pinto. Hindi ko alam kung bakit kasi pinaghiwalay niya pa kami ng room gayong sobrang luwag naman na ng isa. Hindi na kailangan pa.

“Ano?”tanong ko sa kaniya nang makita ko siya. May hawak hawak na ‘tong gatas ngayon.

“Wala bang kape?”nagawa ko pang tanong.

“Akala ko ba’y hindi mo gusto?”tanong niya sa akin.

“Syempre pakipot lang. Ano akala mo sa akin mauuto mo agad ako?”tanong ko naman sa kaniya.

“Hindi tayo bati no’n, duh.”sambit ko naman sa kaniya at inirapan pa siya.

“Wait.”aniya na lalabas sana ngunit agad ko siyang hinila.

“Huwag na.”sambit ko na kinuha ang gatas sa kamay niya. Nag-usap naman kami sa plano niyang gawin.

“Sana ininform mo muna ako, hindi ba?”tanong ko na inirapan pa siya. Napanguso naman siya dahil sa tinuran ko.

“Hindi ka papayag na lumiban sa trabaho unless trabaho ang ipupunta mo.”aniya sa akin. Sinermonan ko siya ngunit hindi rin naman ako galit.

Nagpahinga na rin naman kami sa sari-sarili naming room dahil mamasyal na raw kami mamamaya. Hindi naman talaga ako nakapagpahinga dahil aliw na aliw pa akong kumuha ng litrato kahit nandito lang sa hotel room. Naging abala rin ako sa pagtingin sa naglalaglagang snow mula sa labas. Malapad lang ang naging ngiti ko nang katukin na ako ni Atlas. Aba’t talagang ‘yong mga pinamili kong damit noon ay nadala ko. Mga damit na hindi ko masuot sa pilipinas dahil masosuffocate ako sa init kung sakali.

Malapad pa ang ngiti ko habang nakatingin sa salamin. Nagmake up din ako, mabuti na lang waterproof ang Cho Cosmetic.

“Let’s go.”ani Atlas na siyang kahit ano naman ang suot ay mukha pa ring model. Hindi ko naman mapigil ang mangha sa kanya. Nagsimula naman na kaming naglakad palabas ng hotel. Ang driver na sumundo sa amin ay ‘yon pa rin.

“Hi, how are you today?”nagawa ko pang magtanong. Mukha naman ‘tong professional ngunit mukhang natutuwa sa akin.

“I’m good.”tipid siyang ngumiti sa akin dahil do’n.

“The weather is extra cold today, don’t forget to wear your jacket.”ani ko pa sa kaniya. Buti na lang englisher ang mga kaibigan ko kaya kahit na nonose bleed na ako at walang subtitle ang mga pinagsasabi ng mga tao sa paligid ay ayos lang.

“I like your accent.”aniya sa akin.

“Me too.”sabi ko kaya napatawa siya.

Maya-maya lang ay nakarating na kami sa british museum. Hindi ko naman maiwasang mamangha habang nakatingin sa laki no’n.

“Wow…”pabulong na saad ko kay Atlas. Napangiti naman siya sa akin dahil sa tinuran. Namamangha lang ako kahit na hindi ko naman maintindihan ang mensahe ng ilang nakadisplay. Atleast nabilib. Joke.

Kumuha lang kami ni Atlas sa mga naggagandahang nakadisplay dito sa museum. Matagal kaming naglibot libot do’n dahil talagang tinitignan pang mabuti ni Atlas ang mga ‘yon.

After that, nagtungo naman na kami sa tapat ng big ben hindi ko maiwasang mamangha habang nakatingin kung gaano kalaki ‘yon.

“They said this clock tower symbolize the continued functioning of the British government, particularly in wartime.”ani Atlas sa akin. Ngumisi naman ako sa kaniya dahil sa kaniyang tinuran.

“Hindi ko alam na nag-aaral ka pala, akala ko’y panay tulog lang ang alam mo. Pangmasa ka pa man din.”ani ko kaya kumunot ang noo niya sa akin. Natawa naman ako dahil do’n.

“Now that I look at that clock, sa tingin ko ang ganda kapag nakatira ka rito then kapag pagod ka na, kapag masiyado ng mabilis ang oras, parang sarap magtungo rito para lang panoorin kung paanong patuloy na umaagos ang oras ganoon din ang buhay.”sambit ko sa kaniya.

“Kung ano ano nanaman ang sinasabi ko, magselfie na nga lang tayo.”natatawa kong saad. Malaya siyang nakakagalaw ngayon dahil nasa ibang bansa kami. Wala rin siyang suot na mask o kung ano anong gamit para itago ang sarili.

Nagawa pa naman naming magpalitrato sa dumadaan dahil sasalabay ako sa kaniya. Dahil sa kakulitan ko, natumba pa kami sa snow. Tawang tawa naman kaming dalawa dahil do’n.

“Ang lamig!”sabi ko nang makatayo na at patawa tawa pa habang nakatingin sa mga litrato namin sa phone niya.

“Ganda ko riyan!”natatawa kong saad habang tinuturo ang blurred na picture namin.

“Send it to me!”sambit ko sa kaniya. Iniabot niya na mismo sa akin ang phone.

“Ikaw na.”aniya. Aba’t hindi ba siya natatakot na kalikutin ko ‘to? May private account siya sa facebook at sa ig naman ay ‘yong account niya lang na kilala ng mga tao. Ang sa twitter ag dalawa rin. Hindi ko lang talaga alam kung saan ko isesend, huwag judgemental.

“Hoy, crush mo talaga ako no?”natatawa kong tanong sa kaniya nang makasakay na kami sa kotse at nangangalikot pa sa kaniyabg account. Ako ang recent search niya sa twitter.

“Kagagawa ko lang ng account ko sa facebook.”sabi ko pa sa kaniya dahil kita kong pangalan ko ang nakasearch ngunit hindi niya naman mahanap. Kita ko naman ang pamumula ng mukha niya kaya malapad ang ngisi ko nang lingunin siya.

“Namumula yarn?”natatawa kong tanong sa kaniya. Tinusok ko pa ang tagiliran niya dahil do’n, kunot noo niya naman akong tinignan ngunit kitang kita pa rin ang pamumula niya.

“Malamig lang, assumer yarn?”balik niya naman sa akin ng pang-aasar ko sa kaniya. Hindi ko naman maiwasang mapairap sa kaniya dahil do’n. Nagtawanan na lang din kami kalaunan at asaran pa ng asaran.

Mask It With A SmileDonde viven las historias. Descúbrelo ahora