Chapter 34

881 35 2
                                    

Chapter 34
Melchora’s POV

“Cho, may dala kang bikini?”tanong sa akin ni Juls nang makalapit, aba’t talagang pinilit nito na makasama sa team.

“Gaga, trabaho ang pupuntahan natin, hindi gala.”sambit ko sa kanya ngunit inirapan niya lang ako ng natatawa.

We are going to the beach resort in nasugpu, batangas. Sa fortune island magaganap ang ilang scenes nila kaya medyo excited naman ako, kahit paano’y makakapagpahinga kapag inutos-utusan ako ni Jana dahil sa malapit sa dagat.

“Pero syempre oo, aba’t huwag na nating palagpasin lalo na’t 3 days naman tayo roon.”nakangisi kong saad at tinapik pa ang maleta ko. Agad naman lumapad ang ngiti niya sa akin.

“Alam na, Sis, hanap boylet!”ani Ava na tumili pa kaya napatingin sa amin sina Jana. Agad sumama ang timpla nang mga mukha ng mga ito, kaya nagkunwari lang akong nadaan ang tingin doon.

“Huwag nga kayong gaanong maharot.”ani Glenda, ang isa sa mga paboritonh assistant ni Jana.

“Sis, sobrang dami talagang pavirgin sa mundo no? Pero ang totoo isa rin namang makati, patago nga lang!”natatawang saad ni Ava kay Juls. Nagsihagalpakan naman sila ng tawa, halatang pinaparinggan lang si Glenda.

“Grabe, pinaparinggan niyo ba si Chora? Sariling kai—“hindi niya pa naitutuloy ang sasabihin, nagsalita na si Juls.

“Kung hindi obvious, ikaw ang pinaparinggan namin, Girl, ‘yang si Cho, natural na maganda na, kahit sino maakit.”nakangising saad ni Juls kaya agad na sumama ang mukha ni Glenda. Pasaring pa siyang umalis sa gawi namin. Laking pasasalamat na lang din namin nang dumating na ang van na sasakyan, naputol na ang parinigan mula sa kabilang panig.

Nauna naman na kaming bumyahe mula sa patutunguan. Susunod na lang daw ang mga artistang kasama. Mahimbing lang ang tulog ko hanggang sa makarating kami roon. Excited naman kami ng mga kaibigan na bumaba kahit na sa amin pa pinabuhat ang ilang gamit. Natawa pa nga ako dahil nagrereklamo si Ava ngunit ginawa rin naman ang inuutos.

Magstay kami rito sa Barangay Wawa, sa isang maliit lang na hotel, ngayong gabi lang dahil bukas ay sa fortune island resort na kami mananatili, dito kasi sa barangay Wawa magaganap ang isang shoot nila. Low budget lang ang para sa aming mga staff kaya rinig na rinig ang reklamo nina Jana. Pinanganak na may gintong kubyertos ang mga ito kaya hindi ata alam ang salitang hirap. Sa isang kwarto naman kami nanatili ni Melly. Kumportable naman kaya ayos lang.

Mamayang hapon pa ang start ng shoot dahil wala pa ang ilang artista. Imbis na matulog ay kinulit ko sina Juls na lumabas na upang magliwaliw sandali habang wala pa naman ang mga tao.

Palabas na kami nang pare-parehas kaming natigilan nang makita si Atlas na mukhang dito rin sa hotel na ‘to magchecheck in, akala ko ba’y sa mas magandang hotel sila? Low budget na rin ba para sa mga artista?

“Hi, Fafa Atlas.”nakangising saad ni Juls sa kanya. Napalingon naman sa gawi namin si Atlas kaya halos mangisay si Ava at Melly sa kilig. Hindi naman lingid sa kaalaman ko ang pagkagusto ng dalawang ‘to rito.

“Gaga ka, maharot.”bulong ni Ava ngunit nakatitig din naman kay Atlas. Napatawa na lang ako sa kanila at bahagya pang nailing.

“Hindi mo ba ako naalala? Ako ‘yong friend ni Cho—“kinurot ko naman siya kaya huminto siya. Ang kunot na noo ni Atlas ay tila ba naliwanagan.

“Oh, sorry, you’re Juls, right? Chora have too many friends.”aniya kaya agad namilog ang mga mata ng mga kasama ko tila ba nagtataka pa kung bakit kilala ako ni Atlas.

“Tara na.”ani ko bago pa sila mang-usisa. Nakasunod lang naman ang tingin sa amin si Atlas habang hinihila ko ang aking mga kaibigan palabas ng hotel.

“Hoy, gaga? Ano ‘yon? Bakit kilala ka ni Atlas?”sunod sunod na tanong no’ng dalawa. Ngumisi naman ang madaldal na Juls, ngising para bang sinasabing may alam siya na hindi alam no’ng dalawa. Masamang tingin tuloy ang binigay sa kaniya no’ng dalawa. Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa mga ‘to o ano.

“Ano, Cho?”hindi pa sila mapakali habang nakatingin sa akin. Aba’t kung isa isa sana ang tanong nila, hindi ba? Sasagot na sana ako nang unahan ako ni Juls.

“Ex niya ‘yon.”aniya kaya halos gilitan ko siya ng leeg.

“Gago?”manghang mangha naman na bulalas ni Melly at Ava.

“Wow.”ani Ava na hindi pa makapaniwala habang nakatingin sa akin.

“Ganda mo talaga, Girl, ikaw na ang babaeng pinagpala sa lahat.”ani Melly kaya napatawa ako sa kanya.

“May nanalo na, Sis, suko na ako.”sambit ni Ava.

“Gago, ex lang. May jowa na ‘yon.”saad ko kaya mas lalo lang silang napatitig sa akin.

“Sure ba you diyan?”tanong sa akin ni Juls.

“Mahal mo pa?”tanong ng mga ito. Agad naman akong umiling kaya agad lumapad ang ngisi nila sa akin.

“Confirm, mahal pa nga.”natatawang saad ni Melly.

“Pucha, nagtanong pa kayo kung hindi niyo rin naman ako paniniwalaan.”ani ko. Nagtawanan naman sila at hindi pa rin inaalis ang tingining mapang-asar.

“Kahit ako pipiliin kong hindi magmove on kung ganoon kasarap ang ex ko.”sambit ni Ava kaya nabatukan siya ni Melly. Naiiling na lang akong natawa.

Habang namamasiyal kami’y nang-uusisa lang ang mga ito. Ang dami nilang tanong, ang ending tuloy ay halos malaman na nila ang buong istorya. Kahit si Juls na alam na’y hampas pa rin ng hampas sa akin dahil sa kilig na kaniyang nararamdaman. Pakiramdam ko tuloy ay sobrang dami ko ng pasa sa kaliwa’t kanan ba naman nilang paghampas.

“Girl, paturo naman ng mga moves mong ganoon.”ani Ava sa akin kaya napatawa ako.

“Gaga, nangalawang na ako, siya lang ang huli.”saad ko kaya hinampas nanaman nila ako.

“Sabi na nga ba, hindi pa nakakamove on.”natatawang saad ni Melly.

“Ulol niyo! Wala lang choice dahil masiyado akong abala sa buhay.”pagpapaliwanag ko ngunit hindi sila naniwala. Kahit ako rin naman ay hindi naniniwala kung ganoon nga ang ipapalusot ko. Sadyang hindi lang ako nagkaroon ng interes sa kung sino sa probinsiya. Marami ring gwapo roon ngunit totoo ang sinabi nila na hindi pa ako nakakamove on. Well, hindi naman sa madalas ko siyang naiisip pero kaoag nasa bahay na’y hindi ko lang maiwasang manghinayang. Sayang 4 years na sana kami ngayon.

“Eherm.”tikhiman nila nang makasalubong namin si Atlas na siyang kausap ng manager niya habang sumisimsim ng kape. Paarang pinagsisihan ko na sinabi sa mga ito na may gusto ako kay Atlas dahil sobrang lakas ng kanilang mga kantiyawan. Kung hindi ko lang sinamaan at kinurot, hindi hihinto.

“Chora.”natigil naman ako sa paglalakad nang tawagin ako ni Atlas. Malapad naman ang ngisi ng mga kaibigan ko bago sila naghahagikhikan na umalis.

“Buy me coffee. Dalawa.”aniya na nag-abot pa ng card. Hindi ko naman mapigil ang kaunting simangot na umusbong sa akin. Nang tignan ko siya’y nakataas ang kilay niya kaya ngumiti pa ako.

“Hehe, grabe, pati pagsimangot bawal pala.”sabi ko bago ko tinanggap ang card at nagsimula nang maglakad patungo sa coffee shop na malayo sa lugar kung nasaan kami.

Nang mabili ko na ang gusto niya’y naglakad na ako patungo sa gawi ni Atlas na siyang mag-isa na lang na nakaupo sa wooden bench sa malapit.

“Ang tagal mo.”pagsusungit niya. Aba, punyeta pala ang hinayupak na ‘to, edi sana’y siya ang bumili, hindi ba?

Iniabot ko lang sa kanya at paalis na ako nang magsalita siya.

“Ang pait.”reklamo nito. Bahagya naman akong napangiwi sa itinuran nito. Pucha, may kape bang maalat?

“Buy me another one.”aniya pa kaya halos saktan ko na talaga siya.

“Nagrereklamo?”tanong niya.

“Hehe, hindi, lodicakes.”tumawa pa ako na wari’y nasisiraan, pinagtaasan niya lang ako ng kilay at itinaboy na. Susuntukin ko ‘to e. Pasalamat siya’y may sala rin ako sa kanya pero sobrang tagal na no’n at nakamove on na siya. Baka nagbago lang talaga. Kung ganito niya tratuhin ang lahat ng tao sa paligid niya, aba, salamat dahil makakamove on ako agad pero hindi ko naman kasi siya nakikitang nag-uutos sa manager o maski sa PA niya. Sa akin lang talaga. Trip ata ako.

Nang makabalik ay nakita ko siyang naroon pa rin habang nakatingala lang sa kalangitan. Ang unfair ng mundo, bakit ang gwapo niya pa rin sa kahit anong anggulo? Hindi ko mapigilang mapanguso habang papalapit sa kanya.

“Ito na, Loads.”ani ko at iniabot sa kanya ang binili.

“Ayaw ko na pala. You can take it instead.”aniya kaya halos sabunutan ko na siya sa inis. Punyeta, halos masunog ako sa tirik ng araw tapos ang hinayupak na ‘to.

“And this.”aniya na iniabot ang dalawang kape na hawak niya bago siya tumayo at umalis sa tapat ko na hanggang ngayon ay halos pasukan pa rin ng mansanas ang bibig dahil sa pagkakaawang. Sayang ang lakad ko! Nakakainis.

“Oh, bakit busangot na busangot ‘yang mukha mo, Girl? Para kang pinagsakluban ng langit at lupa.”natatawang puno sa akin ni Ava habang palapit ako sa kanila. Nakasimangot ko lang na iniabot ang mga inumin kina Ava.

“Bakit? Wow, nanlibre, first time.”ani Juls na malapad ang ngiti na tinanggap ang iniaabot ko.

“Kay Atlas ‘yan.”sambit ko kaya naghampasan naman silang tatlo.

“Nilibre ka na ikaw pa ata ang galit.”natatawang saad ni Ava habang nakatingin sa akin. Agad naman akong napairap dahil do’n.

“Girl, ikaw kayang maglakad diyan sa tirik ng araw. Pucha, para akong hihimatayin.”reklamo ko kaya naman agad silang nagsalita.

“Girl, sobrang bet na bet ko kung sakali! Kahit tapakan niya pa ako’y papayag ako.”sambit ni Ava kaya bahagya akong napatawa at nailing sa kanila.

Kinahapunan ay nagtungo na rin naman kami sa shooting sa barangay ng barangay Wawa, nakiusap naman sila roon kaya pupwede. Ang scene kasi ay ang unang pagkikita nina Atlas at no’ng leading lady niya. Sa unang pagkikita ay nagkabarangayan, habang sa fortunate island naman ikakasal ang Mama’t Papa ni Atlas kaya siya narito.

Ang ganda ng leading lady niya, maliban sa may balingkinitang katawan. Maamo rin ang mukha, may porselang kutis at ang sabi nila’y mabait daw pagdating sa mga tao sa paligid niya. Kaya nga ang daming may gustong maging sila ni Atlas dahil bagay naman daw.

Napansin niya naman ang pagtitig ko sa kanya dahil ako ang assistant ngayon ni Jana, kita ko ang bahagyang pagtaas ng kilay niya. Ngumiti naman ako sa kanya ngunit hindi niya ako nginitian. Napakibit naman ako ng balikat doon.

“Pupwede bang si Cho na lang magmake up sa akin?”dinig kong tanong ng isang artista mula sa gilid ko. Agad sumama ang timpla ng mukha ni Jana sa akin. Aba’t wala pa nga akong ginagawa ay galit na agad ‘to. Ako ba ang nagtanong?

“I like the way Chora make me up, alam niya ang nababagay na kulay for my skin.”ani Olin.

“Chora, please!”aniya na tuluyan ng lumapit sa amin. Napantingin naman ako kay Jana na halos sumabog na sa inis.

“Wala ka bang naririnig? Ikaw daw ang gusto.”inis na sambit niya at hinayaan ako. Kinuha ko naman ang kit ko at agad na tumapat kay Olin.

“Uyy, mas lalong gumanda skin mo, sinunod mo ba suggestion ko?”tanong ko na nakangiti sa kanya habang inihahanda ang mga gagamitin. Sunod sunod naman ang tango niya sa akin kaya napangiti ako.

“I have chika.”aniya sa akin. Madali lang naman ‘tong makasundo sa ilang linggo ko sa set ay madalas ko siyang nakakausap. Nagkwentuhan lang kami habang inaayusan ko siya. Parehas lang kaming maraming chika kaya halos hindi pa nakuntento ng matapos.

“Mamaya na lang ulit, Girl, may trabaho pa. Sama ka sa amin nina Ava.”ani ko at kinidatan siya. Malapad naman ang naging ngiti niya at tumango.

“Chora, ako rin! Paretouch.”ani Cruix na siyang umupo na agad sa kinauupuan ni Olin. Napatawa naman ako ng magbulyawan ang dalawa. Love team sila ngunit halos magsagupaan na kapag nasa likod ng camera. Hindi kasi talaga nagkakasundo. Although, magkaibigan naman sila, may boyfriend din kasi talaga si Olin.

“Mas lalo akong gumagwapo kapag si Chora ang nag-aayos.”pambobola pa ni Cruix sa akin.

“Ulol mo, hindi ka na gagwapo pa.”ani Olin kaya natawa na lang ako dahil nag-away nanaman sila.

Magsisimula pa lang sana ako sa pag-aayos nang may dumaan na sa gilid ko. Napanguso ako nang makitang si Atlas ‘yon.

“Cho, tent. Asap.”aniya.

Mask It With A SmileWhere stories live. Discover now