Chapter 17

1K 35 0
                                    

Chapter 17
Melchora’s POV

“Talaga bang hindi mo na gusto si Atlas, Chora?”tanong ng mga kaibigan ko sa akin. Tumango lang ako dahil ilang ulit na kaya nila ‘yong tinanong.

“Gusto niya si May, kailanman ay hindi ko gugustuhing manira ng relasiyon no.”ani ko kaya nagkatinginan si Bella at Bette.

“Bakit? Sila ba?”tanong ni Bella na nakakunot ang noo.

“Oo, sinundan ko sila noong nakaraan saka halata naman sa mga post ni May.”natatawa kong saad dahil kahit na sabihin kong wala na akong pakialam ay talagang umaariba naman ang pagiging stalker ko.

“Gaga, si Atlas kaya ang siyang dahilan kung bakit nahuli ng dalawang beses si May.”ani Bella. Nagtataka naman akong napatingin sa kanya dahil do’n. Medyo gulat sa nalaman.

“Siya ‘yong nagbigay ng evidence at naghanap ng ilang cctv para linisin ng dalawang beses ‘yang pangalan mo.”anila kaya napataas ang kilay ko.

“Seryoso ba ‘yan? Kapag ako lang pinagloloko niyo.”ani ko.

“Oo, gaga! Si Carver din nagsabi sa akin, ‘yon daw ata ‘yong pinagkaabalahan ni Atlas noong sabado’t linggo pagkatapos no’ng araw na ‘yon.”ani Bella.

“Ulol, buong araw ko silang nakita ni May sa mall! Saka naghintay din ako buong araw sa bahay nina Carver para lang magsorry sa kanya pero hindi sumipot tapos nakita ko pa ‘yong post ni May after that.”pagkukwento ko.

“Naghintay ka?”halos masamid naman ako nang may nagsalita sa likod ko. Alam kong si Atlas ‘yon kaya naman napakagat ako sa akong labi at wala na sanang balak lumingon pa sa gawi nito kaya lang ay mayroon pang isang mapangusisang si Indigo.

“Ganyan ka ba katanga, Loads?”natatawa niyang saad sa akin kaya sinamaan ko siya ng tingin.

“Sinusumpa ko, hindi ka lang isang buong araw maghihintay.”sambit ko sa kanya.

“Asa.”aniya naman na natatawa pa. Nawala lang ang tawa ko nang mapatingin kina Atlas na nasa akin pa rin ang tingin, si Carver ay natatawa lang dahil ako na mismo ang nadulas.

“Ahh, oo, pero oks lang, tapos naman na.”ani ko at simple lang na ngumiti sa kanya. Hindi naman niya ako nilubayan ng tingin kaya ako na mismo ang nag-iwas ng tingin. Kahit naman na sabihin nating siya ang naglinis ng pangalan ko at kung wala mang namamagitan sa kanilang dalawa ni May, wala pa rin akong say doon. Basta ang akin tapos na ako. Ayaw ko namang sabihin niyang tokis ako no.

Pero kung kailan ka nga naman umiiwas, saka naman nila naisipang magtotropa na tumambay dito sa classroom namin. Katulad na lang ngayon, dito sila nagjajamming kaya ang ingay ng room kapag ganitong oras na. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o ano. Aba, paano ako magmomove on nito kung araw araw ko ba namang nakikita si Atlas? Wow, Chora, parang naging kayo.

Ganoon lang ang halos ang ganap halos tatlong linggo ang makalipas ngunit hindi tulad ng dati na madalas ko siyang kausapin, ngayon kasi’y kapag may tinatanong lang ito saka ko lang sinasagot, same circle of friends din kami kaya mahirap siyang iwasan. Idagdag mo pa na madalas siyang magtungo sa classroom ngayon dahil naging close na talaga sila ni Indigo, para ngang sila na ang magbest friend ngayon sa dalas nilang magsama. Mang-aagaw ng best friend!

“Cho! Pahiram daw ng ballpen si Atlas!”anang mga kaklase ako nang nasa labas si Atlas at mukhang nanghihiram nga ng gamit. Kumunot naman ang noo ko roon, hindi ko alam kung nagbibiro lang ba ang mga ito o totoo talagang nanghihiram nga si Atlas.

“Huh? Isa lang ‘to, pakibalik pakisabi.”ani ko at iniabot ang tiglilimang pisong ballpen na binili ko sa bookstore. Medyo nakakahiyang magpahiram dahil mamahalin ang madalas niyang ibigay sa akin noon. Saka teka nga? Bakit ba siya nanghihiram gayong nagawa niya pang bumili ng school supplies para lang ipagtabuyan ako noon. Napairap na lang ako at nangalumbaba habang tinititigan siyang kinakausap ng mga kaklase ko.

Mask It With A SmileDonde viven las historias. Descúbrelo ahora