Chapter 12

922 42 0
                                    

Chapter 12
Melchora’s POV

“Nag-away kayo ni Atlas?”tanong sa akin ni Indigo habang nagdodrawing lang ako ng mukha sa notebook ko.

“Hindi,”umiling naman ako dahil hindi naman talaga.

“Oh, bakit hindi ka na nanggugulo roon kung ganoon?”tanong niya naman.

“Pupunta ako roon mamaya, pahinga lang muna.”natatawa kong sambit, aba’t baka tuluyan ng mainis sa akin ‘yon at ipaban na ako ng tuluyan sa classroom nila.

“Ang kulit mo kasi.”aniya naman sa akin. Inirapan ko lang naman siya. Alam ko kaya nga nagpahinga lang ako nitong mga nakaraang araw. Sanay akong inaayawan ng mga taong mahalaga sa akin ngunit hindi pa agad ako handa kung sakaling ganoon nga ang mangyayari kay Atlas. Aba’t ni hindi pa nga ako nagugustuhan nito.

Nang uwian na’y malapad ang ngisi ko habang naghihintay sa classroom nila. Nagpupunta naman ako rito dahil kahit paano’y marami akong kaibigan na nasa room na ‘to, madalas ko silang ayusan ng buhok at mukha. Kung noon kasi ay kinukulit ko si Atlas, sa ngayon nga’y nginingitian ko lang siya kapag madadaan sa harapan ko, papalipas ng tatlong araw bago mangulit muli.

“Aba’t akala ko’y huminto ka na, Chora.”natatawang saad nina Michelle sa akin. Nagkibit naman ako ng balikat, kanya-kanya na silang alis dahil may practice pa nga habang nanatili naman ako rito sa labas ng pinto. Hindi rin ako nanatili sa ilang practice dahil baka hindi ko rin matiis at kulit kulitin naman ito.

“Hi!”bahagyang nagulat si Atlas sa presensiya ko, siya ang unang lumabas.

“Oh, I said I won’t borrow things but I didn’t said that I’ll stop bothering you.”natatawa kong saad sa kanya dahil mukhang nagtataka siya nandito nanaman ako.

“Tara na.”malapad ang ngiti ko nang hilain siya patungo sa covered court. Napatingin naman sa amin ang ilang kaibigan.

“Aba’t back to normal nanaman kayo? Tapos na lq?”natatawang tanong ni Bren.

“Saka na ‘yang Lq na ‘yan kapag kami na.”pabiro ko ring saad.

“Ang tapang sa personal pero sa twi—“sinipa ko naman siya dahil ang dami kong drama sa private account ko. May mga tweet pang miss ko na siya chuchuness, saka lang ako nahihiya kapag katapos kong itweet pero hindi rin naman dinedelete.

“Tabi nga, Bren, dami mong say.”natatawa kong sambit. Last parctice na ito kaya nandito rin ang lahat, kumpleto na rin naman lahat ng props.

“Nandito ka nanaman? Balita ko’y nireject ka na, huh? Dikit ka pa rin ng dikit.”ani May na siyang dumaan sa gilid ko para kumuha ng inumin. Hindi ko naman siya pinansin, masiyadong maganda ang mood ko sa ngayon para lang sirain nito. Umalis na rin naman siya dahil tinawag na at hindi rin nakuha ang gustong marinig sa akin. Hindi ko alam kung saan naman niya nakuha ang balitang nareject ako, siguro’y dahil hindi na ako madalas naghihintay dito. ‘Yon din kasi ang bali-balita sa batchmate ko, marami ring nagtatanong na kaibigan.

Hinahayaan ko naman sila sa kani-kanilang iniisip, kapag sinasabi kong pahinga lang sandali’y hindi rin naman sila naniniwala.

Malapad naman ang ngiti kong kinuha ang towel na malinis sa bag at naglakad pa patungo sa stage. Napansin naman ni May ‘yon, nilingon niya pa ang hawak kong towel at kumuha rin ng towel sa kanyang bag, napangiwi pa ako nang ibigay niya ‘yon kay Atlas. Naging mahigpit tuloy ang hawak ko sa towel bago nagpatuloy pa rin sa paglalakad.

“Hi, ang pawis mo na.”ani ko at ako na mismo ang nagpunas, malapad naman ang naging ngisi ko, wala talaga sa plano ko ito, iaabot ko lang ngunit nayayamot nanaman dito kay May, gandang ganda pa naman din ako rito. Tsk. Tinignan ko pa sila na mapang-asar, kita ko naman ang iritasiyon ng mga ito sa akin.

“What are you doing?”kunot noong tanong ni Atlas na hinawakan pa ang palapulsuhan ko para patigilin ako.

“Pinupunasan ka?”natatawa ko namang sagot. Inalis niya lang ang kamay ko at tinalikuran ako bago sila nagtungo sa stage. Palihim pa akong tinawanan nina May at nang mga kaibigan niya kaya kumuyom lang ang kamao ko at napairap sa kanila.

Dumating ang kinabukasan, mula umaga’y talagang abala kaming lahat dahil gabi ang play, manonood din ang ilang estuyante mula sa lower grade at maski ang grade 12. Hindi naman ako kinakabahan dahil hindi naman ako magpeperform.

“Ayos na ba lahat?”tanong ni Indigo sa amin nang ilang oras na lang ay magsisimula na ang play.

Inuna na naming ayusan ang ilang supporting role. Ako ang mag-aayos kay May at Atlas dahil ‘yon ang gusto ng mga kasama namin. Wala namang kaso sa akin ‘yon dahil hindi ko naman isasama ang personal feelings when it comes to make up.

“Next.”ani ko na nag-inat inat pa. Malapad naman ang naging ngiti ko nang makitang si Atlas na. Pinaupo ko lang siya sa upuan. Seryoso naman ako habang binabagay sa tema ang mukha nito. The story is all about a guy who met a girl in the forest.

“Infairness, ang smooth ng skin, parang mas glass skin ka pa kaysa sa akin.”ani ko sa kanya. Hindi naman siya nagsalita at hinayaan niya ako sa ginagawa.

“Anong gamit mong product pang skin care, loads?”tanong ko pa habang nilalagyan siya ng foundation.

“I don’t have any.”aniya kaya napanguso ako.

“Sana all!”ani ko kaya naman napailing na lang siya. Ang kilay nito’y parang hindi na rin kailangan ayusin dahil plakadong plakado na.

“Haba ng pilikmata.”sabi ko na nakangiti pang tinititigan ‘yon. Napansin ko naman ang pagtitig niya sa akin kaya napatikhim ako.

“Ano ba ‘yan? Baka mamaya crush mo na ako, huh?”natatawa kong sambit kaya napairap siya ngunit kita ko ang bahagyang pagngisi ng kanyang labi. Hindi ko naman tuloy mapigilan ang pagngiti dahil do’n.

“You know what, dati talaga sobrang inggit na inggit ako roon sa mga taong mahahaba pilik mata samantalang kailangan ko pa namang maglagay ng fake eyelashes.”napanguso kong pagkukwento habang nagsisimulang ayusin ‘yon. Nakikinig lang naman siya sa akin habang marami akong sinasabi.

Maya-maya lang ay sa labi niya na ako nakafocus dahil ‘yon na ang lalagyan ng lip balm para lang kumintab o para pagmukhaing natural din kahit maganda naman na ang lips niya. Pagagandahin lang lalo. Napatitig naman ako roon. Napaatras ako nang ilapit niya ang mukha sa akin ngunit hinapit niya ang baywang ko kaya mas lalo pang lumapit ang mukha sa kanya. Ramdam ko ang lakas ng tibok ng puso dahil sa ginawa niya.

“Stop staring at it, baka sakmalin ka.”nakangisi niyang saad bago pinitik ang noo ko at tumayo na. Pulang pula naman ang mukha ko nang makaalis na ‘to sa tabi ko. Punyeta, kahit na sobrang harot ko, wala pa rin akong unang halik kaya halos malagutan ako ng hininga dahil sa nangyari.

Nagising lang ako sa iniisip nang dumating na si May. Saka ko lang din napagtanto na hindi pa kami tapos ni Atlas! Aba’t hindi pa tapos ang sa lips ng isang ‘yon! Sinilip ko naman siya mula sa labas. Mukhang nakapaglagay naman na siya dahil makintab na ang mga labi at nagawa pang makipagtawanan sa mga kasamahan niyang aarte. Aba’t kalmadong kalmado habang ako rito’y ang siyang parang magpeperform. Parang nagwawala ang puso ko dahil sa kanya.

“You can sit there.”sambit ko kay May, napatingin pa ako sa kanya. Mukhang init na init naman ‘to dahil pawis na pawis. Hindi naman na ako nakipagtalo pa sa kanya at hindi ko rin naman siya iniringan o ano, pinunasan ko na lang ang mukha niya. Ang ganda talaga nito, sana ugali rin. Nagsimula naman na akong ayusan siya, hindi kami nag-angilan dahil mukha siyang kabado.

Nang matapos ako’y hinarap ko na rin siya at tinanguan, nag-inat inat naman na ako nang matapos dahil siya na lang ang last na aayusan. Magbibihis na ito kaya lumabas na ako ng kwarto na pinag-ayusan nila.

“Great job, Chora! Galing ng team niyo!”bati sa akin ng president nina Atlas. Ngumiti naman ako.

“Galing lang ng mga kasama ko, Loads.”nakangiti kong saad bago naglakad patungo kay Atlas.

“Here.”ani ko at inabutan pa siya ng piso. Napakunot naman ang noo niya sa akin do’n. Umupo naman ako sa tapat niya at tinapik ang paa.

“Para hindi ka kabahan.”nakangiti kong sambit.

“I’m not nervous.”aniya kaya naningkit ang mga mata ko. Siningit ko pa rin ang piso roon.

“Good luck! Galingan mo, huh?”nakangiti kong sambit.

“Esai! Esai!”tawag ko kay Esai na abala sa pagkukuha ng litrato, documentation. Gusto na nga nitong umuwi kanina pa e.

“Kuhanan mo kami.”ani ko at malapad na ngumiti. Tumango naman siya sa akin.

“Smile, huh? Huwag kj, loads. Pogi mo pa naman ngayon.”nakangiti kong sambit sa kanya. Hindi naman siya umalis o ano, nanatili lang siya sa tabi ko habang nagpapakuha kami ng litrato. Malapad ang ngiti ko sa camera habang nakapeace sign pa.

Napatingin naman ako kay Atlas nang akbayan niya ako ngunit nanatili pa rin ang tingin sa camera. Nang bitawan niya ako’y malapad ang naging ngiti ko at lumapit pa kay Esai.

“Esai, send mo mamaya ahh.”bulong ko sa kanya. Tumango lang naman ‘to at iniwan na kami. Mag-uusap pa sana kami nang mageskandalo si May.

“Look what’ve you done!”malakas na sigaw niya sa akin. Kunot noo ko naman siyang tinignan. Ang puting gown nito’y napuno ng lipstick, hindi ko naman mapigilang mapangiwi roon. Aba’t bakit nasa akin ang sisi ng gaga?

“Anong pinagsasabi mo riyan, May, bintangera ka?”tanong ko na natatawa pa.

“She fucking ruin it!”sigaw niya habang nakatingin sa akin. Patingin tingin pa siya kay Atlas na siyang kunot noong nakatingin din sa akin. Napaawang naman ang labi ko roon, sa paraan ng pagtingin nito’y parang pinagbibintangan din ako. Para bang naniniwala rin siya rito. Nawala naman ng ngiti ko roon.

“I didn’t! Bakit ko naman sisirain ‘yan? Grade nating lahat ang nakasalalay dito.”iritado ko ring saad habang mahigpit pa rin ang hawak sa may make up ko.

“Talaga? Baka naman naiinggit ka lang talaga? Gusto mo si Atlas, hindi ba? Baka gusto mong ikaw ang maging leading lady nito kaya ganito?”matapang niyang tanong habang nakataas ang kilay sa akin.

“Ang kapal naman ng mukha mong pagbintangan ako dahil lang diyan sa ebidensiya mong pinagbasehan!”inis kong sambit at nakahanda ng makipag-away dito.

“Stop it,”pagbabawal ni Atlas na nasa akin ang tingin. Mas lalo namang kumuyom ang kamao ko dahil sa paraan ng pagtingin nito tila ba ako nanaman ang mali.

“Bakit? Hindi ba gawain mo naman talaga ‘to? Ang hilig mong manira ng reputasiyon ng tao! Saka ikaw lang naman ang naiwan sa loob, hindi ba?”galit niya pang sigaw.

“Tangina, hindi ba’t naiwan ka rin doon? Baka ikaw ang nanira.”iritado ko ring saad.

“Bakit ko sisirain gayong ako ang kasama sa play? Inggetera!”malakas niya pang sigaw.

“What happened?!”malakas na sigaw no’ng president ng kabilang section.

“Fuck, magsstart na ng play, kailangan mo ng lumabas doon, May!”sabi nito na napahilamos pa sa mukha. Nasa akin naman ang tingin nila wari ba’y sinira ko talaga ‘yon.

“I…”hindi ko na tinuloy pa ang sasabihin dahil pakiramdam ko’y wala naman talagang makikinig lalo na’t sa paraan ng pagtingin nila. Napapikit na lang ako dahil nanataranta na ang lahat ng kaklase ko.

Hinawakan ko si May kaya humarang ang mga kaklase. Kita ko ang panginginig niya habang nakatingin sa akin.

“Huwag mo ng patulan, Chora.”anila sa akin.

“I’m not going to do anything to her.”ani ko at hinawakan siya sa braso. Pinasok sa loob ng kwartong pinagpasukan namin kanina, lahat naman sila’y sumunod sa amin.

Wala ng oras para patunayan pa ang sarili ko, I need to do something baka masira pa ang pinaghirapan ng lahat na play kung hindi.

“Chora! Magsstart na ang play! Ano ba?!”iritado niyang sambit na nagpupumiglas pa sa hawak ko. Masama namang tingin ang ibinigay ko sa kanya.

“Putangina, bibigwasan ko ‘yang bunganga mo. Upo.”malamig kong saad at sapilitan siyang pinaupo sa upuan. Mukhang natakot din naman kaya pumirmi rin sa pagkakaupo.

Mask It With A SmileWhere stories live. Discover now