Chapter 26

758 33 1
                                    

Chapter 26
Melchora's POV

"Should I tell Atlas that her Mom wants to meet up, Mhie?"tanong ko kay Mima na siyang abalang abala sa pag-aayos ng mukha. Napapansin ko ang mas madalas niyang paglagay ng make up sa mukha.

"Ano bang sabi, Chora?"tanong ni Mima Joan sa akin.

"Huwag ko na raw sabihin dahil baka sumunod pa, gusto niyang ako lang daw ang kabonding."nakanguso kong saad.

"Cho, alam ko na ang mga scene na 'yan, nako, mag-ingat ingat ka riyan sa ina ng boyfriend mo, talagang maldita 'yan, kung hindi lang maganda ang ratings niya sa shop natin, hindi ko na 'yan tatanggapin pa roon."ani Mima na nilingon pa ako. Hindi ko naman maiwasang mapanguso roon. Hindi rin ako sigurado dahil noong nakaraan naman ay sabi ni Atlas, her Mom is trying to know me, hindi ko nga lang alam kung sincere ba ito o ano.

"Mhie, bakit parang pumapayat ka? Nagdidiet ka nanaman ba?"tanong ko kay Mima nang tumayo siya at mapansin ang pangangayayat niya sa ngayon.

"Medyo, nak."aniya kaya napanguso ako.

"Mhie, sobrang sexy mo na at mas maganda ka pa sa akin kaya huwag ka ng masiyadong magpapayat."nakangiti kong saad sa kanya.

"Nako, tigilan mo ako riyan sa pagiging bolera mo, Melchora."natatawa niyang saad kaya napatawa na lang din ako.

"I love you, Mhie."natatawa ko pang saad at niyakap 'to.

"I love you too, aral ng mabuti! Huwag puro harot."aniya habang ginugulo ang buhok ko. Natatawa naman akong napatango roon.

Pagkatapos kong makipagkwentuhan kina Mima, nag-ayos naman na ako dahil nga makikipagkita sa Mommy ni Atlas. Nagdadalawang isip pa rin ako kung sasabihin ko ba sa kanya o huwag na, baka mas lalo pa akong mapunta sa bad side ng Mommy niya kung sasabihin ko.

"Cho, ingat ingat sa bruhilda."natatawang sabi ni Mima Sunny. Nailing na lang ako sa kanya at lumabas na ng bahay, I put extra care with my hair na talagang kinurl ko pa, sa make up na simple lang but I tried to be more elegant, well, elegante ang imimeet ko, baka punahin pa ako. Pati sa paraan ng pananamit ay ganoon din. Atleast, I tried to be in her good side.

Inihatid ako ni Mima sa coffee shop na pupuntahan namin.

"Magtext ka kapag minalditahan ka, susugod kami."bulong niya sa akin kaya napatawa ako at napailing. Talagang expect na ata nilang tatarayan ako nito. Well, kapag daw imexpect mo, hindi mangyayari kay ieexpect ko na rin. Half joke.

Naglakad naman na ako papasok sa coffee shop na mukhang mga kilalang tao pa ang nagtutungo. Nangalumbaba na lang ako at hinintay siyang magtungo rito. Mukhang matagal tagal pa naman siya, aba't ang usapan ay 9 o'clock pero 10 na ay wala pa rin ito pero ano bang choice ko? Edi ang maghintay!

Napatingin ako sa may pinto nang pumasok siya kasama si Madel na ang sabi ni Atlas sa school namin nag-aaral ngayong 1st year college na siya at 2nd year college naman kami. Hindi ko nga lang siya nakikita dahil medyo malayo ang department niya sa amin.

"Sorry, I'm late, I stop by in my friends house."nakangiting saad ng Mama ni Atlas na si Georgiana. Ngumiti lang din naman ako sa kanya kahit hindi ko alam kung totoo nga ba ang ngiting pinapakita nito.

"Good morning."tipid na bati ni Madel sa akin, halatang ayaw talaga ako. Pinakitaan ko naman sila ng malapad na ngiti. It doesn't matter, Atlas likes me. Bonus na lang kung magugustuhan ba ako ng magulang at pamilya nito.

"Let's order now?"tanong pa niya sa akin. Tumango naman ako at tipid na ngumiti. Ang dami nilang inorder, baka mamaya ibuhos sa akin. Parang panglimang tao kasi ang pinamili nila.

Mask It With A SmileWhere stories live. Discover now